Chapter 26: Comfortable

18.9K 686 144
                                    

Kausap ni Abyss ang hepe na nilapitan namin ni Lola Adela para ipahanap si Ninong at papa. Seryoso ang mukha niya at mahigpit na nakahalukipkip ang mga braso. Igting ang kanyang panga at nang magtama ang aming tingin, ang kaninang mabagsik na mga mata ay umamo. He even look wounded and in pained. Nag-iwas ako at pinaglaro ang mga hintuturo.

Nang matigil ako sa kakaiyak sa kanyang dibdib kanina ay halos hilingin kong sana kainin na lang ako ng lupa. Ngayon wala na ang bugso ng damdamin, halos isumpa ko ang sarili. Hindi ako makapaniwalang umiyak ako sa harap niya, kung saan kitang-kita rin ng kanyang mga pinsan! Ano na lang ang sasabihin nila? Nagpapaawa ako? When in the first place, kasalanan ko naman kung bakit naranasan ko ang lahat ng ito. Kung makaiyak ako ay para bang k-in-idnap ako at pinilit!

Sa kahihiyan ay hindi ako makalayo sa dibdib ni Abyss. Hindi ko ata kakayanin makita niya ang mga mata ko. Pero nang magsalita siya ay wala na rin akong nagawa. Hindi ako pwedeng manatiling nakakapit sa kanya na parang tuko.

"It's okay now. Iuuwi na kita..." he whispered like a promise.

Dahan-dahan akong lumayo sa kanya at pinunasan ang pisngi ko. Tinulungan niya ako. Hinayaan ko siya pero hindi ko pa rin kayang mag-angat ng tingin.

"Do you want us to immediately go home now o bukas na?"

Bakit? Bakit niya ginagawa 'to? Does he still care? Hindi ba siya nagpunta rito para hulihin ako because the last time I check, I fooled him. I fooled him when I told him that my father was waiting in the bus terminal. I fooled him that night. Sa ginawa kong iyon, may pananagutan ako sa batas, diba? I covered my father. My father who's accused of murder. I can be sue as an accessory of crime or something for that.

"H-Hindi mo ba ako huhulihin?" sa maliit kong boses. Nanginginig ako at nagbabanta na naman ang mga luha.

Hindi ko talaga lubusan ma-proseso na talagang nandito siya. Na pagkatapos ng halos tatlong taon, sa lahat ng masamang nangyari, nararamdaman ko na naman ang kapanatagan dulot ng kanyang presensiya. I feel so light and safe and home. Pakiramdam ko ay isa lamang ito sa mga desperada kong ilusyon.

"And why would I do that?" pagalit niyang tanong like it's a very ridiculous question.

"I lied to you that night. I misled you and your team. I can be sue for that..."

Lumapit siya sa akin at hinapit ang aking baywang. Taas-baba ang kanyang dibdib na para bang kahit sa kanya, mahirap din ito.

"Look, what you did that night was really wrong," he said. Hinawakan niya ang panga ko at inangat para magkatinginan kaming dalawa. "But I understand you. You just love your father. You were ruled by your emotions-"

"Pero hindi iyon maiintindihan ng batas," Nabasag ang boses ko. A single tear fell from my eye as I hopelessly stared at him. "My love for him will never justify my irrational decisions. Sa mata ng batas, may pananagutan-

"Fuck laws, then!" He hissed.

Pumikit ako nang mariin. He looks very angry and frustrated.

"Hindi kita hinanap ng halos tatlong taon para makawala lang dahil may pananagutan ka sa batas. I will use all my damn money to obtain pardon for you! Wala kang pananagutan, nakuha mo?" mariin niyang sabi. He sounded very angry. His eyes are bloodshot and I can even see forming tears on both sides.

My heart hurt. Hindi ito ang inaasahan kong trato na matatanggap mula sa kanya. I'm not really expecting for him to be angry but indifferent, at least. Noon ay madalas kong isipin ang muli namin pagkikita. At lahat ng iyon ay hindi ko kayang haluan ng magagandang pangyayari. I always imagined that our meeting will be full of indifference from him. Hindi ko na inisip na tatratuhin niya pa ako gaya ng noon. Iyong gaya ng noon na talagang may halaga at may ibang kahulugan. Palagi kong iniisip na kapag nagkita kaming muli, tungkol na lang sa kaso ni Papa at kasalanan ko ang magiging dahilan.

Falling Into The Abyss (Abyss Steele)Where stories live. Discover now