Chapter 13: Cold

18.8K 608 144
                                    

Saturday came. Alas otso pa lang ng umaga ay nasa bahay na si Abyss para sunduin ako. I am very excited upon seeing his place, aside na may malaki nga siyang library. Makes me think, mag-isa lang ba siya sa condo niya? Is he living with his family? Kapag ganoon, okay lang ba itong suot ko? Should I dress formally? Pero napalabi na lang ako nang maalala na wala nga pala akong mga formal dress.

“Ang bongga, ha? May instant tutor na, may review center pa.” si ate Grace na kanina pa ako hindi tinitigilan sa pang-aasar.

Bago pa makapagpaalam sa kanya si Abyss, inunahan ko na ito. I told her our plans. Kaya labis na lang muli ang hanga niya rito nang kagabi, magalang na lumapit sa kanya si Abyss upang ipagpaalam ako. Off course, being Graciana Trinares Romualdez, hindi man lang ito nagdalawang-isip na ipamigay ako. Iyon nga lang nang makaalis si Abyss, inulan niya naman ako ng panunukso. Kesyo raw napagdaanan niya na ang mga ganito. Pa-review review pero iba naman daw talaga ang gagawin.

Napailing na lang ako dahil malaki ang paniniwala ko na hindi ganoon lalaki si Abyss. He’s not the type of man who will take advantage. He’s not the man I know whom I will despise in the future. Iba siya. I know for sure. I trust him that fast, I am very sure he couldn't even lay a finger on me or force me to do things that I wouldn't like.

“Hindi pa nagdidilim ay narito na ako, Ate. Maghahanda rin kasi ako sa lulutuin ko para bukas.” Pag-iiba ko ng usapin.

Si Abyss ay nasa balkonahe at kausap ang bunso kong kapatid na si Bon. Sa sandaling panahon, agad niyang nakuha ang loob ng mailap kong kapatid. Siguro ay nakatulong ang madalas niyang pagbibigay ng mga regalong laruan. Nahihiya ako sa mga ginagawa niya para sa amin pero ang sabi ni Ate Grace, huwag ko na raw basagin ang trip nito.

“Kahit bukas ka na umuwi ay okay lang sa akin, Neri. Enjoyin mo ang review-reviewhan niyo ni chief!” halakhak nito.

Ngumiwi ako dahil sa lakas ng boses niya. Sumilip ako sa balkonahe sa pag-aalala na baka naririnig kami ni Abyss. Nakangisi siya sa kapatid ko na kung may anong kinukwento. Nagtama ang tingin namin kaya mabilis akong nag-iwas.

“Ate naman… Wala naman ganyan, eh!” mangiyak-ngiyak ako.

“Basta ayokong makita kang paika-ika pag-uwi, ha? Matanda ka na, oo, pero hanggang momol lang muna kayo. Sa susunod na ang main event kapag nakapagtapos ka na!”

Uminit ang pisngi ko sa mga pinagsasabi ni Ate. Hinampas ko siya sa braso at mas lalo naman itong humagalpak. Hiyang-hiya ako.

“Ate!”

Pulang-pulang ako lalo na noong nagpigil ng tawa si Ate dahil nasa likod ko na si Abyss. He looks curious when I turn to him. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at inaya na itong umalis. Tumango siya at kinuha mula sa akin ang bag na ginagamit ko pang-skwela. Naroon ang mga notebook ko at ilan pang kagamitan.

“Ito lang ang dadalhin mo?” tanong niya.

Tumango ako pero pinamulahan muli ng pisngi nang bumira na naman si Ate Grace.

“Bakit, Chief? Pati mga damit din ba?”

Sinamaan ko na talaga ng tingin si Ate. Hiyang-hiya ako dahil baka isipin ni Abyss na masyado akong pinagtutulakan ni Ate sa kanya. Na baka isipin nito, masyado kaming sabik sa kanya.

"Ate, ano ba!? Nakakahiya!" Mariin kong suway.

Pero mas lalo lang itong tumawa lalo na noong sakyan ni Abyss ang tama nito.

“Kung handa na siya, bakit hindi?” ngisi niya.

Sumabog ang nakakabwisit na halakhak ni Ate Grace sa buong bahay. Nagawa niya pa akong pabirong sundutin pero sinimangutan ko ito, hindi talaga natutuwa sa mga biro niya.

Falling Into The Abyss (Abyss Steele)Where stories live. Discover now