Chapter 10: Monkey Kid

221 6 0
                                    


Andrei's POV

*Knocking*

Nagising ako sa lakas ng katok sa pintuan. Kahit inaantok pa ay tumayo ako at binuksan ito. Bumungad sakin ang mukha ni Vince na malapad ang ngiti.

"Anong ginagawa mo dito? Natutulog pa ko oh. " napakamot ako sa ulo dahil sa pagkayamot.

"Natutulog? Alas kwatro na oh. Bakit parang puyat na puyat ka? Ano bang mangyari sa pagpunta mo kila Tobby? Magkwento ka naman. " hindi ko sya agad nasagot ng bumalik sakin ang mga ginawa ko kagabi.

Aaiiissstt. Napadabog na ko at bumalik sa kama. Pumasok si Vince at naupo sa gilid ng kama ko.

"Ano bang nangyayari sayo? Wag mong sabihing hindi ka nagsorry? Aba ang hirap kayang kunin ng address nun sa mga kaklase nya. " napatingin ako kay Vince.

"May ginawa kasi ako kagabi sa kanya. Sh*t hindi ko kasi napigilan. " tinakpan ko ng unan ang mukha ko. Nakakahiya talaga...

"Sinuntok mo ba? Anong ginawa mo? Baka balikan tayo ng kuya nun. Basta wala ako dyan ah. "

"Secret lang natin toh ah. " tumango tango si Vince. Kaya pinagpatuloy ko yung pagkukwento.

"Diba nag antay ako sa tapat ng bahay nila. May dala akong banner na may nakalagay na sorry. Kasi hindi ko kayang sabihin eh kaya sinulat ko na lang. Tapos pagdating ko doon naduwag naman akong pindutin yung doorbell. " nakikinig lang si Vince sakin.

"Kaya paikot ikot ako sa tapat ng gate nila. Nang bigla syang lumabas. So ayun na nga pinakita ko yung banner. Tapos sinabi nya na tama naman daw ako sa sinabi ko. Syempre pre naguilty talaga ako lalo ng malaman kong inisip nya talaga na tama yung mga sinabi ko. Gusto ko syang pahintuin sa pag blame ng sarili nya pero hindi ko alam kung paano. Kaya..... " napatigil ako at nakatitig sakin si Vince at inaantay ang sasabihin ko.

"So ano ginawa mo? "-Vince

"Hinalikan ko sya pre" nagkatitigan kami ng matagal. Napahawak ako sa labi ko. Damang dama ko yung lambot ng labi nya eh. Hanggang ngayon naaalala ko pa rin yung pakiramdam.

"G*go ka pre! Bakla ka ba? Bakit mo hinalikan? "

"Hindi ko alam pre? Kasi napressure na ko eh. Tsaka ang pink nung labi nya. Ano... Aaiissssttt!!! Hindi nga ako makatulog kagabi kakaisip eh. Bakla na ba ako sa tingin mo? " inakbayan ako ni Vince.

"Alam mo pre 2019 na. Hindi na issue ang pagiging bisexual. Tsaka kaibigan kita kaya tanggap kita kung ano ka man. Pero sakin ah? Hindi naman nakakabawas sa pagkalalaki kung magmahal ka ng bakla eh. Kasi love nga eh, hindi naman yun pinipili kusang dumadating. " napahilamos na ko sa mukha ko. Bakit feeling ko tama ang sinasabi ng unggoy na toh.

"Mahal mo ba? " biglang tanong ni Vince sakin.

"Hindi ko alam pre. Hindi pa naman ako nainlove dati. " napailing sya.

"Late bloomer ka talaga. Ito sagutin mo lahat ng tanong ko ah.  Lagi mo ba syang iniisip? Kung nasaan sya? Kung kumain na ba sya? " tumango ako.

"Bumibilis ba tibok ng puso mo kapag nakikita mo sya o sumasaya ka ba kapag kasama mo sya. "

"Oo" sagot ko.

"Nakakaramdam ka ba ng sobrang galit o selos kapag may kasama syang ibang lalaki maliban sayo? " hindi ako makatingin kay Vince pero tumango ako.

"Gusto mo ba syang alagaan at protektahan para hindi masaktan? " tumango ulit ako. Ngumiti lang sya at ginulo ang buhok ko.

"Mahal mo na nga yan pre. " sambit nya.

Mahal ko na nga ba talaga si Tobby?

"Kaya lang pre si Lance ang gusto nun eh. " nalungkot ako sa idea na yun.

"Ano ka ba? Wag kang susuko noh. Mag asawa nga naghihiwalay eh. Yun pang palagi syang sinasaktan? Pre, hindi ka ganyan. Wag kang magpapatalo sa gwapong mayaman na yun na may magandang kotse at malakas ang sex appeal.  Kahit na medyo pandak ka, wala masyadong itsura at walang pera. Wag kang mapaghihinaan ng loob. " g*go toh mas lumiit tuloy tingin ko sa sarili ko.

Pero sure na ba ako sa sarili ko na mahal ko talaga si Tobby o brotherly love lang tong nararamdaman ko?

~~~~~~~~~

Tobby's POV

"Saan ba tayo pupunta Lance? " mabuti na lang may practice si kuya Sven ng basketball ngayon kaya nasundo ako ni Lance sa tapat ng bahay.

"Samahan mo kong maggrocery" yun lang? Wala ba silang mga maid sa bahay nila?

"Wala ba kayong maid? " tanong ko.

"Wala. I live alone. " napatingin ako sa mukha nya. I don't even know na mag isa syang namumuhay. Hindi din kasi natuloy yung paglilinis ko sa Condo nya dahil doon sa away namin.

"Ganun siguro talaga yung buhay ng mga anak mayaman. Masyadong busy ang mga mgaulang nila sa mga businesses kaya they left their children behind. " napabuntong hininga si Vince. Makikita mo ang lungkot sa mga mata nya.

"It's for our future din naman. They want to give us a bright future. "

"Bright future but without love. " napuno ang loob ng kotse ng katahimikan. Mukhang may pinagdadaanan si Lance sa family nila. Dahil hindi naman ganyan ang parents namin. Ou palagi silang wala pero kapag special occasions they tried to visit us.

Hinawakan ko yung kamay nya. Kaya napalingon sya sakin.

Wala akong maisip na salita na magcocomfort sa kanya pero sana maramdaman nya na hindi sya nag iisa.

Sa unang pagkakataon ay ngumiti sakin si Lance.

Pagdating namin sa grocery ay ako ang nagtutulak ng cart habang si Lance ang kumukuha ng bibilhin. Nauna kaming pumunta sa mga gulay at prutas. Mapili sya sa pagkuha ng gulay at prutas. Talagang tinitignan nyang mabuti bago ilagay sa cart. 








Buhay ng PangetWhere stories live. Discover now