Chapter 41: Issue plus War

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagkibit balikat si Pier

"Di ba siya tumawag sayo?"tanong ni Pier kay Henz

Umiling ito

"Hindi naman mahilig tumawag yun.Unless It's an emergency."sagot ni Henz

"Hmm..Wait tatawagan ko yung maid nila.."sabi ni Pier

Napataas ang kilay naming dalawa ni Henz

"May number ka ng maid nila?"tanong ko

"Uhm,yung isa lang.Yung bago..Yung pinakabata."kamot batok niyang sabi

Napailing na lang si Henz

Tinawagan mi Pier yung maid nila Mond

"Weird..Kanina pa daw nakaalis si Mond sa kanila..Maaga daw pumasok."sabi ni Pier ng mababa niya yung phone niya

Napakunot ang noo ko..

"Baka nasa field?"sabi ni Henz

Lumabas kami ng room at naglakad papuntang field dahil madalas din talagang mapag-isa yun dun sa field kapag maaga siyang pumapasok.

"Ayun!Sabi sa inyo nandito lang yun eh."turo ni Henz

Napatingin kami..

Napakunot ang noo ko ng makita sila.

"Wait?Si Zey ba yun?Nakahiga si Mond sa lap ni Zey?"tanong ni Pier habang nililiitan ang mata dahil malawak ang field at medyo malayo ang punong pinepwestuhan nila.

"Bakit magkasama yung dalawang yan?"tanong ni Henz

"Tara lapitan natin sila.."aya ni Pier

Akmang maglalakad na yung dalawa ng pigilan ko sila

"Tara na..Di naman natin kailangan si Mond sa pag-uusapan natin."sabi ko at mabilis na tumalikod at naglakad paalis

Sumunod naman silang dalawa sakin..

----

Nang medyo dumadami na yung taong napasok sa classroom ay nanahimik na lang kaming tatlo sa sulok.Kung saan kami nakapwesto

Sabay-sabay namang pumasok si Deil,Diel at si Yumi.

"Di pa din ba papasok si Zey?"tanong ni Carl sa kanila

"Uhmm..Alam ko ngayon na siya papasok"sagot ni Deil

"Eh?Nasan na siya?"

Napataas ang kilay ko at sabay sabay kaming napatingin sa pinto ng pumasok si Zey kasunod si Mond.

"Uy!Ba't sabay kayo ha?"asar ni Luke

Hindi sumagot si Mond at tuloy tuloy lang na naglakad papunta sa upuan niya ganun din si Zey.

"Kayo ha!Parang may tinatago kayo.."sabi ni Pier at tumayo na

"Kayo na ba?"tanong ni Pier at ang buong classroom ay nabalot ng katahimikan

Napatingin ako kay Mond

Nakakunot lang ang noo niya at napapailing

"Ano bang pinagsasabi mo?"natatawang sabi ni Mond

"Why can't you answer his question?"seryosong tanong ko

Napatingin siya sakin

Natawa siya ng mahina..

"Ano bang isasagot ko?Oo?"

Nag-igting ang panga ko at natawa

Napatingin ako kay Zey na nakatungo sa desk niya..Kung ano yung palagi niyang ginagawa sa room..

"So kayo na nga?"tanong ulit ni Pier

Hindi ulit sumagot si Mond at gaya kanina tahimik pa din yung room at tila nakikinig sila sa isasagot ni Mond

"Bakit ba sobrang maissue kayo?"

Napatingin kaming lahat kay Zey ng magsalita siya

Inangat niya ang ulo niya at tumingin kay Pier

"Porket ba magkasabay kaming pumasok sa room na to kami na agad?"she then smirked after saying those words..

Tapos tumingin siya sakin

"Hindi ba pwedeng nagkasabay lang kami ng paglalakad papunta dito?Bakit nga ba kayong mga pilipino...Tss ang issue niyo masiyado."naiiling na sabi niya

"Nagtatanong lang naman siya.."biglang singit ni Misty

"Asking that kind of question?"nakataas na kilay na tanong ni Zey

"Why?Bakit kasi ayaw mo na lang aminin na matagal mo na talagang gustong landiin si Mond?Kasi di mo malandi si Liam and you know na mas mabait si Mond kaya sa kanya ka lumalapit?"maarteng sabi ni Misty

Tumayo si Diel sa upuan at akmang susugurin si Misty pero pinigilan siya ni Deil.

"Ano?Di ka makasagot?Admit it..You're a whore,a slut and a bitch.."

Malakas na natawa si Zey

Kumunot ang noo ko

"Are you done talking to yourself?Sa pagkakaalam ko yung mga sinasabi mo kanina,tumutugma sa personalidad mo.Am I wrong?"

"How dare you?"

"No,How dare you na sabihin sakin lahat ng yun?You don't know who am I Misty Flores.."seryosong sabi ni Zey at tumayo sa kinauupuan niya

Tahimik kaming nakikinig sa kanilang dalawa at si Pier naman ay bumalik na sa upuan niya

"Hindi ako katulad mo.Kaya wag na wag mong ipapasa sa akin yang titulo mo bilang isang malandi.."

Sabi niya at naglakad paalis pero pinigilan siya ni Misty at hinatak ang buhok..

Napahawak ako sa sintido ko at napailing..

"Wala ba tayong gagawin?"tanong ni Henz

Bumuntong hininga ako at tinignan silang nagaaway at nakikisali na ang iilan

Tumayo ako at hinawakan sa braso si Misty ng akmang sasampalin na ulit niya si Zey

"Enough.."malalim na sabi ko pero sapat na para mapahinto silang lahat.

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon