Chapter 4: Cruel Life

258 10 0
                                    

Andrei's POV

Dinala ko si Tobby sa clinic ng department nila. Hirap man syang dalhin doon ay hindi ko yun ininda. Buong lakas ko syang binuhat. Basang basa kami ng ulan, nagulat pa yung nurse ng makita nya kami.

"Nurse!!! Asan ang kapatid ko? Tobby De Leon. " dumating si Sven na basang basa din ng ulan. Tinawagan ko kasi sya ng  maipasok na si Tobby sa loob para gamutin. First timekong makapunta dito sa clinic nila at mas mukha syang maliit na ospital.

"Sven" tawag ko sa kanya kaya napatingin sya sakin.

"Ikaw yung captain ng soccer team diba? Ikaw ba yung tumawag sakin? Asan ang kapatid ko? " nag aalalang tanong ni Sven.

"Nasa loob na sya at ginagamot. Kaya lang wala pa rin syang malay. " napaupo si Sven at sinuklay ang buhok.

"Ano nangyari sa kanya? "

"Nakita ko na lang sya sa likod ng library na ganyan. " nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba kay Sven ang nangyayari sa kapatid nya. Pero wala naman kasi akong karapatan para sakin manggaling yun.

"Tobby what are you up too? Napapansin ko na palagi syang balisa at nagkukulong sa kwarto nya. " pagkukwento ni Sven.

"Mukhang kailangan mo syang kausapin. " napalingon kami ni Sven ng lumabas ang school nurse namin galing sa kinaroroonan ni Tobby.

"How's my brother? " salubong na tanong ni Sven sa nurse.

"Don't worry he is ok now. Marami syang natamong pasa. Mukhang ilang beses syang sinuntok at sinipa. You can see him now. " agad na pumasok si Sven sa room kaya sumunod na din ako.

Nandoon nakahiga ang walang malay na si Tobby. May mga bandages sa braso at ulo. 

"I think I should go. " nasiguro ko naman na maayos ang kalagayan ni Tobby tsaka mukhang may kailangan silang pag usapan.

"Thank you bro for saving my little brother. I owe you one. " tumango na lang ako at tumungo sa pinto. Pero bago umalis ay sinulyapan ko ang natutulog na si Tobby.

The next day....

"Ok class sa susunod nating meeting gagawa naman tayo ng essay tungkol sa pinaka nagbibigay inspirasyon sa inyo sa kahit anong bagay ok. Class dismissed." nag ayos na ko ng mga gamit ng akbayan ako ni Vince.

"Pre, tara libre mo ko ng snacks sa canteen kanina pa ko nagugutom eh. " nakahawak pa sya sa tiyan nya.

"Magtigil ka nga Vince wala akong pera. Tsaka pupunta ako ng M.I ngayon. " tumaas ang kilay nya at maya maya ay ngumiti ng nakakaloko.

"Babae ba yan? Aaasssuusss nagbibinata ka na ah?! Pero pre talagang taga Mcxwell International ah? Marami ngang magagandang chicks dun pero napaka high maintenance. Sigurado ka ba dyan? " tinulak ko sya palayo sakin kahit kailan talaga puro babae nasa isip nito.

"G*go! May dadalawin lang akong kaibigan. Tsaka hindi yun babae. " napahawak sa baba nya si Vince.

"Teka? Ito ba yung kaibigan mo-wait nakilala mong taga M.I na kapatid ni Sven De Leon? " tumango lang ako at isinabit ang bag ko sa balikat.

"Sama ako! Gusto ko ding makapunta sa department nila tapos doon mo ko libre ng pagkain. Tsaka gusto ko na din makilala yung kapatid ni Sven.  Nakaka intriga na kasi eh. " tumaas taas ang kilay ni Vince. Mausisa talaga ang lokong toh. Wala na kong nagawa at sumama na nga sya sakin. Hindi ko alam kung saang room nandoon si Tobby kaya pumunta na lang kami ng court para puntahan ang kuya nya.

"Hayyss ang init naman. Kanina pa tayo naglalakad dito hindi pa rin natin nakikita yung kaibigan mo. Nagugutom na ko oh. " pagmamaktol ni Vince pero hindi ko sya pinansin at pumasok ng court. Andoon nakita ko si Lance na nagpapractice.

"Woah? Mukhang naliligaw ka yata? " ani ni Lance ng makita kami.

"Sya ba yung kapatid ni De Leon? Eh si Dominguez yan eh. " pagtataka ni Vince.

