Chapter One

131K 1.3K 23
                                    

Chapter One

The Bewitched



"See that girl right there, Mira?" turo ni Reeze sa isang pekeng blonde na babae na umiindayog sa dance floor kasama si Lyon. Itinaas ko lang ang dalawang kilay ko sa kanya at nagpatuloy sya sa pagsasalita. "Yan ang bagong kinahuhumalingan ni Lyon ngayon. God! The fake boobs. Ew! And that fake blonde hair? Double ew!" patutsada nya sa bagong fling ng kaibigan namin. Matabang lang akong ngumiti sa kanya at lumagok sa nakahaing beer sa harap ko.

"Grabe! Wala ka man lang reaction? Chemical reaction? Suggestion?" Umiling ako sa kanya at inubos ang laman ng bote ng beer.

"Ang boring mong kausap, Miracle Hermaine!" reklamo nya at ni-flip ang buhok nyang maalon. "Do you actually have plans na mag-enjoy tonight? Or magmumukmok ka lang dito sa couch?" Tinitigan ko lang sya at sumandal sa couch pagkatapos kong ilagay sa table ang bote ng naubos kong beer.

 

"C'mon Ms. Zapia! Ikaw itong nakipag-break tapos ikaw itong magmumukmok? Asan ang hustisya? Sana man lang lumaban ka noh? Di hamak na mas maganda ka kesa sa hipon na pina ——"

 

"Defense mechanism, Reeze." Sinilip ko sya sa gilid ng mga mata ko at nakita ko ang pag-irap nya kaya bahagya akong napangiti. "Defense mechanism to protect my pride, a Zapia's pride. Bago pa man nya ako tuluyang masaktan, ako na ang uuna."

 

"Diba, you loved him? Well, I guess you still do since kanina mo pa naman sya hiniwalayan. You love him 'coz he's a childhood friend? Naging crush mo? The thing is, you should've fought. Diba uso yung fight for love sa'yo?"

 

"He's just basically one of the guys I loved but I'm not compatible with." May sasabihin pa sana sya pero pinutol ko na sya sa nais nyang sabihin. "Grab a drink guys!" sigaw ko sa iba pa naming mga kaibigan. "All drinks are on me," ngiting demonyita ko kay Reeze  na siningkitan ako ng mga mata.

"Your family will really be hysterical na hiniwalayan mo si Lyndon." Umirap sya bago ni-snatch sa dumaang waiter ang vodka.

"That would be nice. Ipapaalala na naman nila sa'kin how I'm good for nothing when it comes to boys. I'm Miracle Hermaine Zapia after all."



Mausok na ang buong Tazza Bar. Pinaghalong amoy ng hard drink, cigarettes and even weeds. I admit, medyo tipsy na rin ako. Mark that, medyo lang. Si Reeze and even sina Lauren at Justine ay ayun at naagaw na ang spotlight dahil sa pagsasayaw sa stage kasama ang dj. At ginusto ko lang talagang manatili dito sa couch na pwesto namin dahil I can feel na it's not the moment for me to be wild. Iniisip ko pa ang darating na defense ko sa thesis and after that, I'll be the life of the parties!



"Miss, can I sit here? With you?" lumapit ang isang lalaking sobrang manly naman talaga ng amoy pero hindi ko type kung paanong may bigote sya. Nakakaturn-off. Feeling nya siguro bagay sa kanya. Umiling ako sa kanya bago pumihit palayo sa kanya. "You're so pa-hard-to-get, miss." Lumapit sya lalo sa'kin at kampante akong hinawakan sa tuhod ko. Marahas kong tinanggal ang kamay nya mula sa tuhod ko. Tumayo ako habang hawak-hawak ang kamay nya. Mala-demonyo syang ngumiti.

"Ha! See? Bibigay ka rin pala." Narinig ko pa ang pagtawa ng taga-kabilang table na hula ko ay mga kaibigan nitong kumag. Matamis akong ngumiti sa kanya, yung tipong nakakabighani talaga. Saka ko sya tinadyakan sa God-knows-what na parte ng katawan nya at iniwan syang namimilipit sa sakit dun sa couch. He deserves that. Jerk!

Tempted, Trapped and Enraptured (Zapia Series #2)Where stories live. Discover now