Chapter 38: The Truth

Magsimula sa umpisa
                                    

"Why?"

"Kasi alam niyang papabalikin na siya sa U.S kung malaman ng mga magulang niya ang nangyayaring epekto sa kanya.."

Nagtaka ako sa sinabi niya at naupo sa tabi niya

"Why?Why would they do that?Malala ba sakit niya?"tanong ko

Umiling siya

"Zey Anderson..Na-coma siya because of the accident happen 2 years ago.."

"So?Anong kinalaman ng aksidente sa pagkahimatay niya at hanggang ngayon ay wala pa ding malay?Eh dalawang taon naman na ang nakalipas?"

Bumuntong hininga si Lolo

"This is their secret..Her family keep it as a secret..At walang nakakaalam kung bakit..Pero iilan lang din ang nakakaalam na naaksidente ang kaisa-isa nilang anak at kamuntik muntikan na ding mamatay.."

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya dahil ngayon ko lang maririnig ang totoong kwento ng buhay ni Zey

"At isa ako sa nakakaalam na naaksidente siya.Pero wala pa ding nakakaalam kung nabangga ba talaga siya ng truck o nabunggo yung kotse na sinasakyan niya.Walang makapagsabi ng totoong nangyari..Pero iisa lang ang alam ko.."

Tumigil siya sa pagsasalita habang nakatingin lang ako sa kanya at nakikinig

"Nagka-amnesia siya ng magising siya mula sa pagkakatulog ng mahabang panahon.."

Nanlaki ang mata ko sa nalaman..

May amnesia siya?

"At sa tingin ko ngayon..Unti unti ng bumabalik ang alaala niya..Pero ayaw niyang ipaalam sa mga magulang niya yun dahil gusto niyang maalala kung sino ba talaga siya.At kung ano ang nangyari bago siya magising sa ospital."

Nagtataka ako mga nalaman ko

Naaksidente siya?

Nagka-amnesia?

Seriously?

Napatingin ako kay Lolo ng tapikin niya ang balikat ko

"You should stop bullying her.."yun lang ang sinabi niya at lumabas na ng library

Napasabunot ako sa buhok ko at napapikit ng mariin.

-----

"Kuya?Saan ka pupunta?Hindi mo ko isasabay sa pagpasok?"tanong ni Leanne ng makababa ako

"May pupuntahan lang ako.."sabi ko at umalis na ng bahay

Motor ang ginamit ko para makapunta sa ospital.

Pagkarating ko sa ospital agad akong pumasok at nagpunta sa kwarto ni Zey

Binuksan ko yun at nakita ko si Deil na pinupunasan ang braso ni Zey

"Di pa siya gumigising."sabi niya at naglakad papasok sa banyo habang bitbit ang planggana na may tubig

Lumapit ako sa higaan niya at nagpamulsa

"Anong sabi ng doctor?"tanong ko sa kanya

Umiling lang siya

"Hindi pa din sinasabi samin ng doctor yung kalagayan niya."

Tumingin ulit ako kay Zey

"Sana gumising na si Zey"rinig kong bulong ni Deil

Bumuntong hininga ako at tumingin ulit kay Deil..

"Hindi ka ba papasok ngayon?"tanong ko sa kanya

"Papasok ako ngayon inaantay ko lang yung papalit sakin na magbantay kay Zey.."sabi niya

"Sino?Si Diel?"tanong ko

Umiling siya

"Si---"

"Deil,you can go now--"

Napatingin ako sa nagsalita at napakunot ang noo

"Liam?Why are you here?"tanong niya

Nagtataka ko siyang tinuro

"Eh ikaw?Why are you here?"

"Uhm..Liam,si Mond yung papalit sakin na magbantay kay Zey."sabat ni Deil saming dalawa

Napatingin ako sa kanya bago tumingin ulit kay Mond

"Liam.."

"Dumaan lang talaga ako dito.Paalis na din ako.."sabi ko saka naglakad paalis

"Liam sasabay ako!Mond ikaw na bahala kay Zey ha?"rinig kong sabi ni Deil saka hinabol ako

Sabay kaming naglalakad at hindi ko alam kung bakit panay ang tingin sakin nitong si Deil

"What are you staring at?"tanong ko sa kanya

Tumikhim siya at umayos ng lakad

"Yung wringkles mo kasi sa noo..Litaw na litaw."

Kumunot ang noo ko

"What?"

"Naiinis ka.."bulong niya

"Why would I?"

"Maybe because Mond is there with Zey?"

Napahinto ako sa sinabi niya

Tinignan ko siya ng masama

"So what?Are you saying that I'm jealous?"naiinis na sabi ko

Nagkibit balikat siya habang nakangiti

"I didn't say anything.."sabi niya at naglakad na paalis

Kunot pa din ang noo ko habang nakatingin sa likod niya

Seriously?!

----

A/N: Hmmmm..Something's fishy huh!HAHAHA 😂😂 Enjoyy reading guysss!!Wait niyo ibang update ko..Hihi 😁😁

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon