COVID-19

7K 21 26
                                    

"Covid-19"

Isang Pandemya na ngayo'y kinakaharap
Buong mundo'y apektado nang ito'y lumaganap
"Covid-19" Kung ito ay tawagin
Na naging dahilan ng pagsasara ng ilang bansa sa mundo natin

Ang sakit na ito ay sobrang nakaapekto sa mga tao
Naging masama ang epekto
Nawalan ng mahal sa buhay at naudlot ang mga trabaho at plano
Kaya't ilang batas ay napilitang labagin ng mga tao

Ngunit kahit ganoon ay may mabuti rin itong epekto
Nagkaroon tayo ng panahon makasama ang ating pamilya
Tayo ay nakatuklas rin ng iba't ibang talento
At ito ay ating maaring ipagmalaki sa iba.

May mga tao ring sa mundo'y tumulong
Upang kapayapaan sa mundo ay maisulong
"Frontliners" kung sila ay tawagin
Mga bayaning sinisigurado ang kaligtasan natin.

Iba't iba man ang pananaw sa pandemyang ito,
Ngunit ako'y sigurado na isa lang ang harangin ng mga tao
Matapos na ang problemang ito
At bumalik na sa normal ang mundo.


















A/N:  Just wanna write something about what's happening into the world... Cause, all of my past works are all about love... I wanna create something different... So yeah here it is.. Hope you guys like it... Lovelots! ❤️

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon