Capítulo Veinticinco - Gusto mo?

Comincia dall'inizio
                                    

"Ay opo tita. NapakaGWAPO ko po talaga." Biro ko naman. Hahahaha. Hindi naman ako nabigong patawanin si tita.

"Sabi ko bolero hindi gwapo. 'tong batang 'to talaga. Para kang yung mga anak ko. Makalokohan." Napakamot nalang talaga ko sa ulo ko sa pambabasag ni tita.


"Pero Vice anak, maiba lang.. huwag mo sana masamain pero bakit sobrang bait mo sa amin? Maski itong bahay na 'to pinatira mo pa si Jaki sa loob ng ilang buwan."
Di ko alam kung paano sumagot medyo na off guard ako pero syempre siguro nag-aalala lang si tita.

"Wala rin po kasing gumagamit nito tita. Sa kapatid ko po 'to pero wala na po sya.." ngumiti ako para maipakita na ayos lang naman sa akin. Nakatingin lang si tita na parang sinasabing handa siyang makinig.

"Wala naman pong bayad yung pagtulong sa kapwa. Nasusuklian po kasi ng gaan ng loob kapag nakakatulong."

"Sobrang thankful din po kasi ako kay Jaki. Kung hindi po dahil sa kanya, di po kami magkakaibigan nila Madc, Melvie, ni Neri, pati po nung iba pa nilang kagrupo." Dagdag ko pa.

Nilabas ko naman yung ilang gulay at inilagay iyon sa ref.

"Napakabuti mo talaga iho."

"Alam nyo naman po na malayo ako sa pamilya ko.. mga kaibigan lang po yung meron ako dito."

"Alam mo anak, pamilya ka na rin naman namin. Yung pagtulong mo sa anak ko, sa mga kaibigan nya, nakikita ko naman na totoong concerned ka sa kanila." Sabi nya ng may ngiti sa mga labi.

"Ay salamat po tita."

"Pero hindi ka ba..alam mo yun.." sabi ni tita na kinagulo naman ng utak ko kasi wala akong naintindihan.

"Ano po iyon tita?" Tanong ko dahil parang nag-aalinlangan siyang magtanong.
Kinuha ko naman yung baso at nagsalin ng malamig na tubig galing sa ref.

"Wala ka bang balak mag-asawa?" Muntik ko na maibuga yung iniinom ko pero pinilit kong lunukin kaso lang umangat sa ilong ANG SAKIT!

"Naku! Vice! Nabigla ka ba? Pasensya ka na anak." Alala naman siyang lumapit at hinimas pa ang likod ko dahil napaharap ako sa lababo.

"O--ok-ay lang po ako tita. Nasamid lang po." Sabi ko habang tinitiis yung sakit ng kaloob looban ng ilong ko.

"Wala nga po akong girlfriend tita.. Wala pa po sa akin yung kasal kasal na ganun." Sabi ko naman para sagutin yung tanong niya.


"Wala ka bang nagugustuhan ganun?" Tanong ni tita at bumalik na ito sa stool sa may counter.




"Po? Ah--ano po iyon?" Nabubulol ko pang sagot.

Hinugasan ko naman yung mga gagamitin panluto. Para mawala yung tensyon na nararamdaman ko.

"Bakit ba nauutal ka? Meron na no? Kelan mo ba ipapakilala?" Natatawa naman si tita sa akin. Pwede bang mapunta nalang ako sa bahay ko teleport ganon.

Awkward.

Huminga naman ako ng malalim at sumagot.

"Si tita talaga. Meron naman po pero..komplikado pa po e." Paliwanag ko naman.

"Bakit naman?" Takang tanong pa ni tita.

Inisip ko muna yung tamang words sa sasabihin ko bago bitawan.

"May iba po yatang mahal e."

"Di ka naman sigurado pala e. Malay mo naman iho, gusto ka rin."

"Ay parang malabo po kasi."

"Alam mo ikaw, puro ka "parang" "yata" "di sigurado"" nagulat naman ako dahil derederetsong sabi ni tita yun.

PANSAMANTALA (ViceJack)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora