Chapter 7: Old Love

248 9 0
                                    


Andrei's POV

Pagkauwi sa apartment ko ay tinext ko agad si Tobby. Sobrang nag aalala ako sa kanya. Knowing na si Lance ang kasama nya kanina.

Pero hindi ko alam ang itetext sa kanya. Aarrggghhhh. Nagpaikot ikot ako sa tapat ng kama ko. Hayyss bahala na nga kakamustahin ko na lang sya.

[Andrei: Tobby, kamusta ka?]

Nag antay ako ng replay hanggang ilang minuto ay tumunog ang cellphone ko.

[Tobby: Ayos naman ako Andrei. Sorry pala kanina.]

Tssskk bakit ba sya ang humihingi ng tawad. Wala naman syang kasalanan.

[Andrei: Bakit ka nagsosorry? Sinaktan ka ba ni Lance? Handa akong makinig sayo Tobby. Andito lang ako palagi sa likod mo para tumulong. ]

*beeepp* agad kong kinuha ang phone ko at tinignan ang reply ni Tobby.

[Tobby: Wag kang mag alala sakin. Kakayanin ko toh. Tsaka Andrei wag mo sanang sabihin kay kuya toh ah. Ayoko na syang mag alala sakin, this time ako na ang gagawa ng paraan para masolusyonan toh. Goodnyt. ]

After ng text na yun ay hindi na nagreply si Tobby. Mukhang tama nga si Vince, dapat pagkatiwalaan ko si Tobby.  Tsaka problema nya toh, kailangang harapin nya pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mag alala.

Arrrgggghhhh Andrei ano ba nangyayari sayo!

Kinaumagahan ay tinext ko sya na magbreakfast kami ng sabay sa campus. Kaya lang wala akong reply na natanggap.  Hindi ko naman sya mapuntahan sa department nila dahil pinagbawalan na kami ng head office.

"Oh bakit nakabusangot ka dyan? Para kang binasted ng nililigawan mo ah. " hindi ko pinansin si Vince at isinandal ang ulo sa lamesa.

Hindi ako masyadong nakatulog kakaisip kay Tobby. Masyado na ba akong nangingielam sa buhay nya? Hindi naman ako ganito dati.

Bakit kasi hindi sya nagrereply sa mga text ko? Baka may nangyari na dun haistt!

Napasuklay na ko sa buhok ko, kakaisip kung ano na ba nangyayari sa kanya ngayon.

Sa sobra kong inis ay nasipa ko yung lamesa ng hindi namamalayan. Nagtinginan sakin yung mga kaklase ko.

"Wooiii! Para kang timang dyan ah" sinamaan ko ng tingin si Vince.

"Vince samahan mo ko sa Mcxwell International. " mukhang nagulat sya sa sinabi ko.

"Nasisiraan ka na ba ng ulo? Diba pinagbawalan na tayong pumunta dun? Aaiisst gusto mong puntahan si Tobby noh? Kumalma ka nga Andrei, kung palagi mong aalalayan si Tobby hindi sya matututo na harapin ang problema nya. Tsaka mukhang mas strong naman na sya ngayon. Kaya wag kang parang tangang boyfriend dyan na hindi mapakali. " himala bakit parang ang tinong kausap ngayon ni Vince? Weird.

"Nag aalala lang ako sa tao. Ayokong maulit sa kanya yung nangyari dati. "

"Kung hindi matahimik ang utak mo kakaisip sa kalagayan nya edi sabihin mo kay Sven na ginugulo na naman ni Lance yung kapatid nya. " suwestyon ni Vince. Kaya lang baka naman magalit si Tobby sakin.

"Sinabihan nya ko na wag ipaalam sa kuya nya. " sagot ko.

"Ganun naman pala eh. Ibig sabihin nun handa syang harapin toh mag isa. Kung sa kuya nga nya ayaw nyang humingi ng tulong satin pa kaya? Pabayaan mo muna sya.. Grabe ka kaprotective pre tssk tsssk. " -Vince

Napatingin na lang ako sa labas ng bintana ng room namin.

"Please be safe Tobby"

~~~~~~~~

Buhay ng PangetWhere stories live. Discover now