Dos

612 21 5
                                    

Encounter

Iselin Sana Torre

"Ang sarap sigurong kumain ng sinigang with 2 any half rice with matching malamig na malamig na tubig at dessert na bengbeng kasama yung beshie mo no, di ko sinasabing beshie ko to ah pero parang ganun na nga". Pagpaparinig sakin ni Eri. Humihinga pa ba to?

"Saglit na lang kasi mag la-lunch na konting tiis na lang!". Andito kasi kami sa student center naka tambay at may iniintay ako.

"Hello besh, kanina pa po tayong alas diyes dito at kanina pa ako gutom na gutom with matching hilo pa!". Napahawak pa siya sa ulo niya.

Yes beshies na kami sa loob ng 5 weeks kong pag kikilatis ay nakuha niya ang loob ko kaya ngayon partners in crime na kami.

"Malapit na mag alas dose lalabas na sila". Hindi ko talaga inaalis yung mata ko sa dalawang pintuan ng room na yun.

Kahit pa nag kanda duling duling na ko kakalipat tingin.

"Bakit ba kasi di kana lang sumali sa UAP para makita mo araw araw di yung para kang stalker sunod ng sunod, ang creepy mo talaga!". Kinikilabutan pang sabi nitong Beshie ko.

"Hoy! Sa ganda kong to mukhang creepy, yes nakaka kilabot talaga ang kagandahan ko". Sasagot pa sana siya pero nag silabasan na yung mga kaklase ng kanina ko iniistalk hanggang sa makita ko siya at tinitigan.

Leam Pain Serrano

"Andyan ka na naman di ko maiwasan tumingin sayong liwanag nadarang na naman sayong apoy". Kanta sakin si Areese kaibigan ko.

"Tumigil ka nga nakakainis ka". I flatly told him. Ayokong ma apektuhan sa kanya.

"Stalker mo iniintay ka na naman". Asar pa niya sakin.

Paano ba naman kasi lagi niya na lang akong iniintay pag lunch o uwian baka nga kahit iihi ako maka silay lang sakin.

Di naman araw araw may times lang pero mapapansin mo talaga kaya itong mga kaibigan ko inaasar sakin may stalker daw ako.

"Tigilan niyo ko". Inirapan ko pa sila.

"First time to talaga sa 3 taon natin dito sa Arki wala pang ganyan sayo. Kung alam lang ni ate girl na mas girl ka pa sa kanya''. Tumawa pa ng napaka lakas ang baklang yun.

Sabagay first time nga to nagulat na lang kasi ko nung may nag pop sa notif ko floodlikes siya ni ate girl, nung una di ko na pinansin pero nung malaman ko na yung babaitang yun ang nag la-like sa mga post ko ay inun-friend ko siya agad agad.

Kasi goshh! ang creepy niya para siyang babaeng ngayon lang nakawala sa hawla niya.

"May mga bakla talagang natutunaw pag tinititigan ng babae ano, di ko sinasabing ikaw ko to ah pero parang ganun na nga". Huling hirit pa niya sakin. Bago niya ko pinagtawanan

"Shut Up". Kinurot ko siya to where it hurts the most. Ayon natahimik ang bruha.

Pag tingin ko kay ate girl ayon ganun parin natulala na naman sa beauty ko.

Noon palang naman alam ko ng malakas ang kamandag ko pang unisex parang sa damit lang.

Pangalan ko palang daw macucurious ka na at talagang tatatak sa isip mo.

Leam Pain hindi iyong singer at mas lalong hindi iyong sa Naruto, pero akala ng mga schoolmates ko millenial at otaku ang parents ko.

Ewan ko ba naman kasi sa kanila kung bakit lalaking lalaki ang pinangalan sakin pwede namang Catriona na lang pangalan palang pang Miss Universe na.

Failing To FallWhere stories live. Discover now