Chapter 18 - Stairs

Start from the beginning
                                    


Hinampas hampas ko ang ulo ko habang nakaubob. Natatakpan ng buhok ang mukha ko kaya mukha akong baliw na kung anu-anong ginagawa sa upuan ko. 


"What are you doing, Chaii?" 


I looked up when I heard a familiar voice. It was Ice. He stood there with a smile on his face. Kumakain siya ng french fries na pinadeliver niya ata from McDo para kumain sa backrow ng klase. Grabe, kumakain sila ta's 'di nila ako binibigyan. Hmph. 


Inilahad niya sa akin ang french fries niya na para bang inaaya akong kumuha ng french fries.


"Nah, I'm good," sagot ko, though I think I badly need one. Isa sa mga junk food na gusto ko talaga is french fries at isa sa go-to food ko kapag malungkot ako. 


"You sure?"


Tumango ako bilang sagot at bumalik sa pagkakaubob. Naramdaman kong umupo siya sa ibabaw ng desk ko.


"So, what are you thinking about?"


Nanahimik muna ako. Sinusubukan kong isipin kung maganda ba na i-kwento ko kay Ice ang problema ko o hindi. Ipinikit ko ang mata ko at inangat muli ang ulo ko para tignan siya. Kaso, 'di ko inaasahan na ang lapit pala ng ulo niya, so muntik na magtama yung labi namin sa isa't isa. Napaatras ako ng onti dahil do'n at napalunok ng laway.


I mumbled a sorry. Tumango siya at medyo umiwas ng tingin. 


Ang awkward naman no'n!


Nanahimik kaming dalawa for a minute or two - hindi ko alam. Ang awkward naman kasi talaga no'n. Pa'no kung hindi ako nakaiwas? Baka nakuha niya na ang first kiss ko. 


To break the ice between us, nagsalita ako. 


"Uhm, what do you think about me starting a business?" Napalingon siya sa akin dahil sa tinanong ko na 'yon. "I mean, a restaurant, to be exact," tuloy ko. 


"You're planning to?" Takang tanong niya. Medyo hindi ko ma-gets 'yong hitsura niya, so mukhang 'di na ako sure kung gusto ko pang ituloy 'tong pina-plano kong restaurant business. I mean, this is one thing I'm good at. Why not make money over it? Hindi ba magandang desisyon 'yon?


"I mean, if I'm skilled at that, why not, 'di ba?" Unsure na sagot ko sa kanya. 

Mr. Sungit and Me (REVISING//EDITING)Where stories live. Discover now