Chapter 3

83 2 1
                                    

Chapter 3

>Fate’s POV<

Hindi talaga nacancel ang dinner namin sa bahay nina Gelo. Ako nalang daw ang hinihintay sabi nina Mommy. Sinadya ko talagang magpalate para naman maisip nila na hindi talaga ako interesado sa kasalang magaganap. Now, here I am sa harap na ng pintuan nina Gelo. Kakatok pa sana ako kaso biglang bumukas.

“Mabuti naman at dumating ka na. Hindi ka man lang nahiya na pinaghintay mo kami.”

Wow ha. Ganun ba ang pagbati ng isang gentleman? Ay hindi pala siya gentleman mas mabuti pa nga siguro ang aso kesa sa kanya.

“I don’t need to explain. None of your business.”

“Yeah! Pinaghintay mo lang naman kami ng kalahating oras tapos hindi mo kailangang mag-explain?”

“Shut up! Kanina pa ako napupuno sayo ha!”

“You shut up too! Kanina ka pa daldal ng daldal!”

“Both of you! Sit down! Parati na lang kayo nagbabangayan!”

It’s my Dad. Sa sobrang pagsasagutan kasi namin hindi na namin namalayan na nasa harap na kami ng dining table. I am now sitting beside Gelo. May kasalanan pa tong lalaking to sa kin ehh!

“So I guess pwede na tayong kumain?”

“Yes Tita. Ok na po kami. At mukhang gutom na gutom na po kasi ang anak niyo. Kawawa naman.”

“Hindi ako gutom. Baka ikaw nahihiya ka lang aminin.”

“I’m on a diet kaya hindi ako nakakaramdam ng gutom.”

“Diet? Haha! Para ka na ngang kawayan nagdadiet ka pa?”

“Enough! Mamaya na kayo magbangayan pagkatapos nating kumain okay?!”

And galit na rin ang Daddy ni Gelo. Itong lalaking to kasi hindi talaga nagpapatalo. Parang babae kung makipag-away. Halos mabingi ako sa katahimikan namin ni Gelo. Sina Mom and Tita Grace nag-uusap tungkol sa preparation. Diba dapat kasali kami ni Gelo don? Sila sila lang talaga siguro ang nagpaplano. Si Tito Allan at si Dad naman business ang pinag-uusapan. At yan din ang rason bakit kami ipapakasal ni Gelo. Business is business talaga. And yes! Finally natapos na rin ang dinner so move on na rin kami sa next topic.

“So I guess sa living room na lang natin pag-usapan ang next agenda ng dinner na to.”

May nalalaman pa talaga silang mga agenda. Ano to board meeting?

“Bakit Tito? Marami ho ba ang pag-uusapan natin ngayong gabi? Akala ko po settle na ang lahat.”

“Hindi mo ba narinig ang sabi ni Dad? Sa living room nga pag-uusapan diba?”

Nagtatanong lang ako bawal ba? Naiinis na talaga ako sayo Gelo ha! Isa na lang talaga!

 “So naisip naming apat na kailangan muna naming mamahinga sa pagpapatakbo ng kompanya.” – Daddy

“So sino po ang mamahala ng company natin? Ibebenta niyo na lang po ba? Hindi na matutuloy ang kasal?”

“Sinagot talaga ng Diyos ang kaisa-isang panalangin ko.”

“Ha ha ha ha. Ano pa ang silbi ng pagpapakasal niyo kung ibibigay lang namin sa iba ang companya.”

“Ibig niyong sabihin Dad kami ni Gelo ang magpapatakbo nito?”

Okay lang naman sa akin na ako ang mamamahala ng company namin dahil yan naman ang ginagawa ko ngayon. Tinutulungan sina Mom at Dad sa company. But, ang idea na makasama siya sa office, It’s a NO! Araw-araw na nga kaming magkasama sa bahay tapos hanggang sa opisina ba naman?

“Yes, tama! Kayong dalawa nga.”

“Tito, sa tingin ko po hindi yun magandang idea. Pwede naman hong ako na lang mag-isa ang magpatakbo at sa bahay na lang ho si Terese. Araw- araw lang ho kaming magbabangayan sa office.”

Mabuti naman Gelo at nakaisip ka rin ng magandang idea. Hinding hindi ko talaga nanaisin na 24/7 kitang makikita sa loob ng 100 days.

“Remember the deal? Pwede naming baguhin at dagdagan ang rules kaya wala kayong magagawa. After you wedding day kayo na ang bagong boss sa kompanya.”

Oh crap! Wala na talagang lusutan to. 100 days na pagtitiis sa mukha at ugali ng lalaking to.

>AJ’s POV<

Ano ba ang laman ng utak ng mga magulang namin? Andami talaga nalang arteng nalalaman. Makakasama ko sa office araw-araw si Terese? Sa tingin ba nila magwowork ang marriage namin at maiinlove ako sa babaeng to kapag nagsama kami araw-araw?

“Remember the deal? Pwede naming baguhin at dagdagan ang rules kaya wala kayong magagawa. After you wedding day kayo na ang bagong boss sa kompanya.”

May mga rules pa silang nalalaman. 100 days lang naman na pagtitiis eh. Kaya yan, total madali lang naman lumipas ang araw.

“Wala na po ba tayong pag-uusapan? May usapan po kasi kami nina Peter ngayon eh.”

Makaalis na nga muna sa bahay na ito. Puro bad vibes kasi ang nandito eh. Kapag nasa tabi ko ang babaeng to parang puro galit ang nararamdaman ko sa kanya.

“Ako rin po aalis na. Nakalimutan ko may usapan pala kami ngayon ng mga friends ko.”

Gaya-gaya? Well, alam ko namang gusto rin niyang umalis sa lugar na to.

“Isabay mo na si Fate anak. Gabi na masyadong delikado sa babaeng magdrive.”

“Mom? Kaya niya na yang sarili niya. Kaya nga niyang maglasing. Hindi ko na responsibilidad kung mapano siya sa daan.”

“Yes Tita! I can manage naman po. At nakakahiya naman po sa anak niyo. Baka magkaroon pa ako ng utang na loob sa kanya.” – sabay tingin sa akin na parang mangangain ng tao. Spoiled brat talaga.

“Oh siya sige. ang cute niyo talagang tignan pagnagbabangayan. Mas lalo kayong nagiging bagay.”

Nonsense. Makaalis na nga. Diretso na ako sa kotse ko at si Terese naman diretso rin sa sariling kotse niya. Hindi kami nag-imikan at kanya kanyang bukas ng pinto. Nauna siyang lumabas ng gate at nakasund ako sa kanya. Hindi ko alam kung saan siya pupunta pero bakit parang pareho kami ng daan na tinatahak? Pupunta na naman ba siya sa bar at maglalasing tapos mang-iistorbo ng tao? Bat di kaya sa ibang bar nalang sila pumunta ng mga kaibigan niya? Kahit saan ba ako pumunta kailangan nandon din siya? Ano to tadhana o sadyang ang malas ko lang talaga?

Hello readers .. Salamat sa pagtangkilik ng kwento ko .. I need atleast 5votes or 350 reads para iupdate ang next chapters.. Please vote po kayo .. At please pakifollow na rin po ako .. Salamat ng marami :)

A Deal For 100 DaysWhere stories live. Discover now