Selos

85 6 0
                                    

Wilbert's POV
                         Sinundan ko si Joseph at si Mommy. Naglakad lang sila kasi hindi naman kalayuan ang bahay nila. Nu'ng nasa tapat na sila ng bahay ni Mommy ay hinalikan siya ni Joseph sa pisngi at tumakbo palayo. Hindi ko mapigilan. Nilapitan ko si Shin at hinawakan sa magkabilang braso.

"Aray ko. Wilbert! Ano ba?! Nasasaktan ako." Sabi sakin ni Shin.

"Nasasaktan?! Bakit hindi mo inisip yung mararamdaman ko nu'ng hinalikan ka ni Joseph." Sabi ko sa kanya. May gumuhit na ngiti sa maganda niyang labi.

"Nagseselos ka ba?" Namula ang mukha ko at lalong lumapad ang ngiti ni Mommy.

"Ako? Magseselos? Hindi noh." Sabi ko sa kanya.

"Sige sabi mo ei." Sabi niya lang at papasok na sana sa gate.

"Sige na nga. Pasok ka na." Sabi ko sa kanya.

"Opo Daddy." Sinabi niya na parang bata.

Buti hindi siya nagtanong kung bakit nandun ako sa may kanila.

Joy's POV
                 Pagpasok ko sa bahay.

"Lola! Mama! Nakauwi na po ako.!" Sigaw ko mula dun sa pinto.

"Lika na kakain na tayo." Sabi ng Lola ko. Nag hire na pati kami ng mga kasambahay.

"Opo. Magbibihis lang." Sabi ko.

Pumunta na ako sa kwarto at nagbihis. Bumaba agad ako pagkatapos ko.

"Nako. Sigurado akong bumili nanaman yan ng sapatos." Sabi ni Mama.

"Araw araw naman yan bumibili ng sapatos ei." Sabi ni kuya at tumawa sila. Anong nakakatawa sa pagbili ng sapatos?

Nagpray muna kami bago kumain. Hindi ako nakakain ng marami dahil kumain kami kanina nu'ng mga kaklase ko.

Pagkatapos kumain pumunta na agad ako sa kwarto ko. Nagtoothbrush muna ako, bago humiga. Naglaro muna ako ng ML bago matulog.


Next day

Tumingin ako sa phone ko. WHAT THE! 7:15am NA!!! HINDI NA AKO MAKAKAPASOK!! Okay lang yun. Matutulog na lang ulit ako. Mamayang tanghali na lang ako papasok. So, natulog nga ulit ako. Pagkagising ko tumingin ako sa phone ko. 10:35am na. Nagsimula ako mag intindi. Pagkatapos ko ay agad ako nagpaalam sa Lola ko.

"La, alis na po ako." At humalik sa magkabilang pisngi ng Lola ko.

"Sige. Mag iingat ka." Humalik akong muli.

"Opo." Lumabas na ako at nagsimulang maglakad.

"Kapatid!" Paglingon ko si Kuya Jomari pala.

"Uyy, kapatid!" Ngumiti ako sakanya.

"Ano? ML ulit mamaya?" Sabi niya habang nakangiti.

"Ewan ko lang kapatid." Tahimik kaming naglakad papunta sa school.

Pagkadating ko sa gate. Nakita kong wala pang tao sa hallway ibig sabihin hindi pa tapos ang klase. Nagbihis ako ng pang running. Pumunta ako sa feild at tumakbo ng sampung beses na paikot sa feild.

Nakita ko si Joseph sa may takraw court. Kahit malayo ang gwapo n'ya padin.

Nag bell na ang last period kaya pumunta ako sa roof top. Mag isa ako pumunta dun kasi baka busy nanaman si Kise at Cloe. Si Zharrisse naman ay kasama si Charlie Galindez na loveydoves n'ya.

Naglatag ako ng kumot at nahiga. May iniwan kasi akong mga gamit sa roof top. May mga damit din ako dun for emergency. Ipinikit ko ang mga mata ko.

Maya maya may naramdaman akong presensya sa tabi ko. Pagmulat ko nakatingin siya sakin.

I still feel sick. Kasi daw gumala ng may lagnat tas umuulan. Share  ko lang po. BLESSED SUNDAY.

Crush | TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon