Quatro

188 4 0
                                    

BELLE

Nagising ako dahil nararamdaman ko na ang pagkulo ng aking sikmura.

Nagmulat ako at napabangon ako dahil hindi ko alam kung nasaan ako. Luminga ako sa paligid at nakita ko ang tray ng pagkain sa bedside table. Lalo akong nakaramdam ng gutom.

Tumayo ako at lumapit sa pagkain. May note na nakalagay

Eat this.
Get well soon

G.

Sino naman kayang G ito? Gagamba? Gurang? Guruto? O baka naman Galis? Hay kahit sino pa sya kakainin ko lahat to.

Iba't ibang klase ng pagkain ang nakahain sa table. May letson manok, ubas, saging, at mansanas.. na may kagat? Bakit may kagat to.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik ako sa higaan. Nanghihina pa rin ako. Laking pasalamat ko nalang sa nakakuha sa akin.

Hapon na at itinuring ko nalang na handa ko ang masasarap na pagkain na inihanda ng kung sino man ang G na iyon.

Maya maya pa ay tumulo na ang luha ko ng maalala ko ang nangyari kanina. Wala na ang ala ala sa akin ng parents ko.

Maya maya pa ay may kumatok sa pinto at may pumasok na lalaki.

Isang gwapo at matangkad na lalaki na mayroong abong mga mata.

"You're awake. Kamusta ang pakirandam mo?" nakahalukipkip sya habang nakasandal sa gilid ng pinto.

"Ah. Ayos naman na ako. Salamat nga pala sa pagtulong sa akin."

"Wala iyon. Taga saan kaba at anong pangalan mo?"pumasok na sya ng tuluyan at naupo sa gilid ng kama. I felt comfortable with him. Pero maya maya lang ay kumakabog ang dibdib ko.

"I'm Snow." sabi ko sa kanya.

"Nice name. Anong nangyari sa yo? Naglayas kaba sa inyo?" tanong nya habang nakatingin sa bag na dala ko kanina.

"H-hindi. Pinaalis ako ng tita ko." Halata sa muka nya ang pagkagulat dahil sa biglaang pagkunot nya ng noo. Hindinsya nagsalita kaya tinuloy ko lang ang kwento ko. Mula noong namatay sila mama at papa hanggang sa dahilan kung bat nya ako naabutan sa tulay sa ganoong sitwasyon.

I saw a glint flashes in his eyes. Ramdam ko ang pagkuyom ng kamao nya at ng pagngangalit ng ngipin nya dahil sa paggalaw ng kanyang panga.

Tumayo sya at humarap sa akin.

"M-maiwan na muna kita magpahinga kana. I need to do something." tumango lang ako hanggang sa lumabas sya sa pinto. Napatingin ako sa labas ng malaking bintana at nakita ko kung paano mabilis hanginin ang makapal na kurtina. Gabi na pala.

GRAY

Paglabas ko ng kwarto ay hindi ko mapigilan ang galit na nararamdaman ko. Hindi ako ganoon kamanhid para hindi maintindihan kung gaano kasama ang naging turing sa kanya ng kanyang tiyahin at mga pinsan.

Nag iisip ako ng paraan kung paano siya matutulungan. Kaya kong bawiin ang lahat ng para sa kanya at kaya kong kuhanin sa kanila ang lahat ng dapat ay sa kanya.

Kailangan ko ng tulong ni Tres.

Tinawagan ko si Tres at sinagot naman nya ito kaagad.

"Come here." sabi ko sa kanya.

Miss mo naba ako agad?

"Gago. Umayos ka. May mahalaga tayong pag uusapan." at pinatay ko na ang tawag.

Maya maya lang ay naramdaman ko na ang presensya ni Tres.

"Any problem? Mukang seryoso ka?"
Naupo sya sa harap ko.

Ikinwento ko sa kanya ang lahat.

"Sa tingin mo nagsasabi kaya ng totoo ang babaeng yon?" Tanong ko sa kanya.

"Malalaman natin. Bat hindi ka nalang magkunwari na ihahatid mo sya. We can hear anything kahit mejo malayo tayo sa kanila. Pero paano kung totoo ngang inaalila sya don, ano ang balak mo?"

"I will rip their neck!"

Natigilan ako ng marinig ko ang paghagalpak ni Tres.

"Hahaha you should see yourself. Laptrip. Nagagalit ka kahit kanina mo lang sya nakita? Shit. Hindi kaya na love at first sight kana sa kanya?"

Sinamaan ko sya ng tingin. "Gago. I can't. I'm waiting for my mate."

"Bro mabubulok kana hindi mo pa nakikita ang mate mo." pang aalaska nya.

"Look who's talking." ismid ko sa kanya.

"Woah woah woah. Baka nakakalimutan mo. You're an Alpha. You are our leader. Kailangan mo nang mahanap ang mate mo. Mas magiging malakas ka pag nahanap mo na sya.'' natigilan ako sa sinabi nya.

Dapat 18 palang ako ay meron na akong mate. Pero bakit wala pa rin.

"Hihintayin ko nalang kaysa hanapin.Sige na lumayas kana."

Tawa lang ng tawa ang gago. Tumayo na ako at paakyat na sana sa hagdan ng matigilan ako sa sinabi nya.

"Love is first sight nga yan. Tsk. Ayaw na hanapin ang mate e."

I look at him using my wolf's eyes. Natigilan sa pagtawa ang gago at mabilis na umalis. Takot nalang nyang mapikon ako alam nyang kaya ko syang sakalin.

Pabalik na sana ako sa kwarto at akmang bubuksan ang pinto ng maalala kong may ibang tao nga pala ang nakatuloy dito.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto. I saw her sleeping like an angel. Hindi na maputla ang mga labi nya at mukang mas maayos na sya ngayon kumpara sa kanina.

Isinara ko na ang pinto at nagtungo sa isa sa mga guest room.

It was a long tiring day.

The Alpha's MateHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin