"You look beautiful in that night dress." Napakagat labi ako sa sinabi niya. Bakit parang biglang naging husky ang boses niya. Shet.. Ang hot. Ay! Makalabas na nga!

"Ahaha.. T-thank you..?" Sabi ko saka nagmamadaling umalis ng kwarto niya.

Agad-agad akong pumasok sa loob ng kwarto ko at saka nag lock ng pinto.

Ang inet! My gosh! Halos di ako mapakali ngayon sa kinatatayuan ko!

Pumasok na ako ng banyo upang mag shower. Pero bago ko gawin yun ay tumingin  muna ako sa salamin.

Buti na lang hindi ako nag laway kundi jusko po, nakakahiya!

Napatingin ako sa labi ko. Dahan-dahan kong inangat ang isang kamay ko at nilapat it roon. Kumunot ang noo ko.

Umiling na lang ako at saka nag shower na.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Vince

Actually, kanina pa ako gising. Pinapanood ko lang siya matulog. Kung ano-ano nga pinag-gagagawa ko eh, pinaglalaruan ko buhok niya, kamay niya pati pisngi niya.

Natatawa ako pag naaalala ko yung expression niya kaninang umaga. Ang cute niyang tignan tapos nag blush pa. Napailing na lang ako sabay ngiti.

Habang nag-aayos ako sa harap ng salamin ay naalala ko yung nangyari kagabi. Naramdaman niya kaya? Napakagat labi ako ng maisip ko ulit yun.

Paglabas ko ng kwarto ay sabay rin ng paglabas niya galing sa kwarto niya. Halatang medyo nagulat siya ng makita ako.

Naka-uniform na rin siya at ready ng umalis.

"Hatid na kita." Sabi ko.

"Wag na, baka ma-late ka pa sa mga appointments mo." Sabi niya saka ngumiti at tumalikod na.

Lumakad ako papalapit sa kanya at hinawakan ang wrist niya.

"Ihahatid kita." Pagkasabi ko nun ay naglakad na ako pababa at pumunta sa kitchen.

May nakaready ng breakfast kaya nagsimula na akong kumain.

Narinig ko ang mga hakbang niya pababa ng hagdan at saka dumiretso rin sa kitchen at umupo sa tapat ko upang mag almusal kasabay ko.

Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain.

I don't know about her but I just figured, she didn't have a nightmare last night. And I was holding her all night and she was doing the same with me.

Bound and BrokenWhere stories live. Discover now