Chapter 19

1.4K 45 22
                                    

So close, yet so far. Ganito ang pakiramdam ni Deo nang magtama ang mga mata nila ni Threa kani-kanina lamang. Limang taon na siyang nangungulila dito. Naawa narin siya sa anak niya na lagi nalang nagtatanong tungkol sa ina. Kanina nga nang makita ko ang kaligayahan sa mga mata nito dahil nakita at nayakap narin nito sa wakas ang kinikilalang ina, mas doble ang sayang naramdaman ko. They are both my happiness. My daughter and the woman I love the most. Threa—my daughter's mother.

"Tatay, bakit hindi po sumama si Nanay sa atin?" Sinulyapan ko si Demi na naka-upo sa backset ng kotse.

"Kakarating lang niya, sweetheart. I'm sure your mom is tired enough to come home with us," Tugon ko naman dito. Hindi ko alam ang gagawin sa mga susunod na araw. Gustong makasama ni Demi ang ina nito and I doubt kung papayag si Threa na manirahan kami sa iisang bubong. I can see the fondness in Threa's eyes while talking to Demi, pero dahil alam kung malambot lang talaga ang past nito lalo na sa mga bata. Pagdating naman sa akin, alam kung ang huling natatandaan niya'y ang nadatnan niya sa kwarto ko sa restobar, anim na taon na ang nakaraan. Sana lang, magkaroon ako ng lakas ng loob para ipagtapat sa kanya ang lahat-lahat. Kasalanan ko ang lahat kung bakit nangungulila ngayon ang anak ko.

"Sobrang saya ko po, Tatay. Nayakap ko na po si Nanay tapos kahit parang ayaw niya sa akin, pinipilit parin niya akong ngitian. Palagay mo po ba Tatay, mahal din ako ni Nanay? Kaya lang ba niya ako nginitian kanina kasi anak niya po ako?" Napatiim-bagang ako sa narinig. Matalino ang anak ko, kahit sabihin pang limang-taon lang ito, she's very observant at nabibigyan niya ng paliwanag ang bawat bagay na nakikita niya. Bilang ama, masakit sa akin na marinig sa mismong bibig ng anak ko kung gaano nito kagustong makasama ang sariling ina. It was my own doing. Hindi ko man siya tinulak palayo, ako parin ang naging dahilan kung bakit napalayo ito sa amin.

"Hayaan mo, sweetheart, hindi man ngayon, pero sinisigurado ko sa'yo na magkakasama rin kayo ng Nanay mo," For my daughter, I will do everything. I can endure the hardship but I couldn't let my daughter suffer because of it.

"Talaga po, Tatay? Excited na po akong makatabing matulog si Nanay." Bakas sa tinig nito ang saya.

"Oo naman, kakausapin ko siya kapag nailibing ang Lolo Eman mo."

"Sana, nayakap ko si Lolo. Bakit kasi ngayon lang ulit tayo bumalik do'n, Tatay? Hindi tuloy ako nakilala ng Lolo," Lumalabi nitong wika.

"Magseselos ang DaddyLo mo niyan. Anyway, gusto mo ba na bisitahin natin siya, next month?"

"Sige po! Tapos isama natin si Nanay. Kilala po ba siya ni DaddyLo, Tatay?" I was caught of guard. Of course, kilalang-kilala ni Daddy si Threa.  Dahil si Threa ang dahilan kung bakit napalapit ako dito.

"Anyway, mukhang masaya ka lagi sa tuwing nakakausap mo ang Kuya Jaydan mo, ah?" Pag-iba ko ng usapan. Hindi pa ako handang balikan muli ang nakaraan na iyon.

"He's smart kasi, Tatay. Madami po akong na-le-learn po sa kanya. Hindi po ba, Tatay, ang bilin ni Nanay sa'yo, if possible, sa smart dapat ako makipaglaro para magiging smart din po ako?" Sinulyapan ko ito mula sa rearview mirror. Napangiti ako sa itsura nito. Nakalagay pa ang hintuturo sa sentido nito at tila ba'y nag-iisip. "Pero hindi naman po kami naglalaro ni Kuya Jaydan. Lagi lang kami nag-uusap tungkol po sa mga librong nababasa niya. Sini-share niya po sa akin ang na-le-learn niya po sa mga nababasa niya. Kaya po masaya ako lagi."

"Smart ka naman na sweetheart. Bakit gusto mo pang maging smart lalo?"

"Kasi, baka ayawan ako ni Nanay kapag hindi ako sobrang smart."

Napabuntong-hininga ako. If you just know—things about your moyher, sweetheart. Hindi gano'n kababaw ang ina nito para ayawan siya dahil sa rason na sinabi nito. Kung aayawan man siya, ako ang dahilan nun. Pero hindi ko hahayaan na mangyare 'yon. Gagawa ako ng paraan para maibalik siya sa buhay naming mag-ama.

✔Till We Meet Again [COMPLETED]Where stories live. Discover now