Chapter 1: The Letter

18 5 2
                                    

Miracle's Point of View

"OMG!!! Ang pogi niya talaga!"

"Sinabi mo pa! And he's so cool..."

"And their family is one of the richest families in asia!" Sigaw ng mga tao, halos mabingi ako sa kanila. And there goes Xilus Carlo Gomez, one of the richest, most handsome, and coolest here in the Philippines sabi nga nila, mukhang mag-tatransfer siya dito ah.. And that boy has no impact on me, pagwapo lang naman yata yan eh. Friday na nga pala ngayon. He's wearing a black jacket and a cap, di ko makita mukha niya.

Sinundan nila si Xilus papasok sa University, habang ako andito lang sa labas. Bakit? Wala lang... Gusto ko lang mag-chill, wala akong klase ngayon, 2 hours is my vacant time.

Habang nagmamasid ako sa paligid, nakarinig ako ng yapak ng mga paa at naghahabol ng hininga kaya napaharap ako sa gawing likod ko at nakita si Christian na hingal na hingal na parang tinakbo ang isang kilometro. "Miracle," Garalgal niyang sabi. "Pinapatawag ka ng adviser natin." Nagtaka naman ako sa kanya at binigyan ko siya ng what-are-you-talking-about look. He just pointed the court kaya napalingon ako, I saw Ms. Eva staring at us kaya agad akong umiwas ng tingin, she's kinda creepy. "Come on." He held my hand to the court, I have no choice but to follow him. KItang-kita pa rin ang tumpukan na tao sa kaliwang parte ng University, di na ako magtataka kung bakit... syempre! Andoon si Xilus. Tss. Nagtataka talag ako kung bakit ako pinatawag ni tanda eh (-_-)7.

"Hi Miss Carson." Sabi ni tanda at pilit ngumiti, siguro may papautos ulit to saakin, kainis!

I smiled bitterly. "So bakit niyo po ako pinatawag tulad ng sabi ni Christian." Sabi ko ng bored tone, I glared at Christian na kanina pa nasa kanang post eng court.

"May kailangan kang malaman..." Umiwas ng tingin si tanda, anyare? Kaartehan ba 'to ha? Hay, andaming alam--- "Di na ako magpapaligoy-ligoy pa, your grandmother died." Tumigil sa pag-iisip ng kung ano-ano ng marinig ko ang sinabi ni tanda. Ano?

Out of the blue umalis ako at kinuha ang bag ko sa classroom, halos lahat sila nagulat sa ginawa ko eh, bahala sila. Patay na ang lola ko, ano pang magagawa ko? SInundan din ako ni Christian na kanina pa nagtatanong na anong gagawin ko, di ko lang siya sinagot... ayun nagmukhang tanga, ang dami pa naming nakatingin saamin... correction: sa kanya.

I just said that wag niya muna akong sundan dahil uuwi ako, sinabi ko yun nang makasakay na ako sa bus. Ayun, tahimik siya at bumalik sa University. Oo, cutting ako pero para sa lola ko naman to eh. Di ba sila makaintindi? Namatayan ako! Di ba sapat na rason yun?

Nagbayad na rin ako, buti may pera pa ako. Sheyt. Traffic pa talaga! I cursed a several times and looked outside the window. Biglang umulan, how a lucky day! I took my cellphone and my headphones, I need to relax. Grabe, ang dami na-stranded sa labas. I can't help but feel sorry to the people who needs to feel this even if they're not deserving. Well, what do you know? The God has something in store for us. He is just challenging us to prove that he is not wrong that he chose us... I just looked at the beggars, and especially the old one. Is this really life?

Biglang tumigil ang bus, I'm here. Binuksan ko ang paying at dahan-dahang bumaba sa bus, medyo baha dito. Masikot ang daan papunta sa bahay namin, parang secret hideout ganun. Pero ang di nila alam maganda ang bahay namin, mas maliit nga lang sa mansion. Makaluma lang ang itsura nito, itinayo ito ng mga kastila.

Di pa man ako nakakaapak sa bahay ay rinig na rinig ko ang hagulgol ni Inay pati na nina Itay at ang iba pa naming mga kamag-anak, binaba ko ang tingin ko at pumasok sa loob. Trying not to cry, but I can't. "Anak..." Nakaramdam ako ng yakap sa likod ko, di ko na talaga mapigilang humagulgol na parang batang inagawan ng lollipop. Tinignan ko ang bangkay ng lola kong yumao. Boarding school kasi ang napasukan ko kaya di ko minsan ko lang silang Makita, tapos ito pa ang nadatnan ko... Ang sakit lang sa loob.

