MSJE 9 - #Retribution

1.9K 97 19
                                    

Sorry for being AWOL once again! It was due to a long trip to Cloud Nine 😂 BEAR WITH ME, THOU!

Sana may magbasa pa! Hope I would still see old commenters! Thank you!

**

Chapter 9

Narito na kami sa Baguio patungong Bahong Flower Farm sa La Trinidad at hanggang ngayon nahihirapan akong kumbinsihin si Jucas sa dialogue na sasabihin niya sa camera.

"Okay, ganito nalang. Ako ang laging magsasalita but you should support whatever I'm telling para may part ka naman." Sabi ko habang nasa van kami.

"I already have a part. Bakit hindi nalang ikaw at ako nalang ang hahawak ng camera?" inis niyang sagot.

Napakamot ako ng ulo, "Paulit-ulit? This is our vlog. Each of us will talk at hindi pwedeng nasa likod ka lang ng camera. Salitan lang tayo."

Napapikit siya ng mariin at napasandal sa upuan. Napabuga ako ng hangin. Bakit ba ang hirap niyang pasunurin?

"If it's hard for you, then just talk to Professor. If you don't want to cooperate, bahala ka."

Professor is asleep that's why we both had the time to brawl. Hindi naman kami mag-aaway kung gising si Professor dahil pupunain nanaman kami.

"I'm only going to talk if I like doing it," aniya.

Napatingin ako sa kaniya at napailing.

"Kapag na-bored ka, gano'n ba?" mapait kong tanong sa kaniya at sarkastikong ngumiti.

"Sana ako rin katulad mo na kapag feeling ko gusto ko, gugustuhin ko at kapag ayaw ko na, ipagsasantabi ko na at hahayaan nalamang ito." Dugtong ko.

I heard his breath, "I think you wronged me," aniya na ikinataas ng kilay ko.

"My never-ending boredom doesn't affect anything that I like, 'cause when I like something, I always look for what's into it, not for what's onto it," makahulugan niyang saad.

Kumunot ang noo ko. Hindi dahil sa hindi ko ito nakuha, kung hindi dahil naguguluhan ako sa gusto niyang ipabatid sakin.

Umiling-iling nalang ako, "Too bad I'm done liking you." bulong ko at bumaling sa script na sinusulat ko.

I was lying. I just want him to believe it para pakitunguhan niya nako ng maayos.

Hindi siya sumagot ngunit ramdam kong nakatingin siya sakin kaya buong tapang kong sinalubong ang kaniyang mata.

Pakiramdam ko tumalon ang puso ko sa paraan ng pagtingin niya. It was like his eyes were talking to me, contemplating if I was telling the truth.

"Liar," aniya at nag-iwas ng tingin.

Napakurap ako sa sinabi niya. Wait, what? How can he even...

Fuck you, Jucas.

"Bakit mo naman sinabi na nagsisinungaling ako?"

Tumingin siya sakin kaya naman muling sumikdo ang puso ko. Kinuha niya ang script sa kamay ko.

"Because, you're not a good pretender," aniya.

Para akong natigilan at agad lumukob ang kaba sa dibdib ko. Hindi dahil sa nahuli niya ang pagsisinungaling ko, kundi dahil sa mga nalalaman niya.

May alam kaya si Jucas tungkol sa totoo kong pagkatao?

Buong byahe ay 'yun lamang ang iniisip ko, na posibleng may alam siya at pilit niya itong iginigiit sa akin.

I tried my best to do the vlog with him habang tinatanaw kami ni Professor at kung minsan siya ring ang humahawak ng camera para walang rason si Jucas para magtago.

Master Stony (Master #3) (Completed)Where stories live. Discover now