"Andito ba si Sven? " pinilit kong pakalmahin ang sarili ko kahit gustong gusto ko na syang sapakin ngayon. Alam kong sya ang may gawa kay Tobby nun.

"Basketball court toh at hindi lost and found. " nagsmirk sya sakin.

"Ikaw ba? Ikaw ba yung bumugbog kay Tobby? "

"Are you accusing me? Baka ipakulong kita. " napansin ni Vince na nagkakainitan na kami kaya hinila nya ang braso ko.

"Pre tama na. Nasa teritoryo nila tayo. " ang sama na din kasi ng tingin ng ibang kateammate ni Lance.

"Makinig ka dyan sa kaibigan mo. Kung ayaw mong matulad kayong dalawa sa panget na yun. Tsskk low life creatures." hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinuntok si Lance sa mukha. Gumanti naman sya at nagsimula na nga ang rambulan. Tumulong na din ang mga kasama nya at binugbog si Vince. Nang makarinig kami ng whistle.

"Enough! " awat ng coach ng Phoenix.

"They are the one who started it coach. Mga taga Mcxwell Program dumayo pa dito para maghanap ng away. " sumbong nung isang member ng Phoenix.

"You too leave now. Ipapaalam ko toh sa head department nyo. " tssk wala na kaming nagawa ni Vince kundi umalis.

"You will pay for this you stupid squatters!" pagbabanta nya. Hinila na ko ni Vince na nakatamo din ng ilang suntok galing sa mga kateammate ni Lance kung hindi pa kami iniwat ng coach nila ay malamang nabugbog kami ng malala.

"Ano bang nangyayari sayo Andrei? Hindi ka naman war freak ah? Tignan mo mukhang isususpend tayo ng coach nila or worst dismissal. Tssskk bakit ka ba galit na galit sa hambog na yun?  Napahawak si Vince sa mukha nya at napa inda sa sakit ng mga pasa nya.

"Alam kong sya yung bumugbog sa kapatid ni Sven kagabi. " humarang si Vince sa harap ko at pinaka kita ang mukha nya na nagtataka.

"Sigurado ka ba na si Dominguez ang gumawa nun? Tsaka Andrei naman kailan ka pa nangielam sa buhay ng ibang tao? Tignan mo tayo ngayon napahamak dahil sa pakikielam mo. Ang gusto ko lang naman ay kumain huhuhu" napabuntong hininga na lang ako. Bakit nga ba masyado akong apektado sa nangyayari kay Tobby?

Aksidente ko lang naman syang nakilala at hindi kami magkaibigan.

Dumating ang second game ng Mcxwell kontra Kirksford. Maraming araw na hindi ko nakita si Tobby dahil naging busy na din ako sa pagpapractice. Sinunod ko din ang payo ni Vince na wag ng makielam sa problema ni Tobby. Dahil after ng away sa court ay pinagbawalan na kaming pumunta sa M.I kundi ay mauuwi ang pasya sa expaltion.

Nanalo naman ang team namin habang ang Phoenix ay natalo sa basketball game nila laban sa Kirksford. Malaking kahihiyan ang nangyari.

Ang balita nun hindi yung basketball team ng Kirksford ang lumaban sa Mcxwell kundi mga piling students na karamihan ay mga blue students sa kanila.

Dumaan ang semestral break na wala akong narinig na balita mula kay Tobby. Hanggang isang araw ay kumatok si Vince sa pinto ng apartment ko.

"ohh? Anong ginagawa mo dito? Nagliligpit na ko ng gamit kasi uuwi ako ng bahay. " mamaya magyaya pa tong gumala. Wala akong oras ngayon.

"Tangek! Ano kasi.... Teka lang ahh hahabulin ko muna yung hininga ko. " hingal na hingal yung loko.

"Ano ba yun Vince? " muli kong tanong.

"Nakikipag sapakan ngayon si Sven De Leon kay Dominguez. Nalaman daw na si Dominguez yung nambugbog doon sa kapatid nya. Tara bilis makichismis tayo. " agad akong sumama kay Vince pabalik ng Mcxwell. Pero hindi namin naabutan ang away nila. Si Tobby lang ang nakita ko na umiiyak sa gilid ng court.

"Tobby" tawag ko sa kanya. Lumingon naman sya sakin.

"Sinabi ko na kay kuya Andrei." niyakap ko sya at umiyak sa balikat ko.

👔👔👔👔👔👔👔

To be continued.

Buhay ng PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon