Tumakbo ako at hinabol ang papalabas na kotse niya. "Mommyyyyy!"

"Mommy! Nooo." Tumatakbo lang ako hanggang sa makalabas ang kotse sa gate ng mansyon.

And my Kuya Ace is following and running behind me too.

Pero hindi ko naabutan si Mommy... iniwan na niya talaga kami...

"Nako, Aria! Bakit ka umiiyak?"

Dali-daling kumuha ng tissues si Mama Gani. Siya ang naga-alaga sa'kin bilang Balerina. Idinampi niya sa tumulong luha ko ang tissue.

"Ang make-up masisira, kinakabahan ka ba? Nakshie ko?" Alalang tanong niya sa'kin.

Umiling lang ako. Hindi ko rin kasi namalayan na naglalakbay na naman ang isipan ko. At sa dinami-rami pa ay 'yong memories pa na sobrang sakit. Kapag lalaban at malapit na talaga akong isalang upang mag perform ay nare-reminisce ko ang araw na 'yon. Na ang isang kawawang bata ay humababol sa kanyang Ina na iniwan siya.

Napalunok ako at huminga ng malalim. This day ang final competition for Varna Philippines. Ang mananalo rito ay siyang ilalaban sa Varna International. Pinaghandaan ko ang araw na 'to sapagkat bata palang ako ay pangarap ko na mailaban sa Varna International at maging tanyag na Balerina internationally. Nailalaban din naman ako sa ibang bansa kaso ang pinaka prestisyoso ay ang Varna. Labanan ito ng mga pinakamagaling na mananayaw sa larangan ng Balerina sa buong mundo. Gusto kong ako ang maging representative ng bansa natin.

Mga age of three years old ay pinasok na ako ni Mommy sa ballet school-na siyang kalaunan ay talagang naging hilig ko na. Naging buhay ko na ang pagsasayaw lalo na no'ng iniwan kami ni Mom. Napag-alaman ko na sa Italy na siya nanirahan. Dinadalaw din namin siya minsan ni Kuya Ace pero hindi kami nagtatagal kasi maging siya ay busy sa pagpapatakbo ng sariling mall sa Italy.

My Mom is the most strict and evil witch mother among all. Bakit ko nasabi? She's a queen of all bitch. She's bossy and a price tag queen. Mukhang ang ipinalit niya nga kay Daddy ay money. She's a ballet dancer before, then a former beauty queen representative. Napaka sopistikada at metikolosa. Si Daddy naman ay muling nagpakasal kay Tita Zarina Vlodz, na siyang Mommy ng step brother kong singer-actor na si Zyrus Denzel.

At isa sa ikinalulungkot ko wala ni isa sa pamilya ko ang nanonood sa'kin ngayon. Nakaka-insecure na halos lahat ng mga kalaban ko ay nandito ang pamilya upang suportahan sila pero ako? Wala ni isa.

Tanging si Mama Gani lang ang nandito. Siya na ang naga-alala sa'kin simula no'ng maging myembro ako ng ballet dance studio niya na 'Gem Steps' and that is an international agency para sa mga Ballet dancers sa bansang 'to. He's a gay pero minsan na siyang nakarating ng Varna.

"And now, the representative from Gem Steps Philippines. Aria Blaire Cardemonde."

Muli akong napalunok at huminga ng malalim.

"Goodluck, don't ruin my expectations." Sabi ni Mama Gani at tumango lang ako sa kanya.

Naririnig ko ang dagundong ng palakpakan ng lahat. Ginanap ang kompetisyon dito sa Mall of Asia Arena. Gumaan naman medyo ang loob ko dahil dumating pala ang mga tagahanga ko upang suportahan ako.

Ang iba sa kanila ay winawagayway ang kanilang lightsticks tapos ay pulos pangalan ko ang isinisigaw ng lahat. Lalong hindi nagkamayaw ang lahat nang magtungo na ako sa gitna at pumusisyon na para sa pagsisimula ng aking sayaw.

It's a 'Dance of the Sugar Plum Fairy' halos limang buwan ko 'tong tine-training para lang ma perfect ang execution ng steps. Napaka-desiplinado ko basta usapang dancing career ay talagang focus ako. I never been in a serious relationship It's just that na hindi nagtatagal sa akin ng isang buwan ang isang guy dahil sa bitchy side ko. I don't know the defination of feelings and anything stuff na siyang mababasa sa mga fairytails. I'm into a realistic thoughts because love is nothingbut just a hormonal gland things inside your hyphotalamus.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon