Chapter 12

87 6 0
                                    

Shreya's POV

Halata sa muka ng iba naming kasama ang pagka gulat dahil sa sinabi ni Ethan.

"Ikaw si Faven?" Hindi makapaniwalang tanong sakin ni Erika.

Bigla namang tumawa ng malakas si Natalia.

"Oh c'mon, wag nga tayong mag lokohan dito. Panong magiging sya si Faven eh ang hina hina nyan." Natatawang sabi ni Natalia.

"Oh please, you're just jealous." Bigla namang sumagot si Agnes.

"Oh me? Dont fool me." Matigas na sagot ni Natalia.

"Enough Natalia!" Sigaw ni Lacey.

"Totoo ang sinabi ko, at tulad ng sinabi ko kanina walang makakaalam na ibang tao bukod satin. That is Elphina's order."

Muling nagsimulang mag lakad si Ethan at sinundan din naman namin sya.

Mga ilang oras din kaming naglalakad at halata saamin ang pagkapagod, lalong lalo na saamin na ngayon lang ito gagawin.

"Im tired already." Sigaw ni Erika.


"Malapit nadin dumilim, maghanap na tayo ng masisilungan." Sabi naman ni Alex at sumang ayon naman si Ethan.

Nakahanap kami ng isang maliit na kweba at doon muna ako magpapalipas ng gabi.

Umalis sila Francis, Boman at Alex para kumuha ng mga kahoy para sa gagawin namin na apoy.

"Napagod ka no?" Pagtatanong sakin ni Lacey.

"Oo" natatawa kong sagot sa kanya.

"Matagal nyo na ba itong ginagawa?" Pagtatanong ko.

"Matagal tagal nadin, siguro mga dalawang taon na simula nung naging 3rd markers kami." Sagot ni Lacey.

"Dati kasi yung mga 4th markers ang gumagawa nito, pero simula nung lumaki na yung tiwala ni Elphina kay Ethan, saamin nya na ito iniasa." Dagdag pa nya.

Lumapit naman samin si Agnes na may dalang pagkain at binigyan nya kami.

"Paano nga pala kumalat yung epidemiya na sinasabi ni Elphina?" Muli kong tanong.

"10 years ago nung huling lumusob ang mga Carphatia, galing sila sa Cinnajan ang mundo ng mga witches. Kakampi talaga ng Pluganem ang Cinnajan pero biglang may lumabas na mga witches na ayaw kumampi sa Cinnjan at yun ang Carphatia." Sabi ni Agnes.

"So saan kampi ang Carphatia?" Tanong ko.

"Well hindi din naman kampi ang Carphatia sa dark kingdom, ayaw lang talaga nila kumampi satin. Ganto kasi yun." Mas lalong lumapit sakin si Agnes.

"Mayroon kasing dalawang kingdom, ang white kingdom at ang dark kingdom. Binubuo ng white kingdom ang Cinnajan, Neariadin at syempre ang Pluganem. Pluganem ang tinatawag na God world dahil nandoon lahat ng mga pinaka emportanteng tao sa white kingdom. Neariadin naman ay ang Warrior world, lahat ng nandun ay syempre mga warrior, wala silang kapangyarihan tulad ng nasa Pluganem. Cinnajan naman ay ang Miracle land, nandun lahat ng mga magagaling na mga witches, well of course some of them uses dark magic pero they know their limitations."

"For the dark kingdom." Pag singit ni Lacey. "Arriamel, the fierce land. Mostly warriors pero may iilan din na may mga dark powers. And of course the Fudrearoth the hell empire. Tulad ng sa Pluganem, sa Fudrearoth naninirahan ang mga importanteng tao ng dark kingdom."

FAVEN: The 7th Mythical OneWhere stories live. Discover now