Chapter 2

134 1 1
                                    

Chapter 2

>Fate’s POV<

Ang sakit ng ulo ko napasobra yata ako ng inom kagabi. Sa sobrang kalasingan ko inakala ko pang si Gelo ang nagdala sa akin pauwi sa condo. Natatawa tuloy ako ngayon, bat ba kasi sa dinami dami ng taong naimagine ko siya pa! Ang asungot na panira ng buhay.

Ang aga-aga badtrip agad ako. Paano pa kaya kapag mamaya magkita ulit kami dahil my family dinner kami sa bahay nila. Bat ba ang hilig hilig nila sa mga arrainge marriage? Hindi ba pwedeng magsama nalang ang kompanya namin nang walang nagaganap na kasalan? Mga mayayaman talaga maraming alam sa buhay na minsan panira ng kaligayahan.

Tumayo na ako at dumiretso sa banyo para mag mumog. Nakita ko na may note sa bedside table ko.

“Next time wag ka magpakalasing kung hindi mo kaya! Perwisyo!” – AJ

What????? So totoo pa lang siya ang nakita ko kagabi! Siya pa ang naghatid sa akin dito sa condo ko? Paano siya nakapasok? At paano na siya ang naghatid sa akin pauwi eh diba nga kasama niya yung babae niya kagabi? Ahhhh! Andami ko ng tanong wala namang sagot. Nakakahiya ka talaga Fate! Bat sa lahat ng tao na pwede maghatid sayo yung lalaking yun pa!

>AJ’s POV<

Perwisyo talaga ang dala sa akin ng babaeing yun! Iinum hindi naman pala kaya tapos ako pa ang tinawagan ni Mark para maghatid sa kanya pauwi. Hindi pa nga kami kasal sakit na sa ulo ang dala. Panira talaga ng araw tapos magkikita pa kami mamaya. Wala talagang magandang pangyayari sa buhay ko ngayong araw na to puro kabadtripan at kamalasan.

*tok* *tok* *tok* *tok*

“AJ, anak, bumaba ka na diyan para mag-almusal. Hinihintay ka na ng Daddy mo sa baba.” It’s my Mom.

“Yes Mom. Susunod na po.”

Binuksan ko ang pinto at dumeretso pababa nauna si Mom hindi na siguro ako hinintay sumagot kasi nakaupo na siya sa tabi ni Dad.

“Good Morning Dad, Mom.”

“Good Morning son. Inumaga ka na daw ng uwi kanina? Saan ka na naman nanggaling? Hindi na ba matitigil ang pagbabar mo gabi-gabi?”

Hay! Ang aga aga sermon na ang narinig ko sa aking ama. Hindi siguro to nakaranas magbinata kaya hindi niya alam ang kaligayahan sa pagbabar.

“Kasama ko sila Peter. Hindi naman po ako sana uuwi ng madaling araw kung hindi ko hinatid si Terese sa condo niya.”

Maaga pa sana ang dating ko dito sa bahay kagabi at hindi ako sinesermunan ng ganito kung hindi dahil sa babaeng yun.

“So kasama mo pala si Fate kagabi sa bar. Mabuti yan nagkakayayaan na kayong dalawa. Para naman may bantay ka.”

Bantay? Yung babaeng yun pa ang magbabantay sa akin? Eh mas grabe nga yung malasing kaya dapat siya ang bantayan ko.

“No Dad. Hindi kami magkasama pinerwisyo niya lang ako. It’s a long story kaya please change topic. Ayokong mawalan ng gana.”

Nakakawalang gana naman talaga pag yung babaeng yun ang pinag-uusapan namin.

“Pagkatapos mong kumain magbihis ka at sunduin si Fate.”

“Ngayon? Akala ko ba dinner?”

“Pupunta kayong dalawa sa designer ng gown niya. You should follow up kung tapos na.”

Bat ako pa talaga ang sasama sa kanya. Wala ba siyang ibang kaibigan na babae na pwedeng sumama sa kanya? Start of my hell day!

“Mom? Dad? Wala na ba talagang atrasan to? I cant take na makasama ang babaeng yun sa isang bubong.”

A Deal For 100 DaysWhere stories live. Discover now