My Innocent Maid XLVIII

Start from the beginning
                                    

Hindi lang siya maganda kung hindi ay napakaganda. Malungkot itong nakatingin sa aking mga mata habang naglalakad. Humihingi ito nang tawad sa paraan ng pagtingin nito sa akin. Tumitig lang ako sa kanya at ngumiti. Nagtataka naman itong nakatitig sa akin at hindi inalis ang pagkakatingin sa aking mata.

Pagdating nila sa aming harapan ay nakangiti sila sa amin. Nang iaabot na sana ng mga magulang ni Beatrice ang kamay nito ay nagsalita ako.

"I'm sorry but I just can't marry your daughter, Sir." hingi ko nang paumanhin sa harap nila. Nang tumingin ako sa mukha ni Mr Santillan ay makikita mo ang sobrang galit sa kanyang mga mata.

"How dare you do this to us!" seryosong saad nito sa akin at dinuro pa ako. Hinayaan ko lang siya at sinagot ito.

"Alam ko na alam niyo rin na hindi dapat ako ang nakatayo at tumatanggap ng kamay ng inyong anak, Mr Santillan." seryoso ding sabi ko at tumingin nang matiim dito bago tumingin kay Beatrice na naguguluhan sa mga nangyayari. Simula kasi nang ikulong siya sa bahay nila ay hindi ko na siya nakausap pang muli.

"Theo! Anong ginagawa ng anak mo! Tumupad ka sa napagkasunduan!" sigaw na nito kay Dad pero nakatayo lang si Dad at nakapamulsa lamang.

"Malaki na ang anak ko at alam na niya ang ginagawa niya. Kung ano man ang desisyon niya ay susuportahan ko siya. Kung naisipan niyang hindi ituloy ang kasal ay nasa tabi niya lang kami at hindi namin siya pipilitin gaya nang ginagawa mo." kibit balikat na sabi ni Dad. Nang tumingin ako sa kanya ay nginitian niya lang ako at tinapik ang aking balikat.

"I will sue you, Theo! Wala kang karapatang ipahiya kami sa maraming tao!" sigaw ulit nito. Nagtataka na din ang mga bisita sa sigaw ni Mr Santillan.

"Hindi mangyayari 'yan, Mr Santillan. Dahil kumonsulta ako sa abogado namin at hindi valid ang kasunduan niyo dahil lasing si Dad nang pumirma siya. Kaya wala kang maisasampa na kaso kay Dad." seryoso pa ding sabi ko dito na ikinatahimik niya. Humarap ako kay Beatrice at tinanong ito.

"Do you want this wedding to continue, Beatrice?" tanong ko dito na inilingan niya. "See, Mr Santillan? Ayaw din nang anak niyo ang kasalang pinipilit niyo."

"The wedding must continue dahil ginastusan na namin ang lahat! Itutuloy niyo ang kasal o magkakagulo tayo dito!" pagbabanta nito sa akin na ikinatingin ko kay Beatrice.

"Do you want this to happen with the one you love, Beatrice?" tanong ko na ikinamulagat nito at napatango agad  sa harap ko bago nagsalita.

"Yes, if only he was here." nakangiti nang sambit nito.

"What are you talking about, Beatrice! That bastard didn't have the right to be part of our family! Isa lang siyang hampas lupa at hindi ka niya kayang buhayin!" bago pa makapagsalita si Beatrice ay inunahan ko na ito.

"He can," seryosong saad ko. "I invested in him at sisiguraduhin ko sayo na magtatagumpay siya. Gagawin ko ang lahat para magtagumpay siya at ipapamukha ko sa'yo ang pang-iinsultong ginagawa mo sa kanya." madiin at puno nang kumpiyansang sambit ko dito.

"This fucking wedding is off! Let's go, Beatrice!" sigaw nito at hihilahin sana si Beatrice nang tinawag ko taong hindi niya inaasahan.

"Samuel! Pwede ka nang lumabas." malakas na sabi ko at tumingin sa may altar. Nang lumabas ito mula sa pi tuan sa gilid ng altar ay tinignan ko si Beatrice. Gulat ito at naluluhang nakatingin sa boyfriend nitong nakatuxedo ng puti na nakaterno sa gown niya. Nagtatanong na tumingin sa akin si Beatrice kaya nginitian ko siya.

"Nasa sa'yo na ang desisyon ngayon,  Beatrice. Andito na tayo sa harap ng altar. Ang mga magulang ko ang tatayong magulang ni Samuel dahil sa ulila na nga ito. Ikaw ang magdesisyon para sa sarili mo at huwag mong hayaang diktahan ka nang kung sino man. Sundin mo ang puso mo." hinawakan ko ang kamay nito at pinisil.

"Huwag na huwag mo akong susuwayin, Beatrice! Tara na!" sigaw ni Mr Santillan at hinila na ang braso ni Beatrice. Nagulat ang huli nang pumalag ito at humarap sa kaniya.

"Alam ko po na kapakanan ko lamang ang nais niyo, Daddy. Wala akong pakialam kung gumapang man ako sa hirap. Dahil sa totoo lang Daddy ay sawa na ako sa buhay prinsesang nakasanayan ko. Wala na akong pakialam pa kung mayaman man siya o mahirap. Kahit itakwil niyo na ako bilang anak niyo ay tatanggapin ko." umiiyak nang sabi nito at inalis ang kamay ng Daddy niya sa kanyang braso. "I'm sorry Daddy pero gusto kong ituloy ang kasal kasama ni Samuel." sambit nito at naglakad palapit kay Samuel sa tabi namin at niyakap ito.

Tahimik lang si Samuel na yumakap ng mahigpit sa kasintahan nito. Pagkatapos niyang hagkan sa noo si Beatrice ay humarap ito kay Mr Santillan at niyakap si Beatrice sa kanan niyang bahagi.

"Alam ko po na wala po akong maipagmamalaki sa inyo sa ngayon. Pero sinisiguro ko po sa inyo na gagawin ko po ang lahat para hindi siya mahirapan. Hindi ko man maibigay ang karangyaang nakasanayan niya sa inyo ay susubukan ko pa ding gawin ito sa paraang kaya ko lamang. Mahal na mahal ko po siya at handa po akong gawin ang lahat." seryosong saad nito, nakita kong hindi nagsasalita si Mr Santillan at nakatingin lamang sa anak nitong hilam ang luhang nakayakap sa kanyang kasintahan.

"Pinapangako ko sa inyo, Mr Santillan na hindi sila maghihirap. Katulad nang sinabi ko sa inyo kanina ay nag-invest ako ng business kasama siya. Siya ang nagmamay-ari at tutulungan ko siyang palaguin ito. Sinisigurado ko sa inyo na magiging masaya sila." seryoso akong tumingin dito. "Hayaan niyo na silang ituloy ang kasal dahil nagmamahalan sila. Huwag niyong hadlangan ang kaligayahan ng inyong anak. Hayaan niyo siyang maging masaya sa piling ng taong magpapasaya at mag-aalaga sa kanyang ng buong puso." pagkukumbinsi ko dito.

Nakita ko na napayuko ito at nang humarap na ito sa amin ay hilam na ang kanyang mata ng luha habang naglakad palapit kina Beatrice.

"I'm sorry, Beatrice." umiiyak na hingi nito nang tawad sa anak at mahigpit na hinawakan ang kamay nito. "Patawarin mo ako sa mga ginawa ko sa'yo, Beatdice. Nagawa ko lang ang lahat dahil sa pagmamahal ko sa inyo ng Mommy mo. Ang gusto ko lang ay sa mabuti kang kamay mapadpad. Nagkamali ako sa nagawa ko at sana hindi pa huli ang lahat para patawarin mo ako." umiiyak na sabi nito at lumuhod sa harap nina Beatrice.

Umiiyak na pinatayo ni Beatrice ang Daddy nito at niyakap. "Naiintindihan ko po kayo, Daddy. Wala po kayong dapat ihingi nang tawad. Mahal na mahal ko po kayo ni Mommy. Sana po hayaan niyo na po akong magpakasal kay Samuel. Siya po ang nagpapasaya sa akin Daddy at mahal na mahal ko po siya gaya ng pagmamahal na mayroon ako para sa inyo." umiiyak na sabi nito at yumakap nang mahigpit sa Daddy niya. Nang tumango ang huli ay masaya itong kumalas.

"Ibibigay ko na sa inyo ang basbas ko, Beatrice. Hindi na ako hahadlang. Patawarin niyo akong dalawa at sa inyo din." sabi nito at tumingin sa amin nina Mom at Dad. Nginitian namin siya at nakipagkamay.

Pagkatapos nang nangyari ay lumabas nang muli si Beatrice at inumpisahang mulia ng paglalakad niya papunta sa altar. Ang kaibahan nga lang ay ang mahal na nito ang naghihintay sa kanya sa harap at hindi na ako.

Nakangiti akong nakatingin sa kanilang dalawa na magkaharap sa harap ng Pari at buong pusong nagtitigan sa mga mata. Bago ako tumalikod ay tumingin ako sa altar at nagpasalamat.

"Hintayin mo ako, Mahal ko. Parating na ako." nakangiting sambit ko at lumabas na ng simbahan at tumungo sa aking sasakyan

My Innocent Maid FOUR SISTERS SERIES I [PUBLISHED UNDER IMMAC PUBLISHING]Where stories live. Discover now