Chapter 8: More than friends

2 0 0
                                    

Miracle's Point of View

"Miracle, doon tayo sa bahay namin." Aya niya saakin, ano na namang gagawin namin doon? Nag- aalinlangan pa ako pero sa dulo pumayag din ako, magpapalibre daw siya eh :> "Tara." He opened the door car for me na kina-kilig ko, I felt like a lady.

Habang nasa biyahe kami ay i-pli-nay niya ang paborito kong kanta, "Dirty tissues, trust issues. Glasses on the sink they didn't fix you. Lonely pillows in a strangers bed little voices in my head..."

"Your voice is lovely." He said, making me blush. Yeah, he got me... with his flowery words and compliments. It really hit me, yeah I already fell for this guy. But I can't, 'coz I have a mission... a mission to break his heart and fall into a million pieces, I need to break the heartbreaker's heart. But I feel guilty--- "Hey, Miracle! Malalim yata ang iniisip mo..." I came back to my senses when I heard Xilus, he's still focused on the road. Daydreaming, ang sarap upakan -,-

"Wala lang, I just remembered my lola's last will." Masama bang i-share ko? Di ko naman ibabahagi ang buong details ano. "She just died weeks ago..." And I became gloomy, suddenly a deep silence ensued.

"Sorry for interrupting..." He said with a sorry face while still keeping an eye on the road, dapat ako nga ang magsorry eh... dahil sa sobrang mahal ko ang lola ko merong isang inosenteng taong masasaktan. But I cant break it, masamang tao ang mga Gomez I mean si Xilus Carlo lang pala... pero minsan napapaisip din ako kung ano ang atraso ng mga Gomez and especially Xilus... "By the way, I sent my deepest condolences." He said with full sincerity. Bilib din ako sa lalaking to eh, behalf on the things he do badly meron pa ring natitirang kabaitan sa isip at puso niya.

"Thank you." I said at sinabayan ng pilit na ngiti, ang hirap pala ang magpanggap ano? I just need to wear a fake smile and act like anything is normal, in short I'm good at pretending.

"Kain kaya muna tayo?" Aya niya saakin, well di naman ako tatanggi dyan basta food is life. "Baba nalang tayo dyan sa malapit na Korean restaurant."

"Sus, ikaw bahala... basta wag kang magsisi sa huli ha." Halakhak ko, mukhang tanga -,- Siya naman napatawa lang din kaya nakisabay nalang din ako, ang hirap makasama ang isang mokong, grabe -,-

*

"Hoy! Baka mabulunan ka, dahan dahan lang." Saway saakin ni Xilus, napangisi lang ako sa kanya. Ang pinasukan naming na restaurant ay buffet pala kaya eto naparami ang kain ng lola niyo -_- Pero di ako mataba ha! At last but not the least hindi ako SPG... super patay gutom, pero ngayon ewan ko nalang -.-

"Bahala ka sa buhay mo!" Kahit garalgal ang boses ko ay pinagpatuloy ko pa rin siyang sermonan, grabe ang sarap talaga! "Binantaan na kita eh! Di ka nakinig kaya eto! Dahil sayo tataba na ako!" Huhuhu, goodbye abs hello fat T-T

"Hahahaha! You got something on your face." Sinabi niya at lumapit ng kaunti saakin, biglang namula ang aking mga pisngi nang maramdaman kong may dumampi saaaking balat at agad nag-init ang aking katawan. Dahil sa sobrang kilig ba? Tanga, may lagnat kasi ako -,- charot. "Ayan, masyado ka kasing matakaw eh."

But instead of pouting I froze for a moment, ganun ba kalakas yung charisma niya? Nakakainis kasi eh, sa tuwing tititigan niya ako o kaya hahawakan niya basta dumampi ang balat niya saakin may kuryente eh. Natatakot nga ako baka ma-ground ako -,- Pero I'm super duper serious, ewan ko ba...

"Tss, ano sa tingin mo saakin? Walang kamay?" Bulyaw ko at nagpatuloy sa pagkain, bahala na siya basta ako magpapakabusog...

"Hey! Take it easy! Nakailang plate ka na ng sushi at teriyaki! Gash, tapos halos maubos mo yung isang lagayan ng mint ice cream." Napatingin lang ako sa kanya ng masama, bwiset... at least di ako nagwawalwal.

"Hmm, ang sarap talaga!" Sigaw ko, haysss...

*

"Thanks for the treat." I smiled. Ang sarap talaga ng pagkain doon, pero mas lalong sumarap kasi libre ^-^ Hihi! "Sure ka bang tutuloy pa rin tayo sa bahay niyo?" He chuckled, baliw talaga kahit kalian.

"Of course, they need to see your beautiful face." Pangbobola nito saakin. Mga lalaki nga naman oh. "Pero syempre, joke lang yun." At tumawa siya ng sobrang lakas... nakakabaliw talaga si Xilus!

"Alam mo, nababaliw ka na talaga!" Asik ko, na mas lalo niyang ikinatawa. Pinagtiitinginan tuloy kami ng mga tao na nasa paligid namin. "Tara na nga!" Hinila ko ang braso nito at nagpadala naman ito..."Pupunta tayo sa mental hospital!"

Unti-unti kong namalayan na nasa bandang tenga ko na siya. "Oh yes, cause I'm totally crazy for you." Di ko alam kung madadala ko pa siya pagkatapos nun. "Just joking..." At tumakbo siya papalayo saakin, napaka-swerte ko talaga!

Project: Break the Heartbreaker's HeartWhere stories live. Discover now