CHAPTER7

****

"Pre, tama na yan.. lasing ka na naman.. Ilang araw ka ng ganyan.." pag aawat ni Rafa sakin. Habang ako, eto.. Sige pa din ang inom dahil sa nangyari.

"Hindeh ako lasheng.. *hik!* Nakainom lahhng.. *hik*..". tas nilaklak ko yung alak na iniinom ko. Grabe ilang araw na ko nagpapakalunod sa alak, hindi pa din nalulunod ang sakit.

"Akin na nga yan Moon!" inagaw ni Alexis ang iniinom ko.

"Anu ba! *hik*. Wag mo nga ko pakialaman!! shit!*hik*",-ako.

"Okey lang naman kasi samin na uminom ka. Kaya lang, sobra na! Ilang araw ka ng ganyan!! Napapabayaan mo na ang sarili mo at pag-aaral mo!!!", galit na sabi ni Alexis. Malamang asar na din to sakin. Ilang araw ba naman ako kinunsinte na ganto. Nanawa na ata.

"Waw fre,*hik*.. nag salita ang magahleng.." I smirked. "Hah! Akala moh kung ssino magahleng.. Tarantadoh din naman.."

"ABAT GAG--!!!" sinunggaban ni Alexis ang damit ko at aakmang susuntukin ako. Nagtitigan lang kami. Naghahamon. Nagpapakiramdaman.

"SIGE ITULOY MO--!!!" medyo hilo ako ng hinahamon ko sya.

Inawat naman kami nila Rafa at Teki. Alam din nilang itutuloy yun ni Alexis.

"Tsk. Duwag.",sabay inom. Syempre lasing kaya kung anu ano na ang pinagsasabi ko.

"Tumigil ka na nga Moon!", si Teki halatang galit na din.

"Hay.. Moon. Walang mangyayari sayo nyan." si Rafa.

" Mag move on ka na kasi! Marami dyang iba eh." si Teki.

Kahit anong sabihin nila. Hindi ako nakikinig. Hindi naman kasi ganun kadali ang pinagsasabi nila! Minahal ko yung tao eh! Ang hirap kayang mag move on!

"Pabayaan nyo na nga lang yan! Wala naman syang ibang pakikinggan eh. Tss.", si Alexis. Aburido pa din.

"Hirap talaga pag nagmahal.." si Rafa.

Tumabi sakin si Teki at tinapik tapik ang balikat ko.. "Alam mo Moon, pagnagmamahal ka, dapat mahal lang eh. Wag mahal na mahal.. Para pagnasaktan ka, masakit lang. Hindi masakit na masakit.." Whoa. Brainstorm.

"Hindi naman kasi magkakaganyan yan kung hindi sya niloko at pinalitan eh.. Sino ba yun? Kurt ba yun??". -Rafa.

"Oy Rafa, kahit kelan talaga ang daldal mo eh". si Alexis.

Niloko. Iniwan. Tss. Hindi talaga dapat nangyari ito dahil sa isang tao..

Tumayo ako. Kinuha ko ang bag ko at aalis na sa bahay nila Teki.

"Hoy san ka pupunta? Kaya mo na bang umuwi?", si Teki.

"Kaya ko pahh ang sarili ko." ngumiti pa ko. "Saka hindi pa kohh uuweh.." May plano pa ko.. Sa isip isip ko. At umalis na ko.

"Shit naman. Hindi maganda 'to." si Rafa.

Basang basa talaga ako ng mga ito.

"Sundan natin.. Mukang may masama syang binabalak." si Alexis.

"Tara na.!" si Teki. Mukhang excited pa.

----

*Labas ng school nila Jenna*

Naghintay ako sa labas ng gate ng campus nila Jenna. Ang tagal naman. Tss.

Mga ilang minuto .. Ayun. Uwian na. Nag aabang abang pa din ako. Nagtanong tanong na din. Naninigurado.

Hinihintay ko si Kurt. Ang lalaking umagaw lang naman at pinagpalit sakin ni Jenna.

Oo. May masama nga kong balak sa kanya. Gaganti lang ako..

Nakita si Jenna papalabas na ng school nila. May lalaking nakasunod sa kanya. Si Kurt yun. Nakita ko na din ang itsura nya sa fb nung nakita ko yung in relationship sya kay Jenna.

Inihatid nito si Jenna sa sasakyan nila, this time yung driver ni Jenna ang nagsundo sa kanya.

Dumilim ang paningin ko. Tumiim ang kamao ko sa galit. Nakita ko kasing naghalikan sila!

Mga walang h*ya!!! Matapos ang lahat ng ginawa nila sakin, eto sila at naglalampungan! Hindi ako makakapayag na maging masaya sila!!!

Umalis na si Jenna. Paalis na din si Kurt naglalakad. Sinundan ko nga.

Habang sinusundan syang nalalakad, may nakita akong eskinita. Alam kong walang tao dun. Madalas akong naglalakad dun papuntang mall.

Agad ko syang hinatak dun at kinaladkad. Kanina pa ko nagtitmpi.

"Hoy!!! Bitiwan mo nga ko?!! Sino ka ba?!!", pumapalagpag pa habang hatak ko ang suot nyang uniform.

Dinala ko sya sa eskinita. Agad ko syang sinuntok!

*****

Sorry kung medyo slow ng story.ü-yang

Oh tapos? (Moon's story) ON HOLDBasahin ang storyang ito ng LIBRE!