Chapter 5: Fearless

4 3 0
                                    

Third Person's Point of View

"Hay... this day is exhausting like hell." Napahiga si Miracle sa kanyang kama at pinagmasdan ang kisame, kanina ay siya na ang humingi ng paumanhin sa babae dahil sa ginawa ni Xilus. Dagdag pa ang proyektong pinapagawa ng kanilang guro sa History, wala pa siyang alam kung sinong magiging ka-partner niya dito dahil si Lia ay may partner na pati si Jana na kanyang boyfriend. Kawawang Miracle... wala ng pwends.

Napaisip din siya, bakit ganon ang ugali ni Xilus Carlo? Nasa kanya na ang lahat, kayamanan, kapurihan at kapogian kaso wala ang magandang asal. Mga tao talaga ngayon masyadong plastic, pwe!

TOK! TOK! TOK!

"Who could that be?" Tanong niya sa kanyang sarili at naglakad papunta sa pinto, na-curious siya kung sino ang kumatok. Wala namang bibisita kay Miracle ng 10 PM di'ba? And besides tulog na si Lia, ganoon din ang ibang estudyante... sino kaya ang kumatok--- "Putek naman Miss A eh!" Maktol nito, aba! Nasali ako dito! Author lang po ako ha, AUTHOR lang! "Tinatakot mo ako eh!" Parang siyang bata kung umasta, Ok! Sorry na! "Baka kung ano to eh!" Sige na! Buksan mo na, ang daming kaartehan eh... back to the story.

Unti-unting binuksan ni Miracle ang pintuan at bumungad sa kanya ang isang lalaki na may hawak na package, "Miss Miracle, para sainyo po ito." Sabay abot sa kanya, kuryosidad ang bumalot kay Miracle... package?! Baka bomba na ang laman niyan! "Salamat ha!" Sabi ng lalaki at umalis, nabagot siguro.

Agad namang sinara ni Miracle ang pinto at inilapag ang package sa lamesa, after 123456789 seconds na pagtingin, pagsuri at pag-suspetsya... nalaman na namin ang killer. Charot! Hindi... binuksan niya ang package, pumikit siya. Luh? Anong klaseeng kaartehan na naman yan teh gurl ha?!

May nakita siyang isang sulat at isang plastic na naglalaman ng pagkain, "Ayan na po, mahal na prinsesa. Nilibre na kita ha! Enjoy po!" Basa nito sa sulat, bahagya siyang napangiti ng di niya alam. Luh kenekeleg ka teh?

Kinuha niya ang supot (sorry sa mga natamaan) na may laman ng pagkain, naglalaman ito ng chicken sandwich, fries at coke. "Wow, gumastos pa talaga siya para lang dito ha." Sabi niya sa kanyang sarili. Hay, ang landeee niyo! Balakayodyan--- "Hoy! Miss A, wag kang ano dyan! Kaya kitang siraan sa mga readers!" Luhhh... makasalita nga,

"Pwede rin kitang tanggalin sa storyang ito kaya manahimik kana."

"Sabi ko nga." Napakamot siya sa kanyang ulo, hayyy...

Miracle's Point of View

-Kinabukasan-

"So today, since wala ang inyong guro---" Di pa man nakakatapos ang babae sa pananalita ay nagsigawan agad sila, tss. Nagsulat muna ako sa kapirasing papel ng THANK YOU at nirolyo at binigay kay Xilus.

"Tanggapin mo na!" I whispered, arte naman nito... di yan death threat ano! Unti-unti niyang binuksan ang papel, ang mukha niyang di mabasa ay ngayon abot tenga ang ngiti... ang cute niya, I mean sobra sobra na! Umaapaw ang kagwapuhan at kacuteness niya...

"Walang problema." He mouthed, I smiled as exchanged. Friends na ba ang tawag dito?

Nang humarap ako sa nag-aanounce aynakatitig lang ito saakin, may ginawa ba akong masama?

Ang tahimik nilang lahat at nakamasid lang saamin, hala! Iniisip ba nila na may namamagitan saaming dalawa?! >.<

"Tapos na maglandian?" Tanong ng babae, hala! Di naman landi ang tawag doon eh!

I just sighed and stood up, "Miss Tion, right?" I said, nakakapanggigil to eh. She just nodded and laughed, is this a new kabaliwan? "Well to correct you, Miss Tion." Diniinan ko ang pagkasabi ng apelyido niya, wag siyang pabida dito! Pare-parehas lang tayong estudyante dito! "Di kami naglalandian, sadyang madumi lang yang utak mo."

Parang nainsulto siya---I mean nainsulto na talag siya, sus... arte mo! You started this so I'm gonna finish your damn game. "Excuse me?!" She said with an irritating voice.

Natawa naman ako sa kanya, medyo napalakas. Wag siyang pabida dito! Dayuhan lang siya. "Bakit? Dadaan ka? The door is wide open! Or do you need my help to throw you outside the window? Hmmm, kinda fine for me!" I smiled sweetly at dahil doon mas nainsulto siya, I don't care about her... siya nang una diba?! "Wag kang magalit diyan! I'm just returning the favor!" I chuckled. Game over, girl. "And if you're gonna enter this room again..." Nilalapitan ko siya habang siya umaatras, checkmate. Hanggang sagad na siya sa dingding, "Prepare your holy water, 'cause I'm going to be your scariest and prettiest nightmare, boo!" And she left hurriedly, tss... wala pala siyang binatbat eh!

Pagkatapos non ay nagsaya silang lahat dahil walang iiwan na gawain si Sir, and I'm pretty... sure that the girl won't speak after I did to her.

Nakipag-fist bump sila saakin habang si Xilus andoon, nganga... di siguro makapaniwala sa nakita niya! Pfft. That only proves na kung sino ang sisira saakin ay matitikman ang bagsik ni Miracle Carson *evil laugh* Charot! But now... I feel fearless...

Project: Break the Heartbreaker's HeartWhere stories live. Discover now