Uno

434 5 0
                                    

"Hoy! Cinderella na hindi naman prinsesa bangon! Maraming gawain kaya wag kang umarte jan!" bulyaw sa akin ng tita habang kinakalampag ang pinto nitong attic na nagsisilbing kwarto ko.

"Opo tita nandyan na po." Bumangon na ako sa pagkakahiga. Sinipat ko ang orasan na malapit nang bumigay at nakita kong ala sais na ng umaga.

Dalawang oras lang ang naging tulog ko dahil napuyat ako sa pagre review kagabi. Mamayang hapon na kasi ang final exam namin at kailangan kong humabol sa pagre review.

Iisa ang university na pinapasukan namin ng mga pinsan ko.

Isa akong HRM student. Simula high school palang ako ay ako na ang nagpaaral sa sarili ko. Natuto akong magluto ng kung ano ano na pwedeng ibenta para mapag aral ang sarili ko.

Simula ng mamatay ang kapatid ng mama ko ay mas nag iba na ang turing ng mag iina sa akin. Kaya naman sa kagustuhan kong makagraduate ng high school ay kung ano anong pagtitinda ang ginawa ko.

Mahilig akong magluto at mag bake kaya naman hrm ang kinuha kong course. Kaya naman nakapasok ako sa university na pinapasukan ng mga pinsan ko ay naipasa ko ang exam at nakakuha ako ng full scholarship na kailangan kong i maintain ang grades ko at sa awa ng Diyos ay hindi pa naman nawawala sa akin ang scholarship ko. Nagkakaroon lamang ako ng baon kapag may umoorder ng cup cake at kapag may nabebenta akong empanada.

Buti nalang ay may mabait akong kaibigan na tinutulungan akong magbenta at magpaorder.

Ang mga pinsan ko naman ay buhay prinsesa lalo na dito sa bahay namin na dapat ay bahay ko lang pero parang hindi na dahil para sa kanila ito ay bahay na nila at pag aari na nila. Kaya naman ang kuwarto ko na pinasadya pa ng mga magulang ko ay naging kwarto na ng magkapatid. Kaya heto nagtitiis ako sa attic ng bahay namin. Mababa, masikip, at inaanay na ang ilang parte.

Sininop ko ang mga notebook at papel na ginamit ko kaninang madaling araw at inilagay sa aking bag na pinaglumaan ng isa sa mga pinsan ko na nakuha ko sa basurahan. Maayos pa naman ito at pwede pang gamitin. Noong una ay nagalit sya sa akin ng makitang gamit ko ito, siguro nasanay nalang sila na diko sila pinapansin pag nagagalit sila pag gamit ko ito kaya naman hinayaan nalang nila ito sa akin.

Hindi ako nakapag aral ng dumating ako rito sa bahay kahapon dahil ginawan ko ng assignments ang mga pinsan ko. Sanay naman ako na ako lahat ang gumagawa ng mga assignments at projects nilang dalawa.

Ako rin ang taga luto, plantsa, laba, linis, hugas, at taga is-is ng kasuluk sulukan ng bahay nato. In short, katulong, alila, chimay at utusan nila akong mag iina.

Bumaba na ako para magluto bago pa ako bungangaan ng tita ko.

Nagsaing ako at naghahanap ng pwedeng lutuin sa ref nang makita ako ng dalawa kong pinsan.

"Hotdog lutuin mo." sabi ni Marrieta. Sya ang mas bata.

"No. Ham ang gusto ko." si Marissa na panganay sa kanilang dalawa. 

Hindi nalang ako kumibo at dinampot pareho ang ulam na gusto nila at parehas kong iniluto.

Matapos kong magluto ay naghanda na ako ng pagkain sa mesa at nagtimpla ng kape nilang tatlo.

Nang mailapag ko na ang kape ay akmang uupo na ako sa tabi ng dalawa nang biglang tumaas ang kilay ni tita at nagsalita.

"Kakain ka na kaagad? Ni hindi mo pa nga binibigyan ng pagkain si Macky." ang tinutukoy nya ay ang aso na alaga namin. Aso na mas may matinong ugali pa kesa sa tao. Si Macky lang yata ang kasundo ko dito sa bahay sya lang ang hindi nagagalit sa akin dito.

Napalunok nalang ako dahil nagugutom na talaga ko dahil sa amoy ng ulam at bukod pa ron ay hindi ako nakapag hapunan kagabi dahil wala silang itinirang ulam sa akin. Pinakain na nilang lahat kay Macky. Buti nalang ay hindi ko kinain ang ibinigay sa akin na fudgee bar ng bestfriend kong si Bliss.

The Alpha's MateWhere stories live. Discover now