"Stay away from her or I'll kill you." Lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Binitawan na niya si Sir Kyle at bumaling sakin. Nakakunot pa rin ang noo niya at galit na galit pa rin siya. Hinawakan niya ang wrist ko at saka ako kinaladkad palabas ng bar.

Ang sakit ng pagkakahawak niya. Pakiramdam ko magkaka-pasa ako dahil sa higpit at pwersa ng pagkakahatak niya.

Nang makarating kami sa kotse niya ay marahas niya akong binitawan. Binuksan niya ang pinto ng shotgun seat.

"Get in." Seryosong sabi niya. Sumunod na lang ako dahil natatakot ako sa inaasta niya.

Nakakatakot siyang magalit.

Habang nasa daan kami ay tahimik lang siya. Pero kahit napaka tahimik namin ay ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin.

Natatakot akong magsalita pero hindi ko rin kaya yung ganito.

"I-I'm sorry.." Sabi ko pero hindi siya nag sasalita. Diretso lang ang tingin niya at parang hindi ako naririnig.

"H-hindi ko naman alam na g-ganon ang mangyayari eh..  Mag salita ka naman oh. Please?" Pagpapatuloy ko. Pero tulad ng inaasahan ay hindi pa rin siya nag sasalita.

"Tsaka Vince.. S-sana hindi mo nalang ginawa yun.. Kasi b-baka mawalan ako ng trabaho.. Pwede ko naman siyang iwasan na lang..." Napalunok ako. "T-that was a stupid thing to do."

Bigla naman siyang tumabi at pumreno ng malakas. Kung wala sana akong seatbelt ay baka nauntog na ako.

"STUPID?!" Bigla siyang sumigaw. Halos manginig ako sa takot. Yumuko na lang ako at kinagat ang labi ko.

"Hindi ba sinabi ko sayo na wag kang aalis doon?! Na hintayin mo ako at wag ka ng pupunta?! That jerk got what he deserved! Ngayon sabihin mo sakin kung sino sa ating dalawa ang tanga?" Diretso niyang sabi. Aminado naman akong mali yung ginawa ko. Pero ang sakit nung sinabi niya.

Kahit alam kong kasalanan ko, may parte pa rin sakin na naiinis dahil sinabi niya yun. Basta ang gulo..

Nakayuko lang ako habang sinasabi niya lahat ng yun. Ayoko ng magsalita.

I heard him sigh. His jaw clenched as he was staring at the steering wheel. After that, he started the car and we headed for his apartment, in silence.

I don't know why but I feel like he's my boyfriend or something. Well, I'm not that kind of girl that jumps to conclusions but why would he react that way?

I'm so confused.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Bound and BrokenWhere stories live. Discover now