Pag-ibig ko sayo'y totoo

2.6K 25 0
                                    


Ang tanging pakay
Ibigay ang pag-ibig na alay
Puso'y sayo habang buhay
Walang kapares, kagandahan mong taglay

Sinomang hadlang ay di papayagan
Makasira ng ating pagmamahalan
Ika'y ipaglalaban
Maging sa kamatayan.

Pag-ibig ko sayo'y totoo
Ito'y hindi biro-biro
Kung ito sayo'y panloloko
Papatunayan kong mali ang iniisip mo

Sana ako'y pagbigyan.
Maging bagyo ay lalabanan
Susugurin kahit si kamatayan
Basta't ang kapalit pag-ibig mong walang hanggan...

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon