Chapter 11

1.3K 36 0
                                    

'Umaga ko'y kayganda,
Isip ko'y nag-lalakbay,
Kasama nito'y si ganda,
Puso ko'y tumitibok
Pangalan niya'y binabaybay
Sayo ganda ako'y nananabik'

Isang boses ang umalingaw-ngaw sa ere. Boses ng taong walang araw na hindi ako pinapakilig. Yes, that voice was my DJ boyfriend. I smiled with the thought that I've got this "madaldal" na boyfriend. Kanina lang I seems loss the moment a very familiar face entered the pharmacy. She was my sister. I wanted to hug her but she doesn't know yet that she has a sister.

"Ngiting-ngiti Ms.Threa ah? May pa-tula na naman ang iyong irog kasi no?" Tukso sa'kin ng kasamahan ko sa Pharmacy na si Camille.

Limang-buwan simula nang umuwi kami ng Mommy ko dito sa Culasi. Lugar ng Daddy ko. Apat na buwan simula ng naging kami ni Deo. Medyo mabilis man ang pangyayare pero sabi nga nila, hindi naman importante na ang ligawan. If you both has an affection to each other, hindi mo na kailangan pang magpakipot pa. Gora na! Baka mapag-iwanan kapa, magaya ka pa sa writer nang akda na "You'll Be Mine Again" inaamag na ang kepyas. Jusko! Taas kasi ng standard, kala mo ang tangkad.

"Umayos ka nga." Kimi kong turan dito. Hindi ko alam pero nahihiya talaga ako pag tinutukso ako ng mga kasamahan ko sa trabaho tuwing on-air ang boyfriend ko.

"Kilig si mare-mare no?" She kept on teasing me.

"Mare-mare?" Clueless kong tanong dito.

"Si kumare sa gitna ng kalawakan." Sabay tingin nito sa mga hita ko.

Hinampas ko ang braso nito.

"Ang bastos nito. Magtrabaho kana nga!" Sita ko dito.

I loved him at first sight. And the very first time in my life, I ever felt passionately was the moment I saw him. It was a feeling so loving, so tender, so wild, so overwhelming and breath-taking, and all-involving, a feeling I did not know before.

Niligawan niya ako for a month. My Mom asked me not to, but my heart pound fast with his presence. I even begged my Mom to let my heart engaged into someone. And I am so grateful nang pumayag naman ito but I need to take care of my heart. It's literally weak but it felt a bit strong when I'm with him. The beat wasn't normal, but I know it has something to do with him. It is because, I am in-love with him.

"I'll be going to play a song first, then I'll be back. At sa pagbabalik ko, we will talk about the things that happened around the town of Culasi. Bye for now, and once again. Good morning and God bless! Lalo na sa'yo, sinta ko," Namula ako sa huli nitong sinabi. Nagtilian naman ang dalawa kong katrabaho. Dali-dali kong pinatay ang radio at naupo sa counter table.

"Tumigil nga kayo! May costumer o, asikasuhin niyo," Utos ko sa mga ito.

"Namumula ka, Ms. Threa, super kilig ka sa irog mo no?" Tatawa-tawang tukso sa'kin ni Camille. Inirapan ko lang ito at hinarap ang cellphone ko nang tumunog ito.

"Good morning sinta ko... " Bungad agad nito pagka-sagot ko ng kanyang tawag.

"Good morning too ahmm... Irog ko," Nahihiya kong ani dito. Hindi pa talaga ako sanay na tinatawag siyang 'Irog ko' it's kinda old kasi. But I find it sweet.

"I prepared something for you, did you heard it?" Malambing nitong tanong sa kabilang linya.

"Hindi po, ano ba 'yun?"

"Kainis ka naman sinta ko, it took me all night para mabuo 'yun pero hindi mo naman pala narinig. I told you to turn your radio on." Bakas sa boses nito ang inis. Napangiti na lamang ako. Ayaw ko lang lalo tumaas ang ego niya pag sinabi kong narinig ko ang tulang inihanda niya. Ilang line lang ba 'yun? Anim? Pero it took him all night daw para mabuo. Jusko naman Irog ko.

✔Till We Meet Again [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن