Chapter 15: Fall and Break

182 6 0
                                    


Tobby's POV

Araw ng lunes at araw din ng exams namin. Busy ang lahat para magreview at magsaulo ng mga sagot na possible na lumabas. Mukha namang magiging maayos ang araw na ito. Wala pa rin si Lance, palagi nya akong tinatawagan at kinukulit kaya nagbago na ko ng sim card. Habang si Andrei naman ay hindi din nagagawi sa Mcxwell International. Siguro busy na din sa aming pagsusulit. Mabuti ng ganito para makapag isip ako at maisort ang mga bagay bagay.

Tama si Mama, hahayaan ko ang puso ko na kumilala sa totoong love habang naka alalay ang utak ko. Ayoko ng magkamali ulit, ayoko ng masaktan.

Gusto ko naman munang magkaroon ng me time. Yung magkakaroon ako ng oras sa sarili ko.  Na makapag unwind at maenjoy ang highschool life. Napansin ko kasi lately parang umiikot na lang ang buhay ko kay Lance at palaging nadadamay si Andrei sa magulong ikot nito.

At sa nararamdaman nya sakin? Alam kong eventually mawawala din yun. Brotherly love lang din siguro yun tulad ng pagkecare sakin ni kuya Sven. Kasalanan ko din dahil palagi akong umaasa sa kanya. Kaya ngayon ako na lang ang haharap sa mga problema ko.

Pero paano kung totoo ngang mahal nya ako? Aiisstt imposible yun Tobby. Mas straight pa flagpole ng Mcxwell si Andrei. Confused lang sya at ayokong patulan ang pag ibig na hindi pa sigurado. Magfocus ka na nga lang sa pagrereview.

"Tobby may naghahanap sayo sa labas. " sambit ni Marlon na kaklase ko. Sa labas ay nakita ko si Dylan na nakasilip. Ano kaya kailangan nito sakin? Tumayo ako at pinuntahan sya. Nang makita nya ako ay bigla syang napangiti.

"Tobby sabay naman tayong maglunch mamaya. Sige na. Wala pa kasi akong kaibigan dito eh. Parang naiinis naman sakin ang mga kaklase ko. " bigla syang sumimangot.

"Sige pero paano mo naman nasabi na naiinis sayo yung mga kaklase mo? " pag uusisa ko. Hyper at energetic na tao si Dylan.

"Annoying daw ako? Hindi naman ako ganun Tobby diba? Kaya ginawa ko nilagyan ko ng mga bato yung mga bag nila haha. " hindi ko alam kung anong irereact ko sa sinabi nya. Paglalagay ng bato sa bag ng kaklase? So elementary tsaka alam ko sa mga public schools lang may mga nagaganap na ganun.

"Sige antayin mo na lang ako mamaya after ng exam ah. " nagulat ako ng akbayan nya ako.

"Yesss!!!! May bestfriend na ko sa school na toh woooohhhh! " napatingin samin ang mga kaklase kong nagrereview.

"Hehe sige na bumalik ka na sa klase mo.  " bumitaw ako sa pagkaka akbay nya at nagpaalam na din si Dylan.

"Diba yun yung transferee sa kabilang section? Parang unggoy ah? " nginitian ko na lang si Marlon at naupo na para ipagpatuloy ang pagrereview ko.

Ilang sandali lang ay dumating na homeroom teacher namin dala ang mga test papers. Hayysstt ito na yun Tobby. Focus lang at dapat maipasa ko lahat ng exams ko.

~~~~~~~~

Andrei's POV

"Haayyy salamat natapos na din ang exams natin. Tara kain muna tayo kanina pa ko nagugutom eh. " sambit ni Vince pagkalabas ng room namin.

"Mukhang masaya ka ah? Nadalian ka ba sa exams? " tanong ni Ace.

"Hahaha syempre hindi. Wala nga akong maisagot kanina eh. Kaya hinulaan ko na lang. Ang mahalaga naman ay ang character ng tao at hindi ang intellectual capacity haha. " para syang timang na proud na proud kaya napailing na lang si Ace.

"Ikaw Andrei? Bakit parang tahimik ka dyan? Aiii ou nga pala nabusted ka haha" inambahan ko sya ng suntok kaya napailag sya.

"Ito naman hindi na mabiro. Pero kamusta ka na? " napatingin din sakin si Ace. Nagtataka sa sinasabi ni Vince sa harap namin.

"May nililigawan ka pala Andrei? Sino? " pag uusisa ng isa.

"Parang hindi naman yun pangliligaw haha. Ang malala nabusted sya ng ba-" tinakpan ko ang bibig ni Vince. Kahit kailan talaga ang bibig nito walang preno.

"Sige na guys aalis na muna ako. " napatingin si Ace kay Vince pero nagkibitbalikat lang ito.

Dumiretso ako papuntang canteen para bumili ng makakain ng sakto ay matanaw ko si Tobby kasama ang isang lalaki. Nagtatawanan lang sila, napangiti na din ako ng makita syang masaya pero may kirot sa puso ko na hindi ako ang dahilan nito.


Tatalikod na sana ako ng biglang dumating si Lance.

"Tobby, let's talk" nagulat si Tobby ng biglang hilahin nito ang braso nya.

"Hoy! Ano ba! Bitawan mo nga ang kaibigan ko! " saad nung lalaki.

"Ikaw na namang unggoy ka?! Wag kang mangingielam dito kung ayaw mong paduguin ko mukha mo. " pagbabanta ni Lance.

"Ano ba kailangan mo Lance? Bitawan mo ko! " pagpupumiglas ni Tobby kaya lang mas mahigpit ang hawak sa kanya ni Lance.

Bigla nya itong kinaladkad kaya nagsisigaw na yung kasama ni Tobby. Doon na ko pumasok sa eksena.

"Bitawan mo sya Lance. " napatingin sila sakin. Mukhang hindi maganda ang mood ni Lance nun nararamdaman ko sa awra nya.

"Oiii andito din pala yung dagang taga Mcxwell Program. Ano naman gagawin mo kung hindi ko sya bitawan. " wala na kong nagawa kundi suntukin sya sa mukha.

Dumugo ang labi nya kaya tinignan nya ako ng masama.

"G*go ka ah! " isang malakas din na suntok ang tumama sa mukha ko kaya napaupo ako sa semento.

"Tumigil na nga kayo!!! " awat ni Tobby. Pero nagpatuloy pa din ang away namin ni Lance. Kinwelyuhan ako ni Lance habang inuulan ng suntok.

Nakiawat na din yung kasama ni Tobby pero wala syang magawa kay Lance.  Dumarami na ang mga nakikiisyoso pero walang gustong tumulong.

Pinilit kong sumuntok kahit nahihilo na at umaaray na sa mga sugat na natamo ko. Nakakatawa na para lang akong basahan na nilampaso ni Lance sa semento.

"Sabi na ngang tama na eh!!! " humarang na si Tobby ng akmang susuntukin na naman ako ni Lance.

"Umalis ka dyan Tobby! "

"Ayoko! Lance tama na. Ang dami mo ng nasasaktan. Please tama na. " umiiyak na nun si Tobby kaya napatigil si Lance.

"Akala ko naiintindihan mo ko. Pero katulad ka din pala nila. Nagtiwala ako sayo eh. Tang*na! Iiwan mo rin pala ako. " sambit ni Lance.

"Hindi mo ba naisip kaya ka iniiwasan ng tao dahil sa mali mong ginagawa sa kanila? " buong lakas na sabi ni Tobby.  "Lance please grow up. Isipin mo din yung iba. Hindi lang yung sarili mo. "

"Eh tang*na ka pala eh. Pinilit kong baguhin sarili ko para sayo. Haha tapos sasabihan mo ako ng ganyan? " galit na galit na si Lance.

"Baguhin mo ang sarili mo para sayo hindi para sa ibang tao. Lance, ou nagbago ka na pero sa pakikitungo mo lang sakin pero sa ibang tao ganun pa din. " mas lalong nagalit si Lance kaya kinwelyuhan nya si Tobby.

"Tarantado kang bakla ka. Minahal kita eh. " napalunok lang si Tobby.  At pumikit.

"Mahal din naman kita eh. Kaya lang hindi kasi tama. " hinawakan ni Tobby ang braso na sumasakal sa kanya.

"Tama na Lance. " binitiwan sya Lance at naglakad na palayo. Napahagulgol si Tobby kasabay ng mga bulungan ng mga tao.

"Hoy!!! Mga chismoso at chismosa umalis nga kayo dito kung ayaw nyong pagbubuhusan ko kayo ng tubig!!! Alis! Tapos na ang palabas! " pagtataboy ng kasama ni Tobby sa mga tao.

Lumingon sakin si Tobby at pinunasan ang mga luha nya.

"Ayos ka lang ba Andrei? Tara dadalhin kita sa clinic. " inalalayan nya ako para makatayo.

Talagang minahal nya si Lance. Makikita mo yun sa kanyang mukha.

🛡🛡🛡🛡🛡🛡🛡

To be continued.

Buhay ng PangetWhere stories live. Discover now