Saturday

84 9 0
                                    

Joy's POV
Saturday na. Naglakad lakad ako sa Trinoma. Nakita ko sila Joseph at Wilbert. Magkakasama ang mga boys namin ngayon ah. Pumunta ako sa shoes section kung saan may converse. Bumili ako ng Red na highcut na converse. Pumunta ako sa sports gallery at bumili ng bola ng volleyball. Nakasalubong ko sila Wilbert.

"Uyyy. Mommy, ikaw lang mag isa?" Tanong ni Wilbert.

"Opo dy." Sabi ko.

"Sama ka na samin. Manonood kami ng sine." Sabay na sabi ni Joseph at Wilbert. Parang ang awkward.

"Uhm kasama ko pala si Kuya V." Nakita ko kasi si Mr. Kim Taehyung. 23 palang siya kaya sabi niya sakin Kuya V na lang daw itawag ko sa kanila.

"Kuya V. San tayo pupunta?" Lumapit ako sa kanya at nagmakaawa na makisakay na lang.

"Manonood ng sine." Sabi ni Kuya V.

"Anong panunuorin nyo Sir?" Tanong ni Sharkie.

"Iron Man 3!" Sigaw namin ni Kuya V ng sabay.

"Kami din Sir." Sabi ni Mark.

"Diba sabi ko sa labas ng school Kuya V na ang itawag n'yo sakin. At pag nasa school naman ay Sir V or Mr. Kim." Sabi ni Kuya V sa kanila.

Ni libre ako ni Kuya V. Sa left ko si Wilbert at nasa right ko naman si Kuya V. Share kami ni Wilbert sa popcorn. Share kasi kami maliban sa coke. Nu'ng dudukot ako ng popcorn ei nahawakan ni Wilbert yung kamay ko kasi dumukot din siya. Namula nanaman yung mukha ko buti na lang madilim. Pagkatapos ng movie ay nagsi uwian na kami. Pinilit ni Kuya V na ihatid ako pero sabi ni Joseph siya na lang daw. Umalis na din si Wilbert.

"Seph, asan si Kyrst?" Tanong ko kay Joseph. Hindi ko alam kung guni guni ko lang na may sumusunod samin.

"Nasa bahay nila. Sigurado tulog na yun ngayon." Sabi niya sakin.

"Anong oras na ba?" Tanong ko.

"8:30pm na." Sabi ni Joseph at naglakad kami pauwi. Sa sobrang gentleman niya siya na nagdala ng mga binili ko. More than one is marami kaya MGA.

Nasa tapat na kami ng bahay namin ng biglang hinalikan ni Joseph yung pisngi ko at tumakbo palayo.

"Bye Joy!" Habang tumatakbo siya.

Fiesta samin today. Kaya lagaw lagaw din tayo pag may time😂

Crush | TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon