Chapter 6

1.9K 58 3
                                    

DAHIL nakakunot na nga ang noo ni Jjong ay kinabahan sya.

"Anong ginagawa mo dito?..." Bati nya kay Jjong nang tuluyan na itong makapasok sa kanilang bahay.

"Napadaan lang..." Sagot naman nito.

"Hi Jjong... actually paalis narin ako." Paalam ni Alex.

Nang makaalis na si Alex ay hindi naman sya makatingin nang maayos kay Jjong.

Bakit parang guilty sya?

"Andito ba Kuya mo?."

"Wala, bakit?.."

"E ba't nandito si Alex?."

"Aba ewan ko don. E ikaw ba't may padaan-daan ka pa dito?."

Ba't ganito parang kahapon lang ay inis na inis sya dito. Pero ngayon ay talagang natutuwa syang makita ang binata. Talaga kasing hindi nya alam ang sasabihin sa mga nalaman galing kay Alex.

"Alex likes you." Biglang sabi nito.

"Oh talaga?..." Pagkukunwari nya.

Hindi kaya narinig nya ang mga sinabi ni Alex kanina?

"Pwede bang tumambay dito?." Tanong nito.

"At bakit naman? may bahay naman kayo diba?!."

Talagang dito pa nya gustong tumambay?!

"Nasa bahay kasi si Yna, kaya wala akong maka-usap dahil nasa kanya na ang atensyon ni Kuya." Sagot nito.

Natigilan sya. Dahil sa unang pagkakataon ay wala syang nararamdaman sakit o selos pagkarinig sa pangalan ni Yna.

"Ahh..." Nasabi na lamang nya.

"Selos ka?." Biglang seryosong tingin nito sa kanya.

"Ako?! hindi ah! parang tanga to!."

"I know you like my brother." Sumimangot ito.

Ewan ba ni Chin pero naaaliw sya sa nakikitang pagseselos nito kay Simon.

"Tara na nga sa kusina, dito kana mag-dinner." Yaya nya sa binata.

Hindi ito sumagot pero agad din namang sumunod sa kanya.

Pagkatapos naman nitong maghapunan ay tinulungan sya nitong magligpit. Wala naman syang narinig na reklamo dito. Pagkatapos ay umuwi narin si Jjong sa kanina.

***

SUNDAY night.

Dahil hindi sya sumama sa lakad nina Miki kahapon ay hindi na sya nakaangal nang yayain sya nitong lumabas sila. Nasa The Fort sila ngayon kasama ang mga kaibigan nila.

"Tara Jill's Bar tayo!." Yaya ni Tine sa kanila, kasama nito ang boyfriend nitong si Mon.

"Sige tara!." Halos sabay na payag nina Miki at Rafa.

"Naku wag na! Monday kaya bukas paalala ko lang ha?!." Paalala nya sa mga ito.

"Ay naku parang first time palang natin tong ginawa." Sabat ni Rafa.

"Oo nga naman Chin, diba last month lang ay pumasok tayo kahit may mga hangover tayo." At nakipag-high five pa si Tine kay Miki na parang proud pa ito.

"Mon, pagsabihan mo nga yang gf mo oh..." Aniya kay Mon na mukhang hindi naman talaga tututol kay Tine.

"Kayo bahala dyan..." At ngumiti lang ito at umakbay pa kay Tine.

No choice na sya. Ayaw nya namang maging kill joy. Panigurado ay mukha na naman syang zombie nito bukas.

Nang nasa loob na sila nang Jill's Bar eh talagang wala na syang nagawa. Omorder na nang mga drinks ang mga butihing nyang kaibigan.

Because I'm Your Girl 1 | Completed - Under RevisionWhere stories live. Discover now