Capítulo Veinticuatro - Heartbeats

Start from the beginning
                                    

Hinayaan ko nalang sya baka nag-iisip ng mga bagay kanina.

Di ko namalayan nakatitig nalang pala ako sa mukha nya. Ang gwapo rin kasi talaga nito e. Swerte talaga ng mamahalin nito. Nakahanap ng package e.

*Third Person's POV*


"Gwapo mo rin talaga no?" Wala sa loob na banggit ng dalaga sa binata, kaya naman napalingon ito.

Parehas silang nagulat sa sinabi ng dalaga.

"Wow. San galing 'yon? Pero salamat" natatawang sagot naman ng binata. Pilit hindi nito pinapahalata na kinilig siya sa simpleng papuri na iyon dahil hindi rin naman niya inaasahan na sasabihin iyon ng kasama niya.

"Joke lang 'yon. Sinakyan mo nanaman joke ko." Pagbabawi naman ng isa sa sinabi niya mismo. Aminado naman siyang paminsan minsan ay lumulutang talaga ang kagwapuhan ng kasama niya pero tila paghanga lamang iyon. Minsanan lamang kung sumagi ito sa isip niya at kasabay noon ang pag-iisip niya sa lahat ng ginagawa ng kaibigan niya para sa kanya.

"Naku Jaki! Walang bawian! Gwapong gwapo ka nanaman sa akin. Magmove-on ka muna bago mo ko ligawan." Pabibiro pa nito na may halong katotohanan.

"WOW! AYAN ANG SAAN GALING!? ANG LAKAS NG HANGIN! MAY IPO-IPO YATA DITO! LAKAS NG FIGHTING SPIRIT!"
Tawang tawa naman ang binata sa inasal ng dalaga.


"You know what.." di natapos ang sasabihin ng binata dahil sumagot agad ang kaibigan niya

"Ano nanaman?"

"Excited mo naman!"

"Di mo ba napapansin na kapag nasa byahe tayo palagi mo ko inaaway? Wala pa yata tayong byaheng mapayapa dahil sa pang-aaway mo." Saad nito.

"Ikaw lang naman ang nagsisimula palagi." Depensa naman ng isa.

"Edi wow."

Di sumagot ang dalaga para hindi na humaba ang ganung usapan nila.

"Viceral." Pagtawag pa nito

"Ow?" Sagot naman ng isa.

"Wala ka na bang ibang damit?" Seryosong tanong naman ng dalaga.

Bakas ang pagtataka sa mukha ng lalaki kaya't napalingon ito sa magandang katabi. Para bang tinignan kung seryoso ang pagtatanong ng kasama. Nang makumbinsi naman ay sumagot ito pabalik.

"Meron pa naman bakit mo naitanong?"

"Kasi kung hindi black na shirt suot mo, puti naman. Makikita lang kitang nag-iiba ng damit kapag galing kang opisina nyo ni Vhong." Nakatingin nitong sabi sa gwapong katabi na nagmamaneho at panaka-nakang nagpapalit ng tingin sa dinadaanan at sa katabing nakatitig sa kanya.

"Okay naman di ba? Ayaw mo ba?" Tanong naman ng isa.

"Di naman sa ganun pero, wala lang, baka lang gusto mo magupdate ng wardrobe mo. Pwede mo ko isama kapag bibili ka ng mga damit."

"Di ko naman sinasabing magpalit ka kasi pangit tignan yung damit mo. Malakas naman yung dating. Ang linis tignan o kaya naman parang ang rock lang ganon." Dagdag pa niya.

"Okay lang, samahan mo ko? Maybe next week." Ngiting sagot naman ng binata.

"Pwedeng ako rin mamili?" Tanong naman ng dalaga na may pagningning pa ang mata dahil sa pagkasabik nito sa lakad nilang magkaibigan.

"Pag-iisipan ko." Halata namang nagpipigil ng tawa ang binata dahil alam nito na magbabago ang ekspresyon ng mukha dalaga at hindi naman siya nagkamali.

"Joke lang. Oo na. Tulog ka na muna. Aakyat na tayo" sabi ng binata dahil nahihirapan itong magfocus sa pagmamaneho kapag paliko-liko ang kalsada.

"Napilitan pa. Tss. Ayaw ko matulog. Kakain nalang ako magdrive ka nalang dyan." Sabi pa ng dalaga matapos kuhanin ang ilang pagkain ng kaibigan ay i-incline nito ang inuupuan para mas maging komportable siya.


Paminsan minsan ay inaalok ng dalaga ang binata ng kinakain nito, tumatanggi ang isa at nagpupumilit naman ang dalaga na kainin ito ng binata. Kaya't ibubuka nalang ng binata ang bibig para subuan siya ng kaibigan.

"Bakit basa? May laway na yata 'to Jaki e!" Reklamo ng binata.

"Hoy! Nalaglag lang yan. Napakababoy nung may laway." Dispensa pa ng dalaga.

"Mga pinapakain mo Jaki. Hayy nakoo. Kakaiba ka talaga." Napailing nalang ang kaibigan ng babae. Sinasakyan lamang nito ang biro ng kaibigan kahit di na nya alam kung alin sa mga pinapakain sa kanya ang mga may laway na o nahulog.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na rin ang dalawa sa pupuntahan.

Matapos bumaba sa sasakyan ay dumeretso na agad ang dalaga sa loob ng kanilang bahay para sunduin ang magulang nito.

Makikita sa kilos ng binata na napalaki talaga ito ng maayos ng kaniyang magulang sapagkat hindi ito nakakalimot magmano bilang paggalang at tumulong sa pagdadala ng mga gamit ng magulang ng kaibigan niya.

Sinugurado muna nitong mabuti kung lahat ba ay maayos na bago umalis muli.

Typical ride ngunit isa ito sa mga paboritong pagkakataon at pangyayari ng magkaibigan kahit hindi nila ito pinaguusapan.
Simpleng kumustahan sa pagitan ng binata at magulang ng kaibigan niya. Paminsan minsang natatahimik at ang musika mula sa radyo lamang ang naririnig ngunit nababawi rin dahil sa kakulitan ng dalaga.

"Mi, kuha ka lang pagkain dyan sa atin po yan." Alok pa ng dalaga sa magulang nito na nasa gitnang upuan ng sasakyan.

Lingid sa kaalaman ng magkaibigan ay kanina pa kumakain ang kasama.

"Mauubos ko na nga anak e."

"Mommy naman, di mo ko tiniran."
Reklamo pa ng bata, bata na dalaga.


Vice's POV

Nang makarating kami sa parking sige kwento lang si Jaki sa mommy nya. Napakadaldal talaga. Well, gets ko naman kasi ang dalang nya umuwi doon nitong nakaraan syempre hindi rin enough yung saturday hanggang sunday ng umaga na umuwi sya para magkabonding sila.

Ang cute lang kasi talaga nya.

Tinamaan na talaga ko.

Kaya ko pa naman pigilan e, kahit hulog na hulog na.

Nahinto yung pag-iisip ko ng tawagin ako ni tita.

"Ikaw ba iho? Kumusta ka naman. Parang tumataba ka. Bagay sa'yo. Hiyang ka sa trabaho siguro no?"

"Siguro nga po tita, hiyang. Tsaka minsan po kasi kapag bumabalik ng qc anak nyo dinadamay po kami ni Madc sa katakawan." Sabi ko pa.

"Huy! Kapal ng mukha! Kayo 'tong aya ng aya tapos ako sasabihin mo?" May paghampas pa talaga sya kada matatapos yung sentence niya. Buti matibay buto ko kung hindi matagal na kong walang braso.


"Jaq! Tigilan mo nga yang braso ni Vice. Kawawa naman oh! Halos isang taon na rin yan nagtitiis sa'yo."

"Ay iba rin Ma ah nacomopute mo?" Lumayo naman agad si Jaki para umiwas sa palo ng mommy nya hahahaha.

Tumatakbo pa ito sa hallway habang tumatawa.

Parang every single move nagcacapture sa utak ko. Tipong nag-uulit iyon sa isip ko ng slow motion. Kasabay ng paghinto at pagbilis ng tibok ng puso ko.




Itutuloy..



******

Sorry na sa typo. Sorry na sa late update.

-awe_somebudyy ✌🏻😊🙂

Ps. Nakakarinig na ko ng mga hindi naman talaga dapat naririnig kaya matulog na rin kayo. HAHAHAHA. Minumulto na yata ako. Hahahaha.


Good night!

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now