Kabanata 6

115K 3.6K 468
                                    

K A B A N A T A 6
༺❀༻

Parang walang buhay na nakaluhod si Sabrina habang nakatulala sa mga niluto niyang nakakakalat sa kusina.

Unti-unting naninikip ang kaniyang dibdib, kakaibang sakit ito. Akala niya wala ng mas isasakit pa. Talaga bang gagawin ito ng asawa sa kaniya? Bakit ba siya umaasa na mahalaga pa siya rito? Isa na lamang siyang katulong nito ngayon, paniguradong wala na siyang puwang pa sa puso nito katulad ng dati.

Mariin siyang napapikit, hindi siya pwedeng mawalan ng trabaho. Kailangan niya ng pera para sa operasyon ni Devon, hindi niya kakayanin kung mawala ito sa kaniya.

Mas mahalaga ito kaysa sa natitira niyang dignidad.

Tumaas ang kaniyang tingin kay Demitri na nakatayo lamang doon.

Nagtatangis ang bagang nito habang nakatingin sa kaniya na nakaluhod. Hindi niya alam bakit ito nagagalit sa kaniya ng gano'n kung susundin naman niya ang gusto nito.

"You are willing to kneel, you want this job so sad huh?" He smirked. "Because of that man? Bakit ikaw ang pinagta-trabaho niya ha?" ani Demitri tapos ay nagdilim na naman ang mukha nito.

Hindi siya tumango kahit totoo naman ang sinabi nito. Handa siyang gawin ang lahat, wala na siyang pakielam kung wala ng matirang pride para sa sarili niya. Ang kailangan niya ngayon ay pera dahil nakasalalay sa kaniya ang buhay nito.

"Nagsisisi ka ba ngayon na sumama ka sa hampas lupa na iyon at iniwan ako?" Tumawa ng pagak si Demitri habang nakapamulsa sa kaniyang harap. "Alam kong hindi pa ako gano'n kayaman noon. Nagsisimula pa lang lumago ang kumpaniya ko, that's why you left me right?" anito buong puot ang bawat salitang binibitawan. "Or because I can't give you a child?"

She bit her lower lip, she can't look at his eyes. Ayaw niyang makita ang mata ng asawa niya, habang nagsasalita ito ng hindi magaganda sa kaniya. Gusto niyang manatili sa ala-ala niya ang maamong mata nito na puno ng pagmamahal para sa kaniya.

"You are nothing but a slut fucking liar bitch!" He snorted.

Sobrang sakit pa lang marinig iyon galing sa asawa niya kung noon ay naiisip na niyang sasabihin iyon ng asawa mas masakit pa lang marinig iyon sa mismong bibig nito.

"Clean the floor using your mouth," ulit nito sa utos kanina.

Mariin siyang pumikit at dahan-dahan ibinaba ang mukha upang ilapit sa sahig.

Kung malilinis ba niya ang sahig gamit ang bibig mapapatawad na ba siya ng asawa niya? Mawawala na ba ang galit nito sa mata tuwing titingin sa kaniya?

Handa na sana niyang gawin ang sinasabi nito pero bago pa lumapat ang kaniyang labi sa sahig ay narinig niya ang yabag ni Demitri palabas ng kusina. Doon na niya hindi napigilan hindi mapahagulgol at sinapo ang mukha. She can't live like this, para siyang pinapatay araw-araw na ganito ang trato ng lalaki.

Hindi niya alam kung ilang minuto siya umiyak doon bago hilam ang matang tumayo upang maglinis, natatakot siyang baka biglang bumalik si Demitri tapos ay magulo pa ang kusina mas lalo siya nitong pag-iinitan.

Hindi alam ni Sabrina kung kailan babalik ang ibang katulong at kung ano ang pina-plano ni Demitri sa kaniya pero isa lang ang alam ni Sabrina.

SDSS 1: WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon