Chapter 24: Faith

16.2K 465 202
                                    

Everything didn't go well according to the plan. And when I said everything, I meant everything.

Hindi nakuha ni Papa ang mga kapatid ko gaya ng plano. Mayroon daw mga pulis na nakaaligid sa labas ng bahay nina Ate Grace at lihim kong ipinagpapasalamat iyon. Gusto ko man maging buo kami, sa loob-loob ko ay may naniniwala na hindi maganda ang kalalabasan ng lahat ng ito. Ayokong isugal ang kinabukasan ng mga kapatid ko. Alam ko naman hindi sila pababayaan nina Ate Grace kaya mas mabuti na rin hindi sila nakuha ni Papa.

Pagdating ko ng daungan ay naghihintay na sa akin si Ninong Epi. Nauna pa ako kay papa ng higit isang oras. And he arrived nothing but only with the news na natunugan daw ng mga pulis na nasa daungan kami. At nang mga oras na 'yon, wala akong ibang hinihiling na sana ay abutan kami.

Sa kahuli-hulihan pagkakataon ay nagbago ang isip ko. Ayoko ng sumama pero wala na akong nagawa nang halos kaladkarin na ako ni Papa.

Isang barko na may mga kargang semento ang sinakyan namin. Kilala ni Ninong Epi ang mga trabahante kaya napakiusapan niya ang mga ito kapalit ng pera dahil hindi kami pupwedeng sumakay ng pampasaherong barko.

Papa's wanted face is all over the country. Pati ang pangalan ni Ninong Epi ay umingay na rin at kung hindi pa nangyari ang lahat ng ito, hindi pa mauungkat ang kaso nitong tinakbuhan din noon. He was accused of homicide in Southern Visayas.

Habang nasa byahe ay kating-kati akong tanungin ito tungkol doon pero natatakot ako. Natatakot akong malaman na ako lang din mismo ang kumuha ng bato na ipupokpok sa sariling ulo.

Tulala ako sa tatlong-araw na byahe. Hindi iilang beses kong sinubukan tumakas sa tuwing dumadaong kami sa isang lalawigan at nauuwi rin lahat sa pagkabigo. Hindi ko mabilang kung iilan beses akong nasaktan ni Papa at sa lahat ng iyon, pinapatay ako ng labis na pagsisisi.

"Neri! Neri!"

Nagmamadali kong tinapos ang pagluluto nang marinig ang sigaw ni Mela mula sa labas. Alas-singko pa lamang ng umaga pero sa klase ng trabaho ang mayroon ako, tanghali na ito. Mabilis kong tinakpan ang mga pagkain at nagtungo sa maliit na sala.

Naabutan ko si Papa na tulog na tulog pa sa kawayan upuan. Iilang bote ng beer ang nakakalat sa mesa at sa sahig. Nilinis ko ang lahat ng mga iyon bago ginising ang ama.

"Pa... nakahanda na po ang almusal."

Tanging ungol lamang ang naging tugon nito. Tinapik niya pa ang aking kamay na marahan yumuyogyog sa kanya. Napakamot ako ng noo.

"Uh, aalis na po ako, Pa. Gumising na lang po kayo kung nagugutom na kayo."

Napalunok ako nang bumaling sa kwarto ni Ninong Epi. I want to wake him up, too, but something is keeping me. Kaya sa huli, hindi ko na lang tinuloy at nilabas na si Mela na naiinip ng naghihintay sa akin.

"Pasensya ka na. Anong oras na kasi akong nakatulog kagabi. Nag-inuman sina Papa kaya kailangan kong pagsilbihan."

Ngumiwi si Mela habang inaabot sa akin ang isang bayong ng iba't-ibang gulay. Pababa kami sa matalahib at maputik na daan patungo sa bayan kung saan namin ibebenta ang mga naaning gulay.

"Kung bakit kasi parang gawin mo ng mga hari 'yan mga kasama mo sa bahay! Ikaw na nga nagpapakain, ikaw pa nag-aasikaso mula sa pagluluto hanggang sa paglalaba ng mga susuotin damit nila!"

Tahimik ako dahil napapagod na akong pagtakpan sina Papa. Araw-araw na lamang akong nasasabon ni Mela patungkol dito at siguradong pagdating mamaya sa palengke, sasali pa si Aling Melanie.

This is where my choices before brought me. It brought me to a life where I learned in a very hard and rough way. This is the aftermath of it.

Pahirapan ang pagtakas namin. Dumaong ang barkong sinasakyan namin sa Cagayan de Oro. Mula sa siyudad ay sumakay kami ng bus patungong Bukidnon. Nagtago kami sa isang liblib na barangay na ang pangunahing kabuhayan ay pagtatanim ng tubo. We live there for almost a year. Okay naman noong una. May trabaho pa sina Papa at Ninong hanggang isang araw, may nakakilala kay Papa. Bago pa kami maisumbong sa pulis ay tumakas na kami at napadpad sa kung saan-saan. Halos isang taon din kaming palipat-lipat ng lugar. Walang permanenteng address, trabaho at buhay. I am so tempted to seek help from the authorities to surrender my father and Ninong Epi but every time I try, the circumstances won't allow me. Kung hindi nahuhuli ni Papa, napapangunahan ng takot.

Falling Into The Abyss (Abyss Steele)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