CHAPTER 15: Losing Her!

65 0 1
                                    

It was Saturday at tulad ng sabi ni Sky nag date sila ni Bea. Pauwi na sila at patungo naman sa bahay nina Ashley kung saan gaganapin ang farewell party nito. Papasok na sana sila sa loob ng huminto si Sky at pigilan nito si Bea.

"Why?"

Umiling si Sky at ngumiti.

"Wala naman.  Gusto ko lang sabihin na masaya ako."

Pinisil nito ang kamay ng nobya. Napangiti si Bea.

"Ikaw lang ba?  Ako rin!"

"This is one of the happiest day of my life, Bea. And it's because of  you."

Nag blushed si Bea sa tinuran nito. Kahit siya hindi maitatago na isa ito sa mga masasayang araw ng buhay niya. Tama ang desisyon niya na sumugal sa nararamdaman niya kay Sky.

"Gusto ko sana wag muna tayong umuwi kanina dahil gusto pa kitang masolo kaso nakakahiya naman kay Ashley."

"Ano ka ba naman Sky, marami tayong oras para dyan, 'yong kaibigan mo aalis na yan kaya pag bigyan mo na."

"Sabagay! Let's go inside na nga, basta, wag kang lalayo sakin! "

Napa ngiti muli si Bea.

"Saan naman kaya ako pupunta."

Tuluyan ng pumasok sa loob ang dalawa. Hindi naman sila nahirapan na hanapin ang barkada dahil kumaway agad ang mga ito pagkakakita sa dalawa. Agad naman silang lumapit dito.

"Kumusta naman ang date?" Tanong ni Marielle.

"Masaya. Ayaw pa nga sana umuwi ni Sky."

"Dude, may balak ka pa yata mag check in sa isa sa mga hotel don!"  Biro ni Sean kaya nag tawanan ang barkada. Namula naman si Bea.

"Hindi. I just want to spend time with my girlfriend! Pero, since farewell party ito ni Ashley kaya umuwi na kami.  Tutal marami pa naman kaming time ni Bea."

"Tama yan!" Sang ayon ni Keane.

"Finally, dumating ka rin!"

Sabay sabay na lumingon ang magkakaibigan. Palapit sa kanila si Ashley at agad na tumabi kay Sky.

"Akala ko talaga hindi ka darating. Bakit ba ngayon ka lang!" Himig pagtatampo ni Ashley. Sinasadya rin nitong hindi pansinin si Bea na katabi lang ni Sky, na para bang ito lang ang bagong dating.

"Hindi ba nila sinabi sa'yo na may date kami ni Bea?" Hindi sumagot si Ashley imbis umismid ito. "Ang totoo niyan ayaw ko pa sana umuwi kami ni Bea pero pinilit niya ako."

"So,  dapat pala akong mag pasalamat sa kanya!" Sabay tingin sa babaeng katabi ni Sky.  "Salamat dinala mo dito ang boyfriend mo!" Tipid na ngiti lang sinagot dito ni Bea.

Nag patuloy ang kasiyahan hanggang sa putulin sandali ito ni Ashley para sa farewell speech daw niya.

"Sky,  samahan ko lang si Marielle sa restroom." Paalam ni Bea.

"Okay. Dito lang ako hintayin kita then,  uwi na tayo para maka pagpahinga ka na."

"Sige."

Iniwan nina Bea ang grupo. Pagkatapos naman ng speech ni Ashley lumapit ulit ito kina Sky.

"Sky,  can we talk?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HAVE YOU SEEN THIS GIRL?: Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon