Chapter 6: Black&White Prince

245 11 0
                                    


Tobby's POV

"Tumayo ka dyan at sumunod ka sakin. " utos ni Lance. Hindi ako makagalaw sa takat ko sa kanya.


"Sabi ko tumayo ka! " lumakas na yung boses nya kaya wala na kong nagawa kundi ang tumayo.  Nanghihina ako sa kaba at takot.

"La... Lance may kailangan pa kasi akong puntahan. " pinipilit kong ayusin ang panginginig ng boses ko.

Lumapit sya sakin at muli akong tinulak sa pader.

"Tobby De Leon, wala akong pakielam sa pupuntahan mo o gagawin mo. Ang utos ko sumama ka sakin ngayon.  Ayaw mo namang magalit sayo ang prinsipe mo diba? Oh gusto mo....halikan kita ngayon. Ito gusto mo simula pa lang. " nilapit nya ang mukha sakin. Bago nya pa magawa ang balak nya ay tinulak ko sya palayo sakin.

"Lance tama na. Hindi na ako ang tangang alipin mo. Itigil mo na ang pangbubully sakin kung ayaw mong isumbong kita kay kuya Sven." nagsmirk lang sya sakin.

"Edi magsumbong ka. Magsumbong ka ulit Tobby at baka this time mapalayas na kayo dito sa Mcxwell ng kapatid mo. " anong pinagsasabi ni Lance anong mapapalayas ng Mcxwell?

"Mukhang walang sinabi ang kuya mo sayo ah? Sige ako na magsasabi sayo ng totoo.  Nang malaman ng head department ng Mcxwell International ang gulo na ginawa mo muntikan kayong maexpelled ni Sven. Ako lang ang nag urong ng kaso kaya nandito pa rin kayo. Kaya magpasalamat ka sakin. " naistatwa ako sa sinabi ni Lance.

Kaya ba pinapunta nya ako ng Batangas para hindi na madamay. Ito ba yung aayusin nyang problema sa Mcxwell kaya hindi na sya nakasunod sakin doon.

"So let's go? " tumalikod na si Lance. Wala na kong nagawa kundi ang sumama sa kanya.


Kung iisipin nga mas makapangyarihan ang mga Dominguez dito sa Mcxwell kaysa samin. At si kuya Sven ang sumugod kay Lance noon kaya all the odds are against us.

Pagdating namin kung saan nakapark ang kotse ni Lance ay binuksan nya ang pinto nito.

"Pasok" utos nya.

"La. Lance saan ba tayo pupunta? " tanong ko mamaya ipasalvage na lang ako nito at itapon sa Pasig River.

"Tama na ang tanong at sumakay ka na. " sumunod na lang ako kay Lance at pumasok sa loob ng kotse nya.

Sa buong byahe ay tahimik lang kami. Kinakabahan ako na baka hindi na ko makauwi ng bahay. Gusto kong tawagan o itext si kuya Sven kaya lang paano kung mapahamak pa sya sa gagawin ko.


"Kumain ka na ba? " pagbasag ni Lance sa katahimikan.


"Hindi pa. " maikli kong sagot.


Maya maya ay huminto ang koste sa isang restaurant.

"Tara kumain muna tayo. " para akong asong sunod sunuran kay Lance at pumasok ng restaurant na yun.

"Table for two" sambit ni Lance sa waiter. Nang makarating sa upuan ay binigay na samin ang menu.


"Isang medium rare na steak. At apple juice. " -Lance.


"Kayo sir? " tanong sakin nung waiter.

"Salad na lang with Caesar sauce. At orange juice. " nang makaalis na yung waiter ay tinignan ako ni Lance ng kakaiba.


"Pati sa klase ng pagkain nag iba ka na din. *smirk*"

"Lance anong ba kailangan mo sakin? " tanong ko. Sumandal sya sa kinauupuan at nginitian ako.


"Your my slave remember? You don't have the rights to question me. " napasinghap ako.

"Aalis na ko. " tumayo na ko. Walang pupuntahan ang usapang toh. Tsaka ayokong bumalik sa Tobby na inaapakapakan nya noon.


