Chapter 10: Choice

19.4K 605 205
                                    

Tahimik ang byahe namin patungo sa simbahan. Ramdam ko ang awkwardness pero tingin ko ay sa akin lang iyon dahil nang sulyapan ko si Abyss, wala naman itong reaksyon habang nagmamaneho.

His thick brows are extremely furrowed. His narrowed nose made him look snobbish, especially now with his side view profile. Mahigpit ang kapit niya sa manibela at masama ang tingin sa daan, tila may kung anong iniisip na hindi maganda.

Ngumuso ako at bumaba ang tingin sa kahon na nasa aking kandungan. The apple logo made me shiver a bit. Mamahalin.

Gusto kong isoli iyon, tanggihan, pero ayokong gawin sa harap ng nagmamatyag na si Ate Grace. I'm sure she would stop me, knowing her.

Sinuri ko ng tingin ang kahon nang hindi hinahawakan. Hindi ko alam kung bakit tila napapaso ako ngayon. Marahil ay hindi lang talaga ako sanay na nakakatanggap ng mga ganitong klase at mamahalin bagay kaya pakiramdam ko ay sobra na o di kaya'y hindi nararapat.

This is too much. Okay pa sana kung ang binigay niya ay simple lang at mumurahin, tatanggapin ko pa. But this one, bukod sa brand, nasisiguro kong kalalabas lang na modelo. This is the same latest model I saw on TV!

I can't accept this. Kung may pagkakataon ako, isosoli ko ito ngayon.

Nang dumating kami sa simbahan ay doon nagbukas ng usapin si Ate Grace. Nag-usap sila ni Abyss ng mga bagay patungkol sa magiging trabaho ni Kuya Gibson. Tahimik naman ako at nakikinig lamang. Bahagyang kinakabahan sa tuwing nananatili ang tingin ni Abyss sa akin.

Akala ko ay hihintayin lang kami nito sa loob ng kanyang kotse pero bahagya kong ikinagulat nang sumunod siya sa amin patungo sa loob ng simbahan. He didn't said a word.

Nagtataka akong nag-angat ng tingin sa kanya at naabutan ko itong titig sa akin. He look at me, questioning my surprise expression.

Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin.

Anong nakakagulat sa pagsimba, Neri? May nakakamangha ba roon? Tss. I rolled my eyes mentally at myself. Konti na lang talaga, sasampalin ko na ang sarili ko.

Papasok, mabilis kong napansin ang pagkakatuon ng atensyon ng iilan sa amin. Lalo na ang mga babae. Kita sa mukha nila ang mangha at adorasyon kay Abyss.

I pout even more and tried to divert my attention with other things.

Stop being so observant, Neri!

Nang nagsimula ang misa, hindi ko tuluyan maituon ang atensyon sa pari. Kahit anong pilit kong pakikinig, hinihila talaga ng ibang bagay ang atensyon ko. Paano kasi ay nadi-distract ako sa grupo ng mga babae na nasa unahan namin, naghahagikikan at pinagtitinginan ang lalaking katabi ko. They are so noisy even in the middle of the sacred mass.

Napapagitnaan ako ni Ate Grace at Abyss. Si Ate ay hindi iilang beses nang sinaway ang mga babae, pinapatahimik pero hindi sila natitinag.

"Ku, 'tong mga ineng na 'to! Hindi ata Diyos ang pinunta." bulong ni Ate.

Ngumuso ako at nagkibit balikat. Nag-angat ako ng tingin kay Abyss at nakita itong kunot ang noo, salubong ang makakapal na kilay habang nakahalukipkip. Diretso ang tingin niya sa altar pero nang napansin ang tingin ko ay nagbaba ito ng tingin sa akin.

Pakiramdam ko ay isa akong paslit dahil sa tangkad niya. Idagdag pa ang kanyang katawan na talagang binibigyan diin ang kanyang edad at pagkalalaki, para akong isang nakababatang kapatid dahil sa pagtatabi namin ito. I feel so small and so fragile compared to him, who look so sure of himself and oozing with confidence.

"Uncomfortable?" mahinang tanong niya, sapat lang para marinig ko.

Tumango ako at muling tiningnan ang mga nagkakagulong babae. Nagsusundutan sila na para bang kilig na kilig. Umismid si Ate Grace at pansin kong hindi lang siya ang naiisturbo. Kahit iyong ibang nagsisimba na katabi ng limang babae, nagugulo rin.

Falling Into The Abyss (Abyss Steele)Where stories live. Discover now