Lumapit ako sa kabaong ng lola ko, mapayapa siyang natutulog habang pumapasok sa bahay ni God. Arrghh, why do I feel guilty right now?! "It's my fault." Sabi ko habang tinitignan ang mukha ng lola ko. "Kung naging working student lang ako, edi sana buhay pa si Granny." Tss, wag kayong tumawa... alam kong laro yun! Pero yun ang tawag naming sa lola namin. Wag muna ngayon, nag-eemote ako eh. T-T Pero ang sakit talaga...

"No, it's not your fault, Miracle." Alam kong umaagos na ang mga luha nila, I just shook my head and turned to them.

"I can't see my granny's face right now." Pinunasan ko ang mga luha ko at ngumiti ng mapait sa kanila at agad na nagtungo sa aking kwarto. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ni lola ay nagagalit ako sa sarili ko. I feel responsible for her death.

Humiga ako sa kama ko at hinayaang bumalot ang emosyon sa aking buong pagkatao. Ang sakit, mas masakit pa sa heartbreak. Lord, please help me...

Biglang may kumatok saaking kwarto, nabalot ng katahimkan ang paligid. Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago buksan ang pinto. Binuksan ko ito at nakita si Inay na nakatayo na may hawak-hawak ng papel, ano naman kaya to? "Anak, let's talk." Her face was bored as ever, but I feel her sincerity. I let her in and locked the door, baka may makarinig. "Umm, anak. You don't have to blame yourself for your grandma's death." Lumapit ako sa kanya. Hay, namiss ko na talaga sila.

"But bakit ganon ma?" I questioned. "Whenever I see granny's face, I... I..."

"Feel guilty?" My mom continued my unfinished sentence, she slowly shook her head. May mga nangingilid na luha sa kanyang mata. She smiled bitterly, she fixed the strands of my hair and put it in the back of ear. "Lahat tao nawalan, we don't have to blame ourselves because nothing to hurt her." She slowly pointed at me. "You... you don't have to kill yourself because of guilt. You can do other things that can make your grandma proud, not just locking youself up in this dimly lit room." Inayos niya ang kurtina ng aking kwarto. "When your depressed in darkness, you can light it up by just simply smiling." She smiled. "Smile ka naman oh, para kay mama at kay lola." Tinutusok niya ako sa tagiliran kaya napapatawa ako.

"Oh ayan na." Ngumiti ako na may samang tawa. "Happy na po ba?"

Tumayo siya at tumawa, "By the way, before your grandma died she gave this to me." Inabot niya ang envelope, a letter huh? "I think you need to read it by yourself, and for your information we didn't read that." She smiled, kahit mukhang totoo fake talaga yun. Peyk :'< "Bye, Miracle..." She left and closed my door leaving me quiet. Nang nasiguro ko na wala ng tao ay kinuha ko ang envelope.

I sat at the right side of my bed, opening the envelope. Hmmm, it says here OCTOBER 23, 2018 but it's November 3, 2018 now. Weird.

Dear Miracle,

Nagtataka ka siguro kung bakit ngayon kung bakit nakalagay sa date ay October no? Basta, secret walang clue. Gusto ko lang sabihin sayo na mahal kita pero may isa akong pabor sayo, apo. Sana ay umo-oo ka, kahit mali ito ay sana gawin mo.

Grabe, I'm so nervous! Ano kayang last will saakin ni lola?

Ang mga Gomez? Kilala mo siguro sila.

Patay!*.* Konektado sa mga Gomez ang misyon koooo??? (/-\)

Saktan mo ang puso niya, mahalin mo at pagkatapos ay hiwalayan mo. Apo, may atraso sila saakin. Sana magawa mo. Sana kahit mali ay magawa mo, Ang kanyang pangalan ay Xilus Carlo---

"Bakit ganun? May punit?" Tinignan ko ng mabuti ang papel. Sus! Okay na yan, I know na si Xilus Carlo ang papaasahin ko at sasaktan. May atraso pala sila saamin ah! Maghanda ka Xilus Carlo. Pero paano na yan? The problem is... Di ko pa nakikita ang mukha niya...

Project: Break the Heartbreaker's HeartWhere stories live. Discover now