Diyes

172 4 0
                                    

SNOW

Nakaramdam ako ng mahinang pagtapik sa pisngi ko. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ang nakangiting muka ni Gray.

"Wake up my princess. We're here."

Bumangon ako sa pagkakasandal ko at luminga sa paligid.

"Wow. Ang ganda." Napakaganda ng paligid. May isang malaking bahay na puno ng mga halaman, pati ang paligid ay puno ng iba't ibang kulay ng bulaklak, mga paru-parong nagliliparan sa paligid.

Nagmadali akong lumabas at tinungo ang loob ng green house. Napakaganda rito, parang paraiso. Sa loob nito ay narito ang ibat ibang uri ng halaman. Halos maging kulay berde na ang paligid sa sobrang dami ng bulaklak. May parte kung saan may mga halamang namumulaklak kagaya ng orchids at mga bonsai na bougainvillea at marami pang iba.

May isang pinto na nakaagaw ng pansin ko. Nilingon ko si Gray na nakangiting pinagmamasdan ako.

"Come with me. Alam kong matutuwa ka." sabi nya at hinawakan ang kamay ko papunta kami sa pinto.

Nang buksan nya ito ay pinauna nya akong pumasok.

"Wow. Amazing." halos mapanganga ako sa dami ng roses sa paligid. Puro rose na iba't iba ang kulay, laki at kapal ng bulaklak.

May red, pink, white, orange, yellow at meron ding dwarf roses na nakatanim sa mga gilid. Mayroon ding sinadyang ipaikot sa isang malaking hugis pusong bakal na nagsisimula nang mamukadkad ang mga bulaklak.

Lahat ng halaman dito ay puro rose. Hindi mawala ang ngiti ko. Parang sinadya ng tadhana na makilala ko si Gray dahil sa pagmamahal ko sa halaman lalo na ang rose.

"Ako lahat ang nagtanim ng mga yan. Simula ng mag 18 ako nagsimula na akong mag alaga ng mga ito. May pakiramdam kasi ako na kapag dumating ang luna ko ay sigurado akong matutuwa sya dahil kagaya ng nasa panaginip ko, ang mate ko ay mahilig sa rosas." nakangiti lamang ako sa kanya.

"Nakita kitang lumungkot noong umuwi ka sa inyo at nakita mong lanta na ang mga halaman na alam kong inalagaan mo ng matagal base sa reaksyon mo."Napalingon ako sa kanya.

"Isa ang hardin na iyon sa ala ala ng mama ko." hinawakan nya ako sa balikat at iniharap sa kanya.

"Nandito na ako, wag ka nang malungkot please. Pag malungkot ka, malungkot rin ako. Tandaan mo yan. Lahat ng nararamdaman mo, nararandaman ko rin. Hangga't kasama mo ako hindi ka na mag iisa. Hangga't nandito ako, hindi ka masasaktan. Tayong dalawa ang mag aalaga sa mga rosas na to, aalagaan natin sila kung paano natin aalagaan ang isa't isa hanggang sa mga susunod na panahon." Mahabang sabi nya.

Masaya ako sa kanya. Masaya akong may nagpo protekta sa akin. Unti unti kong natatanggap ang pagiging lobo, unti unting minamahal ko ang lahi kung saan kabilang ako. Lalo na ang lalaking dahilan kung bakit buhay pa ako.

"Salamat sa lahat Gray."sabi ko sa kanya.

"Always remember that anything happens to you, happens to me. If you're hurt the I'll be hurt. If you're in deep pain, I'll share it with you and if you die, I'll die with you. Hindi ko kakayanin kapag napalayo ka sa akin. Mas mainam pang mamatay na rin ako kesa mawala ang kalahati ng buhay ko. Kahit anong gawin natin tayo ang itinakda para sa isa't isa. Please don't leave me my Luna. "sabi nya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at dahan dahang nilapat ang labi nya sa akin. Pagmulat ng mata ko nakita ko ang pagniningas ng ginto nyang mga mata at alam kong ganoon din ang sa akin.

"I won't leave you as long as you want me to stay with you. I will be your princess, bestfriend and partner in life. I will be your Luna forever."sabi ko sa kanya.

Lumayo na sya sa kin at inakay ako palabas ng green house.

Nakarating kami sa isang malaking puno na mayroong malalaki at matatayog na sanga. Mayroong duyan na nakasabit.

Wala nang gaanong araw dahil pakiwari ko'y mag a alas dos na ng hapon.

Naunang naupo si Gray at inalalayan akong maupo sa kanyang kandungan.

"Alam mo ba na tayong mga lobo ay may sariling mundo kasama ang mga bampira at iba pang lahi. Umalis lamang ang kaharian na pinamumunuan nyo maging ang pack ng aking ama dahil sa digmaan ng mga kaharian. At dito sa mundo ng mga tao akala namin ay makakahanap na kami ng kapayapaan pero hanggang dito ay nasundan nila kami."

Malungkot akong ngumiti sa kanya at niyakap ko ang mga braso nya sa akin.

"Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka pa sa akin." bulong nya sa akin.

"May itatanong ako. Bakit hindi ko pa kayo nakikitang mag anyong lobo?Maging ako hindi pa ako nakakapagshift as a werewolf. "

Mahina syang tumawa at nilaro ang buhok ko.

"May mga bagay na hindi natin pwedeng gawin dito sa mundo ng mga tao. Mainit ang mga mata sa atin ng mga tao." maigsing sabi nya. "Do you want to see my beast side?" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

"Don't worry hindi kita sasaktan. Kung may nilalang na unang magpapaamo sa akin walang iba kung hindi ikaw."sabi nya at inalalayan akong tumayo.

Hinintay ko siyang lumayo ng bahagya sa akin at sa isang iglap ay nawasak ang mga damit nya at nagbago na ng anyo.

He looks dangerous and has a strong and powerful aura.

Lumapit sya sa akin hanggang dibdib ko ang laki nya.

I caressed his white with gray fur. He gently lick my hand.

''Are you scared of me?"

Hindi nga pala nakakapagsalita to kaya sa isip ko nalang nya ako kinakausap.

"Hindi. Hindi ako natatakot sayo. " Hinimas ko ang ulo nya at tinitigan ang mga mata nyang kulay ginto. His eyes are still the same yet it is look more powerful.

"I always want to see these eyes when I woke up, I always want to see you staring and looking at me intently. Glaring at me like I'm your prey." malambing kong sabi sa kanya at yumuko ako ng bahagya para pagdikitin ang aming mga noo.

"I promise that I will protect you till the end my Luna."

Sabi nya sa isip ko. Ngumiti ako at hinalikan sya sa noo.

"And you will always be my baby Alpha."I heared his howl that makes me laugh.

"Why? Don't you want to be my baby forever? I will take care of you always my Alpha. Thank you sa lahat. Kung hindi mo ako nahanap baka hindi na tayo nagkita pa." ramdam ko ang pag iinit ng sulok ng mga mata ko.

Ganito pala ang pakiramdam ng may nagmamalasakit.

The Alpha's MateTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang