Chapter 18 - Stairs

3K 94 8
                                    

Dedicated to: one of my best gals in BROFIST, Sharade (sharadesteff)

***


CHAPTER 18 - STAIRS

CHAIIRA'S POV


"CHAIIRA!"


Mabagal kong binuksan ang mata ko. Medyo ayaw pa nila bumukas dahil dikit na dikit pa, kaya kinusot ko ang mga ito. 


"Ano ba? Pumasok ka na naman sa kwarto ko nang hindi kumakatok," mabagal at antok pa na sabi ko. Nanatili pa rin akong nakaupo kasi tinatamad pa akong gumalaw at pagod na pagod ako dahil sa workout namin tapos practice para sa grandball. 


Malapit na rin nga pala ang granball. Limang araw na lang, and it's d-day. 


"Anong oras na?! We're gonna get late if you don't start moving now!" Rinig na rinig ko ang bunganga ni Ate Clarisse dahil sa ang lapit niya.


Nakita ko siyang nakapameywang, nakaayos na at mukhang tapos na siya sa lahat. Masama ang tingin niya at nakakunot pa ang noo. 


Ano bang problema niya't ang aga-aga, e. 


Tinignan ko ang side table ko para makita na rin ang oras. Nanlaki ang mata ko at agad na napabalikwas nang makita ko 'yon. 


"Jusko, eh ba't 'di mo 'ko ginising?!" Sigaw ko nang makapasok na ako sa loob ng CR sa kwarto ko. 


"Ano bang ginagawa ko rito sa kwarto mo ngayon?! Do it quickly! May quiz tayo sa first class, ano ka ba?!" Rinig kong sigaw niya mula sa labas. 


Binilisan ko na agad at ginawa ang mga kailangan kong gawin. 


Mga ilang minuto bago magstart ang klase ay nakarating naman kami kaya sobrang big sigh of relief ang ni-release ko. Kaso, 'di rin ako nakapag-aral masyado kagabi dahil iniisip ko kung paano ako makakatulong kay Mama through cooking. Although may mga naaalala pa naman ako sa mga ni-lesson ng professor namin pero 'di pa rin ako sure sa iba, lalo na sa hindi ako familiar. 


Pagkatapos ng quiz sa klase ay maaga nag-dismiss ang professor namin. 


Pagkaalis na pagkaalis niya ay napaubob na lang ako sa desk ng upuan ko. Napagod ako kakaisip talaga kagabi saka todo research din ako sa kung anong pwedeng gawin at para maging successful ang gano'ng business. 

Mr. Sungit and Me (REVISING//EDITING)Where stories live. Discover now