Kabanata 4

111K 3.5K 913
                                    

K A B A N A T A 4
༺❀༻

         "Rina, kumain ka na." Napatingin si Sabrina sa nagsalita, isa sa mga kasambahay na naging mabuti sa kaniya.

Napakurap-kurap siya bago napatingin sa mga katulong na kasama niya sa lamesa. Ang iba ay nag kukwentuhan habang kumakain kaya hindi siya napansin ng mga ito na nakatulala lang sa kaniyang pinggan.

Bumaba ang kaniyang mata sa ulam na adobo na luto niya.

Malakas siyang nagpakawala ng buntonghininga, ni hindi na niya mabilang kung ilan beses.

Kumain na kaya si Devon?

Hanggang ngayon ay umuulit-ulit pa rin sa isip niya ang pinag-usapan nila ng asawa nitong umaga. Simula no'n ay hindi na niya ito muling nakita hanggang ngayon na naghahapunan na sila.

Hindi ba't dapat magpasalamat na lang siya? Na wala ito at hindi siya mahihirapan.

"Ayos ka lang ba talaga?" nag-aalalang tanong ng isang katulong kaya napabuntonghininga siyang muli.

Pagod na siya sumagot sa ganyan tanong. Pagod na siyang magsinungaling.

"Ayos lang ako, siguro masama lang ang pakiramdam ko. Ganito talaga ako kapag magkakaruon ako ng buwanang dalaw," mahinang wika niya at tipid na nginitian ang kasamahan.

"Kumain ka na, kailangan mo maging malakas para makapagtrabaho ka nang maayos," paalala nito sa kaniya kaya mabilis siyang tumango.

"I miss him," pag-amin niya rito.

Nakita niyang napangiti ito, kilala nito si Devon dahil ito ang naging kaibigan niya sa ospital na may kamag-anak na naka-confine roon. Ito rin ang tumulong sa kaniya para makahanap ng trabaho.

"Natural lang iyon na ma-miss mo siya, naiintindihan kita roon pero isipin mo rin ang sarili mo, sa tingin mo matutuwa si Devon kapag nakita kang malungkot?" Dahil sa sinabi ng kaibigan ay kaagad niya naisip ang mukha ng lalaki.

Napangiti siya nang maisip ang nakasimangot nitong mukha tuwing nagtatampo.

"I don't want him to be upset," iyon lang ang tangi niyang nasabi bago magsimulang kumain.

•••

            Nang mas lumalim ang gabi ay isa-isa ng nakatulog ang mga kasama niya at gano'n din siya dahil na rin siguro sa sobrang pagod. Sandali rin niyang tinawagan si Chester para sana kamustahin si Devon pero tulog na raw ito.

Hindi pa man gano'n kalalim ang kaniyang tulog nang magising ang kaniyang diwa.

Nagising si Sabrina nang may maramdaman mainitin at malambot na bagay na tumatama sa kaniyang leeg.

Kinilabutan siya roon, bahagyang kumunot pa ang kaniyang noo.

Marahan niyang binuksan ang kaniyang mata at gano'n na lang ang kaniyang pagsinghap nang makita sa dilim ang isang anino na nakasubsob sa kaniyang leeg at dinadampi-dampian siya ng halik doon.

Mabilis kumalat ang kaba sa kaniya.

Sisigaw na sana siya pero isang malaking palad ang tumakip sa kaniyang bibig.

SDSS 1: WrathWhere stories live. Discover now