Chapter 1

165 2 2
                                    

Chapter 1

>AJ’s POV<

“Pare! Bat parang ang laki ng problema mo? About na naman ba ito sa kasal niyo ni Fate?” –

Ayaw na ayaw ko talagang nababanggit ang pangalan ng babaeng yan. Ewan ko ba bat sa dinami-dami ng babae dito sa mundo bat sa kanya pa ako ipinagkasundo nina Dad.

“Alam mo Mark, pumunta ako dito sa bar mo para makalimutan ang pinakapangit na nilalang sa mundo kaya wag mo munang mabanggit banggit ang pangalan ng babaeng yan.”

Oo siya ang pinakapangit na babaeng nakilala ko. Pangit ng ugali, pangit manamit, pangit ang pagmumukha. Lahat sa kanya pangit.

“Naku Pre! Baka hindi si Fate ang tinutukoy mo. Mas maganda pa nga si Fate kesa kay Dianne.”

Napatingin ako kay Peter nung binanggit niya ang pangalan ni Dianne. Siya ang babaeng pinakamamahal ko pero iniwan ako para sa career niya sa ibang bansa. Kung saan nakapagdesisyon na akong hintayin ang pagbabalik niya doon naman dumating ang babaeng sisira sa mga plano ko.

“Maganda si Dianne kesa sa babaeng mukhang paa na yun.”

Para sa mga kaibigan ko mas maganda si Fate pero para sa akin walang makakapantay sa kagandahan ni Dianne.

“Ang bitter mo Pare. Ilang araw nalang ikakasal ka na. Kung ako sayo sulitin ang pagiging single. Mukhang may mga bagong bisita dito sa bar ah.”

Napalingon ako sa sinabi ni James at may tatlong babae nga na pumasok. Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko pero biglang nagsalita si Peter.

“Pre! Ibalato mo na sa amin. Maghanap ka nalang ng iba.”

“Kayo ang nagsabi na sulitin ang nalalabing araw na hindi pa ako nakatali yun pala mauunahan niyo pa ako.”

“SIge Pre! Itext mo nalang kami kung nakauwi ka na ha.”

Magsasalita pa sana kaso nawala nalang na parang bula ang tatlo. Matindi siguro ang pangangailangan. Maghahanap na nga lang ako dito. Hindi ko naman kailangang maghanap dahil may biglang tumabi sa akin. Hot siya at alam kong ako ang habol nito dahil parang nilalandi ako. Well, susulitin ko na to.

“Kaya pala ang init dito sa loob dahil dumating ang hot na katulad mo.”

Pambobola ko sa kanya at halatang naniwala naman siya dahil parang nagblush-on ng ilang beses sa sobrang pula ng pisngi.

“Hindi ko alam na wala palang dila ang magandang babae na tulad mo. Sayang naman.”

Hindi kasi siya nagsasalita ehh. Natameme siguro. Mga babae talaga pakipot masyado.

“Nagulat lang kasi ako sa sinabi mo.”

Nagsalita din sa wakas. Nagpacute pa hindi naman bagay.

“John Angelo Buentura pala. Just call me AJ.” Sabi ko sa kanya sabay lahad ng kamay ko.

“Charie by the way.” Sabay kindat sa akin. Nagpapahalata na talaga siya na easy to get.

“Masyadong maingay dito sa loob. Wanna go somewhere?.”

“Sure! Marami na ring tao kasi dito. Ayoko ng masyadong crowded.” Ayaw niya ng crowded pero pumupunta dito. Well ganyan talaga ang mga babae basta mga easy to get.

Palabas na sana kami sa bar pero may biglang humarang sa daanan namin. Ang babaeng panira ng araw na naman.

“Alis! Hindi mo pag-aari ang daan.”

“Naku! Naku! Umuusok na naman ang ilong mo Gelo! Sino na naman ba ang nabingwit mo ngayon na magdadala sayo sa kalangitan?” nakatawa pa niyang sagot sa akin sabay flip ng buhok nyang parang alambre naman.

“Wala ka na don. So will you please get out of our way! Wala namang pakialaman ng buhay pwede? Maghanap ka rin ng malalandi mo.” Sabi ko sa kanya na ngayon ay umuusok na rin ang ilong. Nagalit siguro sa huling sinabi ko.

“Yeah! Mind your own business. Oh by the way! See you tomorrow.”

“Tomorrow? Asa ka na magkikita pa tayo bukas. Kailangan wag mag-aksaya ng maliligayang araw ko. Dalawang araw na lang empyerno na kasi ang pupuntahan ko.”

“Wow Ha! Akala mo kung sino ka magsalita.! FYI Dinner bukas sa bahay niyo. So whether you like it or not magkikita pa rin tayo. And that’s a bad news for me! BYE to you. And to you also! BITCH.”

“How dare you!” sigaw ni Charie sa babaeng yun na tumalikod na lang basta-basta. Ang bastos talaga ng ugali.

“Im sorry Charie pero nasira na ang mood ko eh. I hope to see you next time. Bye!”

Naglakad na ako papunta sa kotse ko. I don’t care kung ano ang sabihin ni Charie alam ko namang babalik yun sa loob para mang-akit uli ng ibang lalaki. Damn! That woman! Mood wrecker talaga! Kung babae lang ako ang sarap talaga sabunutan.

>Fate’s POV<

Nakakainis talaga! Badtrip! Pumunta ako dito sa bar para magsaya at kalimutan ang kamalasan sa buhay ko. Bakit nandito siya at sabihan ba naman akong maghanap ng lalaking malalandi! Duhhh! Im not like the one na kasama niya kanina. Akala mo kung sinong maganda.

At nasaan na ba ang tatlo kong kaibigan? Pinapunta punta nila ako dito tapos wala naman pala sila. Or baka nandito na nakakita lang ng mga ilalandi. Tinext ko na sila hindi naman nagrereply.

“Bat ba kasi ngayon ka lang? Kanina pa kami nandito.”

Biglang may nagsalita sa likod ko at alam kong si Thea yun. Pasulpot-sulpot nalang sila sa likod ko parang kabute. Mabuti nalang hindi ako masyadong magulatin na tao.

“May inayos pa ako sa office. At nagkaslubong kami ni Monster bago ako pumasok dito.”

“What??? Destiny talaga oh. Hahaha.”

“Carol? Anong destiny pinagsasabi mo jan? At bat kinikilig ka! Panira nga ng gabi yung lalaking yun ehh.”

What!! Destiny? Ano to kanta? Sinusundan lang talaga ako ng malas kaya kami nagkita.

“Dont be so rude Fate. Just enjoy your last two days of being single.”

Tama si Candy dapat ko ngang ienjoy ang masasayang araw ko. My life for 100 Days will be like a hell. Faith Terese Monteclaro – Buentura, ang pangalang hindi katanggap tanggap. 

A Deal For 100 DaysOnde as histórias ganham vida. Descobre agora