"Leave or I will pursue the case sa head department. And you and your beloved brother will be expelled." sinamaan ko sya ng tingin. I never thought na dahil sa walang kwentang comment na yun mauuwi kaming lahat sa sitwasyon na toh.


~~~~~~~~~~~

Andrei's POV

"Parang good mood ang pare ko ngayon ah. " biro ni Vince.

"Tigilan mo nga ako Vince. Panira ka ng araw ko eh. Tsaka palagi naman akong good mood hanggang badtripin mo ko." inakbayan ako nito at humawak sa dibdib nya na para bang nasasaktan.


"Ang sakit mong magsalita pare parang hindi mo ko kaibigan ah. Pero seryoso nga? Iba yung awra mo kanina sa klase eh. Bigla bigla ka na lang napapangiti tapos ang active mo pa sa recitation. Naka drugs ka ba? "

"Tigilan mo nga ako Vince. Hindi ba pwedeng nag aral lang ako nung bakasyon kaya active ako sa recitation kanina. At maganda ang gising ko ngayon? " tinignan nya ako na halatang hindi naniniwala sa sinabi ko.


"Bahala ka na nga dyan. Sige pupuntahan ko lang si Tobby. Yayayain ko syang kumain ng lunch. " sambit ko. Kanina ko pa sya tinetext pero walang reply kaya naisipan kong puntahan na lang sya.


"Tapos ako hindi mo man lang mayaya? Sama na ko pambihira naman toh. " nang malapit na kami sa Mcxwell International ay may dumating na kotse at nagpark malapit sa tapat ng M.I department.


"Diba si Tobby yun?.. Sino kasama nya? Sh*t pre si Lance yun diba? " agad akong tumakbo papalapit sa kanya. Binubully na naman ba nya si Tobby?



"Hoy, Dominguez binubully mo na naman ba si Tobby? " tanong ko. Nagulat naman si Tobby ng makita ako.


"Ikaw yung daga na nasa Mcxwell Program diba? Anong ginagawa mo dito sa department namin? " imbis na sagutin ko ang tanong nya ay hinila ko sa Tobby pero hinawakan naman ni Lance ang isang braso nya.


"Pre ang bilis mong tumakbo. " hinihingal si Vince na dumating. At naabutan nya ang nakakamatay na titigan namin ni Lance.


"Bitawan mo sya" sambit ko.

"Ikaw ang bumitaw may pag uusapan pa kami. " napayukom na ko ng kamao. Nang tignan ako ni Tobby, malungkot ang mga mata nya.


"Andrei, may pag uusapan pa kasi kami ni Lance. " kinuha nya ang braso nya sa pagkakahawak ko.


"Tinatakot mo ba sya.? " tanong ko. Hinawakan na ko ni Vince dahil ano mang minuto ay sasapakin ko na tong si Lance.

"Bakit ka ba nagkakaganyan? Tsssk boyfriend ka ba ni Tobby? " inakbayan nya si Tobby na nagpainit sa dugo ko.

"Kaibigan nya ko. "

"Kaibigan ka lang pala tssk. Kilalanin mo ang binabangga mo. Baka mapahamak ka sa pakikielam mo sa business ng iba. " banta ni Lance.

"Andrei, tama na. Ayos lang ako. " nagsmirk si Lance at umalis na kasama si Tobby papasok ng M.I.


"Pre anong kalokohan yun? Mukhang mabubully na naman si Tobby. Tsaka ikaw anong nangyayari sayo at apektado ka masyado? Wag na tayong mangielam sa kanila naalala mo muntikan na tayong maexpelled nung sinugod mo si Dominguez sa court. Ang weird nga nun kasi inurong nya yung kaso. Sabi naman ni Tobby ayos lang sya. Magtiwala ka na lang sa kanya. " hindi ko na lang pinansin si Vince. Kahit ako hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ako kaapektado. Siguro dahil kaibigan ko si Tobby.

Pero iba eh... Iba yung galit na nararamdaman ko. Lalo na nung inakbayan ni Lance si Tobby.

👔👔👔👔👔👔👔👔👔

To be continued.

Buhay ng PangetHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin