PROLOGUE

45.2K 1K 1.1K
                                    

Choices.

A very simple word but accompanied with it's difficult meaning. In our life, we have a lot of choices given naturally for us. If we choose evil over goodness, death over life, then it's our choice. If we choose to forget rather than to forgive, then it's our choice. We, humans are born to have choices. We are free to choose.

Pero paano ba malalaman kung tama ang mga pagpipiliian? Paano ba malalaman kung makakabuti sa atin ang pipiliin? Minsan, ang pinakahirap na gawin sa mundo ay ang pumili. Kahit sa mga simpleng pagkakataon.

Whether choose gold over silver, black over white, wealth over health, beauty over brain... mahirap. Mahirap mamili lalo na kapag hindi ka sigurado kung ano ba talaga ang gusto mo at makakabuti sa'yo. Mahirap mamili kung naiipit ka. Either you choose that because that's the right thing to do or you choose that because that's what your heart truly desires.

It's a matter of choices to change your life.

And I, will always regret that my choices before led me to this miserable life.

“Pa, alis na po ako.”

Mula sa mga lasing na kaibigan ay nalipat ang tingin sa akin ni Papa. Ang mga mata niya ay nanliliit at namumula na dahil sa inuman kagabi pa nag-umpisa. Bumunot siya ng pera sa kanyang bulsa at inabot sa akin. Tinanggap ko iyon at nahihiyang nginitian ang mga lasinggong kaibigan ng papa ko.

“Ito na ba iyong panganay mo, Ros? Aba’y dalaga na, ah? Noon lang ay maliit pa ito at nanghihingi pa ng limang piso!” halakhak noong isang kaibigan ni Papa na di ko kilala. Ngumiti ito sa akin at bilang respeto, ngumiti rin ako pero sa totoo lang, naaasiwa talaga ako.

Maraming barkada ang papa. At halos lahat sila ay kilala ko kung hindi man sa pangalan ay sa mukha. Pero itong mga kasama ni papa ngayon, hindi ko sila kilala.

“Oo. Siya nga. Neri, magmano ka sa Ninong Epi mo.” si papa.

Mabilis akong tumalima at lumapit sa kaibigan ni papa. Nagmano ako sa kanya. Akmang huhugot ito ng pera sa kanyang bulsa ay maagap agad akong umiling.

“H’wag na po-“

“Tanggapin mo na, 'nak. Minsan lang mamigay iyang ninong mo. Samantalahin mo na.” natatawang pigil ni papa.

Bumaling ako sa kanya at kahit nakangiti ito, may ipinapahiwatig naman ang kanyang mata kaya wala akong nagawa kundi tanggapin ang bigay ng ninong na ngayon ko lang nakilala.

“Salamat po…” sabi ko at tuluyan ng umatras upang makaalis. “Mauuna na po ako at baka po mahuli ako sa klase.” paalam ko.

Tumango si papa. “Ingat, 'nak. Si Bon, napakain mo na ba?”

“Opo. Tapos na. Nasa kwarto po at naglalaro.” tukoy ko sa bunsong kapatid na lalaki.

Tumalikod na ako. Habang binubuksan ang bakal namin gate, muli akong lumingon at nakitang tinatanaw pa rin ako ng tingin ng mga kaibigan ni papa. Si papa naman ay abala na ulit sa pagkukwento. Nagbaba ako ng tingin. Hindi talaga ako komportable sa tuwing pinaglalaanan ako ng atensyon ng mga barkada ni papa.

They are all drunk and I'm not dense nor stupid about the cruelty of the world. I am one step ahead for the possibilities. Aware ako sa mga apoy na naglalaro sa kanilang mga mata pero hangga't nariyan si papa, alam ko naman wala silang gagawin.

Paglabas, maraming magarang kotse ang nakaparada sa labasan ng aming bahay. Pag-aari iyon ng mga bisita ni papa na araw-araw ay hindi pumapalya sa pagbisita.

Bata pa lang ako, mulat na ako sa karahasan ng mundo at sa kasamaan ng papa ko. Lumaki akong nasubaybayan lahat ng bawal na ginagawa niya hanggang sa nakasanayan ko na lang at parang naging normal na.

Falling Into The Abyss (Abyss Steele)Where stories live. Discover now