Painful Revelation

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sigurado iyon but I'm pretty sure they are looking in the wrong place, pero maari bang huwag na muna nating alalahanin iyon, we need this, we need to relax." nakangiti nitong sinabi sa akin.

"I know but......." may sasabihin pa sana ako ngunit naputol iyon nang bigla nitong hinalikan ang nabibigla kong bibig.

"You saying?" he said in between kisses.

"Iyon nga...." ngunit naputol ulit iyon nang mas naging mapusok ang mga labi nito hanggang tuluyan ko nang makalimutan ang sasabihin ko pati na din na nakasakay lang kami sa taxi at nakikita kami nang Taxi driver habang naghahalikan kami, napapailing na lang ito at nagtuon na lang nang atensyon niya sa pagmamaneho.

Hindi naman nagtagal ang biyahe namin at wala naman kaming ginawang labag sa batas habang sakay nang taxi, pinadala na lang namin sa attendant ang mga bagahe namin at dumiretso na kami sa pinakamahal na kuwarto na inooffer ng resort, maganda ang loob ng kuwartong iyon, kulay bughaw ang pintura, may isang king size bed sa gitna, maliit na fridge, thirty six inch na tv, nakaharap ito sa bandang silangan kung saan naman makikita ang ganda nang lawa kung saan nakatayo ang lugar kung saan puwedeng magbungee jumping.

Mag-aalas sais pa lang nang umaga at nakikita ko na ang pagsikat nang araw kaya naman inaya ko si LC na maglakad lakad malapit sa lawa.

Sobrang payapa nang paligid, hindi pa naman kasi pick season kaya hindi pa gaanong karami ang tao, ang sarap sa pakiramdam nang hangin na nagmumula sa lawa, ang sarap nang ganito, maglakad habang hawak hawak nang taong mahal mo ang kamay mo.

We decided to go to the restaurant to eat our breakfast nang tuluyan nang lumabas si haring araw sa kalangitan.

Marami namang variety nang pagkain ang nakahanda para sa mga guest may mga american breakfast meal hind katulad nang pancakes, sausages at kung anu ano pa pero mas pinili kong subukan ang pagkain Malay.

"Hi what's this?" tanong ko habang nakaturo sa isang food na nakabalot sa banana leaves.

"That's what we call Nasi Lemak sir, it's a Malay food it's rice that cooked in coconut milk, it have fried anchovies, sliced cucumber, hard boiled egg and a slightly sweet spicy sauce called sambal." paliwanag nito sa akin at nagdecide akong subukan iyon, kumuha din ako nang nalaman kong Roti Canai na flat bread paalis na sana ako nang sabihin sa akin nang attendant na kung kakainin ko daw ang Roti Canai ay mas mabuting partneran ko iyon nang Teh Tarik na famous tea naman sa Malaysia, nagkibit balikat naman ako at nagustuhan ko naman ang lasa nang mga kinuha ko, kung ako sinubukan ko ang pagkain Malay ay si LC naman ay nakuntento na sa American breakfast na pinagkibit balikat ko na lamang.

Matapos naming magbreakfast ay nagpahinga lang kami sandali habang nanonood nang movie sa kuwarto.

I don't what gotten into me kung bakit ko natanong pero basta na lang lumabas sa bibig ko. "LC do you love me?" tanong ko dito out of nowhere.

"Of course I love you Raven, more than my life." he said sincerely and I should stop right pero hindi ko alam pero nagtanong na naman ako dito.

"Minsan ba parang tinabangan ka na sa akin, I know sobrang tagal na natin simula college pa imposible naman na hindi man lang nabawasan ang pagmamahal mo sa akin?" I asked and saw something in his eyes na agad din naman nawala kaya inisip ko na lang na guni guni ko lang ang bagay na iyon.

"Ano ba naman kung ano-anong pinag-iisip mo of course not." natatawang sinabi nito sabay hatak sa akin patayo para daw masimulan na namin ang mga activities sa resort.

Dahil nakapagpahinga na din naman ay agad kaming nagsimula, gusto ko sanang subukan agad ang bungee jumping kaso masyado daw maaga kung gagawin namin iyon kaya naman nagpasya na kaming ipahuli na lang kaya imbes na gawin iyon ay naisipan naming mag swimming na lang sa lawa at sobrang sarap magswimming, napakalinaw nang tubig na makikita mo ang mga maliliit na isdang malayang naglalanguyan sa ilalim nang tubig, sobrang payapa nang kapaligiran at tangin mga mahihinang tunog mula sa kuliglig ang maririnig sa paligid, mga maghahapon na nang nagdecide kaming umahon na para makapagdinner na din masyado kasi naming naenjoy ang paglangoy sa lawa na iyon.

Scared To Death (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon