Moon*

10 0 0
                                    

CHAPTER9

*****

*Sa school*

"Gutom na ko.." reklamo ni Teki habang hinihimas himas pa ang tiyan nya. Ako naman ay nakayuko sa desk ko. Pinipilit makatulog.

"Hayy.. Nanunuyo na ang utak ko."-si Alexis. Minamassage pa ang sentido. Akala naman neto may matutuyo pa sa utak nya. Haha. Rude.

"Gusto ko ng umuwi at maglaro ng computer games.." si Rafa.

Halos lahat din ng classmates ko nagrereklamo. Exams week pa naman. Finals na namin. Kelangan pumasok at magreview last days.

Kahit naman na ganito kami, ayaw din naming bumagsak at maging repeater. One week lang naman daw ito. Pagtyagaan nalang. Malapit na din naman ang summer break..

"Buti pa yung iba dyan.. Petiks petiks na lang.." nagpaparinig pa si Teki. Hindi naman sa pagbubuhat na sariling bangko, sa aming apat, ako yung genius. >;)

"Aral aral din kasi pag may time." sabi ko.

" Moon.. ", inangat ko ulo para tignan kung sinong babaeng tumawag sakin. Napataas na lang kilay ko. Si Wynona. Classmate ko. Panget. Hindi ako interesdo pang tignan sya. Kaya yumuko uli ako. "Sagot ka naman sa Slum book ko.." kinikilig pa na sabi nya.

Uso pa ba yun! Eh pang elementary lang yan ah!

Imbis na kausapin sya, nilagay ko na lang earphones ko. Para malaman nya na hindi ako interesado sa sinasabi nya.

"Amp. Hoy Moon.. Kausapin mo naman ako." Niyuyugyog pa ang balikat ko. Aba kung makahawak! Feeling close! "Hmp! sungit talaga nito.."

"Hoy Wynona! Hindi namamansin ng pangit yan kaya wag mo ng pangarapin na kakausapin ka nyan!Haha" si Teki.

"Oo nga. Chick boy nga yan. Pero choosy din yan!" --Alexis.

"Tsupi na!"- si Rafa. Dagdag pa nito. Buti may tropa kang mga sira. Sila yung mga nagiging "Anti repellant" sa mga taong ayaw mo.

"Ang yayabang nyo talaga!! Walang wala naman kayo kay Moon!!!" aba lumalaban pa si Wynona.

"Oh tapos? Ang ingay mo alam mo ba yun! Hindi ba obvious na ayaw kitang kausapin!" natulala na lang sya nung sinigawan at sinungitan ko sya. Kilala naman ako na chick boy, masungit pa din ang datingan ko.

Halos mamasa masa na mga mata. Iiyak pa ata dahil sa ginawa ko pagtataas ng boses sa kanya. Chic boy nga ko pero hindi ako nagpapaiyak nga mga babae! Hindi ko gawain yun!

"Hayy.. Akin na nga yan!", kinuha ko na lang yung pinasasagutan nya sakin. Baka ngumawa pa.

"Yey! Kunin ko mamaya yan sayo ha?", Ngumiti naman ito. Kilig na kilig naman na bumalik sa upuan nya..

"Ano ba naman yan Moon!?!! Pinatulan mo pa yun!"-si Rafa.

" Hayaan nyo na. Parang yan lang. Saka para tigilan na din ako sa pangungulit.."- ako.

"Sus! Ang sabihin mo, malabot lang yang puso mo sa mga babaeng umiiyak.." si Teki.

"Tss.. Ano naman?!!", inis na sabi ko. Nakadagdag inis pa yung mga nakalagay sa slam book. Ang corny talaga neto!

"Wag mo na ngang ngang asarin si Moon.. Mamaya majombag ka pa nyan. Magaya ka kay Kurt--"., tuloy tuloy na sabi ni Rafa na kinahinto ng pagbabasa ko sa slum book. Pinaalala na naman kasi yung ginawa kong katarantaduhan.

"Shhh ! Kahit kelan ang daldal mo Rafa e!" saway ni Alexis.

Nanahimik na lang ang mga ito.

3 weeks mula nung mangyari yun.. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa nakakausap sila Jenna at Kurt dahil sa nangyari. Hindi pa ko nagsosorry sa kanila..

Hay! Pagkatapos talaga ng exams week, pupuntahan ko talaga sila.

Finocus ko na lang sarili ko sa ginagawa ko.. Ano ba yan! Hindi rin pala ako makakapag focus neto, kung anu anong kakornihan ang nakalagay dito sa slumbook! Pinatulan ko pa kasi! Tss. Ayun, kung anu ano nalang kalokohan ang sinagot ko. Bwahaha.

"Huy, si Santella oh!" sabay turo ni Rafa. Patay na patay talaga ito dun! Nakita ko sya sa my bintana ng room, papalakad lang sya sa hallway. Baka sa canteen na naman yung punta.

"Eh kung sya nalang ipalit mo kay Jenna??" si Teki. Maka suggest naman to, akala mo naman nakapag move on na ko agad. Oo. Mahal ko pa din sya. Hindi pa din ako maka pag move on. Pero kelangan. Hindi naman kasi ganun kadali yun di ba?

"Teki.. Tigil tigilan mo na nga si Moon sa mga suggestion mo..", si Alexis.

"Maganda naman si Santella. Mas maganda pa nga kay Jenna eh.. Parang tibo nga lang.", si Teki.

"Sabagay.." Mokong talaga tong si Alexis. Umayon pa kay Teki.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumakad papalabas.

"Hoy Moon! Saan ka naman pupunta?!!", sigaw ni Rafa.

"Sa labas. Magpapahangin. Nakakairita na mga pinagsasabinyo eh!"

"Hoy! Ang dami ng hangin mo sa utak baka masobrahan ka!hahaha". si Teki. Sabay tawanan nung tatlong ugok kong mga kaibigan.

Bago lumabas, kinuha ko yung basahan na ginagamit bilang eraser.(Public lang kami kaya wag magtaka kung basahan ginagamit namin.) Punong puno yun ng white chalk, kagagamit lang din ang mga iyon.

Habang busy sa kakatawa, pinagbababato ko ang eraser sa kanila! Sapul silang tatlo eh! Bago pa makareact yung tatlong kumag, o baka gumanti pa, tumakbo na ko papalabas!

*****

Oh tapos? (Moon's story) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon