Chapter One: Anonymous' Letter (Part I)

Start from the beginning
                                    

"Ha?" She guessed it? There's no way na ni-guess niya lang ang ganoong bagay! Tinitigan ko siya sa kanyang hazel na mata. Hindi ko mawari kung ano ba ang iniisip nitong babaeng ito. "Who are you?" mabagal na tanong ko sa kanya. Binigyan lang niya ako ng isang pilyo na ngiti.

Bigla kaming nakarinig ng isang malakas na lagabog galing sa direksyon ng pintuan. "Am I late?" tanong ng lalaking nasa pintuan. His hair is a mess. His necktie is still hanging loose on his shoulders with his blazer. Naka-unbutton pa ang dalawang taas na butones undershirt niya.

Nakita kong napairap si Friar sa harap ko. I remained silent and observed kung ano ang sunod niyang gagawin sa lalaki. I feel that she knew the boy. "No, you're not," sagot ni Friar sa kanya. Lumapit sa posisyon naming ang lalaki.

"Thank goodness. Akala ko late na ako," aniya sabay ng paghinga niya ng maluwag.

"Ayan kasi. Sinabi ko na sa'yo kanina na kailangan gumising ka na. Tumingin ka kasi sa oras," sabi ni Friar dito.

Tinaasan siya ng kilay ng lalaki. "Excuse me, ha? Sinubukan kong gumising 'no! Kaso nga lang hinatak ulit ako pabalik ng magandang dilag sa panaginip ko!"

"Oh, so that girl in your dream is important more than school? Sige! Bumalik ka sa higaan mo and put yourself back to sleep again para makita mo ulit ang 'magandang dilag' na sinasabi mo," aniya.

"I'm also late dahil may ginawa pa akong 'importante'," sagot pabalik ng lalaki. Napansin kong nakaayos na ang loose niyang tie at nakahawak doon ang kamay ni Friar. Are they arguing while fixing the boy's outfit?

"Anong 'importante'? Ah, oo, tama! Ang 'importante' na sinasabi mo is the girl in your dreams."

"You know what I mean!" sigaw niya

"And that's what you mean!" sigaw pabalik ni Friar.

Nakatitig sila sa isa't isa. Nakatayo na si Friar nakapameywang sa kanya habang ang lalaki ay nakatitig sa kanya pabalik. Ang mga mukha nila ay isang sinulid na lang ang distansya.

Great. First day of school in my new school and now, I'm seeing the first fight inside of it.

"And I think you two should both stop quarreling in front of me," reklamo ko nang maramdaman kong nag-iinit na ang kanilang away. Napatingin silang dalawa sa akin. My voice is not that loud to stop them but they still stop so that's kind of fine. "Kung gusto niyo mag-away, can you politely leave the room? And oh! Pwede naman magpa-request ng private room for lover's quarrel, hm?"

Tumitig sila sa akin. Walang masamang tingin na nakalahad kung 'di isang plain na titig. Seriously, anong ginawa ko? Parang may ginawa akong masama sa uri ng pagkakatitig nila sa akin.

"Uh, Fri. Who's that?" turo sa akin ng lalaki habang nakatingin kay Friar.

"That's the transfer student, Mavis. Hindi ka ba na-inform?"

Sinamaan siya ng tingin ng lalaki at tumingin sa akin. Binigyan niya ako ng isang ngiti. "Hi, Mavis. Name's Lucas. Lucas Freed but you can call me baby," aniya sabay wink. This man has no hint of any embarrassment left on his body, I'm sure of it.

Siniko siya sa tagiliran ni Friar at umiling-iling. "Don't take what he said seriously, Mav, but his name is seriously Lucas Freed. Iyon lang ang serious sa sinabi niya."

"Mavis," sabi ko. She replied a "hm?" with a confusing look at me. "Mavis. That's my name. Iyon ang itawag mo sa akin."

"Okay, Mav," nakangiti niyang pag-uulit sa nickname na ibinigay niya sa akin. Hinayaan ko na lamang siya. "Lucas is also the leader of the dance club sa Ferris University and part of the Senior Student Council as well."

Knotted Conundrum (Project:Mystery #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now