Seklusyon at Kalayaan
"Tulong! Tulong! Tulungan nyo ako, parang awa nyo na!", yan ang ilang beses kong isinisigaw at nagbabakasakaling may makarinig man lang kahit alam kong impossible. Ilang beses kong sinubukang hanapin ang labasan pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung paano ako nabubuhay dahil hindi ako kumakain o umiinom, o kahit hangin ay wala akong maramdaman. Nasaan ba ako? Ang buong paligid ay madilim. Kahit ang tinatapakan ko ay madilim din. Hindi ko alam kung bakit at paano ako napunta dito. Nagising na lang ako na nandito na ako sa madilim na lugar na ito.
May nakita akong maliit na liwanag. Agad kong tinungo ang lugar na kinalalagayan noon at napagtanto ko na nasa isang madilim at malaking kwarto ako. Ang liwanag na nakita ko ay ang labas ng kwartong ito, isang butas na napakaliit kahit ang daliri ko'y hindi magkakasya.
"Tulong! May tao ba dyan? Nandito ako sa loob!" sigaw ko habang nasa tapat ng maliit na butas. Umaasa ako na may makarinig sa akin kahit isa lamang ngunit wala. Matagal akong umupo sa tapat ng butas na iyon pero wala pa rin. Hanggang sa may narinig ako. "Alalahanin mo ang mga nangyayari sa iyo. Iyon lamang ang paraan para makalabas ka dito" sabi ng tinig.
Ng marinig ko ang tinuran ng boses, naalala ko ang nangyari bago ako mapunta dito. Bumalik sa akin ang lahat ng sakit ng ako'y kanilang iniwan. Labis ang aking pagmumukmok noon sa isang tabi, at kahit ang aking mga kaibigan ay hindi ako malapitan. Hindi ako kumakain kahit na hinahatidan na ako ng mga ito. Nasa kwarto lang ako noon,umiiyak, nagluluksa, nagdadalamhati at nag-iisa. Naalala ko ang lahat ng mga pangyayari. Naalala ko kung paano kami naaksidente noon habang pauwi kami galing sa isang bakasyon. Masayang-masaya kaming magkakasama na para bang ayaw na naming umuwi noon pero hindi pwede. Masayang-masayang ako ng araw na iyon dahil nagkaroon kami ng bonding. Pero ang sayang naramdaman ko, masusundan na pala ng pait at sakit. Nabundol ang sinasakyan naming kotse habang tinatahak namin ang mahabang daan. Nawalan na ako ng malay, at pagmulat ko nasa ospital na ako. Hanggang sa makalabas na ako. Hinanap ko sa pinsan ko ang mga magulang ko. Hindi sya makasagot sa akin ng diretso. Isinikay na lang niya ako sa kotse nila at dinala kung saan. Sabi nya pupuntahan namin ang aking mga magulang. Akala ko sa bahay kami didiretso, nagulat na lang ako ng sa sementeryo. Umiiyak ako ng umiiyak habang nakaluhod sa kanilang mga libingan. Isang buwan pa lang ako nacomatose at tanging ako lang ang nakaligtas. Pagdating namin sa bahay, doon na ako nagkulong, nagsisisi, at hiniling na sana namatay na lang din ako para kasama ko sila.
"Tanggapin mo ang katotohanan, tanggapin mo na wala na ang iyong mga magulang, yan ang tanging paraan para makabas ka sa madilim na lugar na ito. Tanggapin mo. Palayain mo ang sarili mo." rinig kong kaniyang tinuran. Kahit alam kong masakit parin, gagawin ko para makalaya na rin sila, at makalaya na din itong puso, makalaya na rin ako.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Maikling Kwento (Short Story)
ContoCompilation ng maiikling kwento na ginawa ng Author na to. Iba't ibang kwento at karamihan ay kathang isip lamang.
