Three

13.4K 170 1
                                    

REAGAN's POV

Umuwi muna ako sa bahay namin ni Peter at doon ko binuhos ang lahat. Nakita ko ang sarili kong reflection sa glass door ng veranda ng kwarto ko.

Magkahiwalay kami ng kwarto ni Peter at noon ay hindi ko alam kung bakit ayaw nya akong tabihan. Ngayon malinaw na sakin ang lahat. Kaya pala ayaw n'ya akong tabihan ay dahil may iba sya.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ng at dinial ang number ng Attorney ko.

"Hello?
(Mrs. Garson napatawag ka?)"

Napahikbi ako ng marinig ko ang salitang "Mrs. Garson" mula sa kanya.

"(Hoy, Reagan ayos ka lang ba?)"

Bukod sa pagiging attorney nya ay s'ya lang ang nag-iisa kong kaibigan.

"Celina? Pwede mo ba akong puntahan? *sniff*
( Yeah, sure hintayin mo ko.)
Salamat!"

Binaba ko na ang tawag at sumubsob sa kama ko. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na si Celina. Bumaba kami sa salas at doon nag-usap.

"Hey, Reagan, what happened?" Sabi nya at niyakap ako

"I-I caught h-him!"
"What?"
"May i-iba syang babae!"
"WHATTT? HE CHEATED?"

Humiwalay sya sa yakap at naghilot ng sentido nya. Pinsan ko s'ya at matalik na kaibagan ng kuya niya si Petter, kaya mukhang hindi din sya makapaniwala.

"Celina! A-Ang sakit. Binahay p-pa nya yung babae at doon pa s-sila nakatira sa loob ng village ko!" Pinaupo nya ako at hinawakan ang kamay ko.

"Tell me, Reagan. Would you like to sue him or just file an annulment papers?" Napatigil ako sandali sa sinabi nya. Annulment?

"Hindi! Hindi nya ko hihiwalayan!"

Napatingin kami sa may pinto. Nakatayo doon si Peter at puro paso pa din. Mukhang nag-pumilit syang umalis kasi ang sabi ng doctor sakin bukas pa daw sya pwedeng umalis. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

Naramdaman ko na lang na tumayo si Celina at malakas na sampal ang nagpalingon sakin kay Peter.

"Hayop ka, Kuya Peter. Pinagkatiwala namin sayo si Reagan tapos ito?"
"Celina tama na!" Awat ko sa kanya."Umalis ka na lang dito Peter. Ayaw na muna kitang makita."
"Reagan mag-usap tayo!" Sabi ni Peter.Tumayo ako at pumunta sa hagdanan pataas

"S-Sa korte na lang tayo mag-usap!"

PETER's POV

Pagkaalis ni Reagan sa hospital ay hindi rin ako nagtagal doon. Kailangan ko syang kausapin kaya tumakas ako sa hospital.Pag-uwi ko ay kausap na pala nya ang pinsan nyang abogado. Napalunok ako. Hindi kaya makikipaghiwalay na sya sakin?

"Reagan mag-usap tayo!" Malumanay na sabi ko

"S-Sa korte na lang tayo mag-usap!" Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Dali-dali akong lumapit sa kanya at niyakap sya mula sa likod.

"No! Please Reagan! Pag-usapan natin toh. Wag mo kong hiwalayan!" Nagmamakaawang sabi ko.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ayaw kong makipaghiwalay sa kanya.

"B-Bitawan mo ko Peter please!" Umiiyak na sabi nya. I know I hurt her too much but why not asking for forgiveness and second chace is too hard to do?

"Please mag-usap muna tayo!" Sabi ko

"S-Sige mag-usap tayo!"

Nagulat ako ng sumigaw sya at itulak ako.

"Sino yung babaeng nakatira sa bahay na yun ha?"
"Binahay mo ang kabit mo Kuya Peter?" Napayuko ako. Hindi ko kabit si Hannah. Kung tutuusin parang si Reagan nga ang kabit ko.

"Sumagot ka, Peter!" Umiiyak na sagot nya

"Hindi ko sya kabit Reagan!" 
"What? Are you kidding me?"
"Hindi ko sya kabit dahil asawa ko sya!"

Narinig ko ang pagsinhap nila.

"I-I can't believe this!" Nahihirapang sabi ni Reagan at napaupo sa hagdan.

"Anong sinasabi mo Kuya. Paanong..kasal kayo ni Reagan for Pete's sake." Nakita ko naman ang patuloy na pag-iyak ni Reagan.

"Mag-usap kayong dalawa Kuya. Magkalinawan kayo. At kung hindi ako mismo ang magpa-file ng kaso sayo at sa babae mo!" Sabi ni Celina at tumakbo palabas.

Lalapitan ko sana si Reagan nang bigla nya akong sigawan.

"Wag mo kong lalapitan!"

Pumunta akong kusina para ikuha sya ng tubig.Pag balik ko ay nakarinig ako ng kakaibang ingay. Parang may nag-aaway.

Nakita kong nasa ilalim si Reagan at sinasabubutan ni... Hannah? Nilapitan ko sya at hinablot papalayo kay Reagan. Paano niya nalaman ang bahay na to?

"R-Regan?" 

"Ano, Peter masaya ka na? Ha? Masaya ka na na nasasaktan ako? Masaya ka na nalaman ko na ang lalaking pinakasalan ko, may asawa na din palang iba ha!"Nanginginig na sigaw nya.

"Kelan mo pa ako niloloko? Kelan pa ako naging kabit ha?" Napayuko na lang. Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin nya. Napakaduwag ko.

"Napakawalang hiya mo!" Huling sabi nya bago sya umiiyak na umalis. Pero bago iyon may sinabi sya na talagang nagpatulo ng luha ko.

"AYOKO NG MAKITA ANG PAGMUMUKHA NYONG DALAWA. NGAYON DIN AY MAGPA-FILE AKO NG ANNULMENT PAPERS AT MGA PAPELES NA BINABAWI KO NA ANG MGA BINIGAY KO SA YONG MANLOLOKO KA!" Sigaw nya at patakbong umalis.

My Wife is My Mistress (PUBLISHED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora