CHAPTER 13: Find her!

78 1 0
                                    

Chapter 13: Find her!

Bea's _ POV:

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang card na ibibigay ko sana kay Sky para sa monthsary namin. Binuklat ko ito at muling binasa ang mesanheng naka sulat dito. Hindi ko naiwasan na malungkot. Kanina lang ang saya saya namin pero ngayon biglang na uwi sa ganito. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko.

"Ang ganda niyan ahh! Para kay Sky?"

Hindi ako sumagot. Muli kong binalik sa bag ko ang card at tahimik na tumanaw lang ako sa labas. Ayokong humarap kay Marielle. Ayokong makita niya na naiiyak ako pero,, napansin parin niya.

"Bea,, bakit? Nag away ba kayo ni Sky?"

Umiling iling lang ako habang pinupunas ang mga luha sa mata ko. Hindi ako maka salita dahil parang may bara ang lalamunan ko.

"Bea!"

Nagpapasalamat ako ng naka uwi na ako sa bahay! Dito ko binuhos ang mga luha ko na kanina ko pang gustong gustong pakawalan. Ano bang nangyayari samin ni Sky. Simula ng dumating si Ashley parang nagiging magulo ang sitwasyon namin. Ayoko naman sisihin siya dahil wala naman itong ginagawang hindi maganda. Matagal na silang magkakaibigan kaya siguro natural na sa kanila ang ganung mga kilos.

Pero bakit hindi ko maiwasan na makaramdam ng inis sa kanya! Pakiramdam ko kasi sinasadya niya ang lahat. At ngayon si Sky,, galit sa akin. Nasasaktan ako! Bakit ko ba hinayaan na mangyari ito! Bakit hinayaan ko siyang maka pasok sa buhay ko at ngayon nahihirapan ako!

Today is my saddest day! Pinaka malungkot na araw na pumasok ako sa school. Pakiramdam ko lahat sila hindi ako pinapansin kahit noon pa man ganun na talaga sila sa akin. Hindi ako affected! Pero,, nararamdaman ko lahat yon ngayon!

Nakita ko si Sky,, kasama niya ang barkada niya! Masaya silang nagkukwentuhan. Gusto ko sana siyang lapitan para humingi ng sorry pero,, na unahan ako ng hiya kaya sa halip na lapitan ko siya sa CR na lang ako dumeretso!

"Bea?"

Hindi ko pinansin si Marielle deretso ako sa loob ng CR. Nag kulong ako sa isang cubicle at doon umiyak.

"Bea,, ano bang problema mo? Bakit ka umiiyak?"

"Wala ito! Don't mind me!"

"Pwede ba naman yon! Kaibigan kita! Sige na,, pwede mong sabihin sa akin!"

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng cubicle at lumabas dito. Naka ngiti agad sa akin si Marielle. I'm glad naging kaibigan ko siya.

"Bakit hindi mo kausapin si Sky about dyan?" Tanong niya sakin matapos kong sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit ako ganito.

"Gusto ko sana pero,, ayokong isipin niya na wala akong tiwala sa kanya pero,, naguguluhan talaga ako!"

"Paano ka mapapanatag dyan kung hindi mo siya kakausapin?"

HAVE YOU SEEN THIS GIRL?: Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon